"Bakit ba ngayon pa umuulan?"
Ang swerte ko talaga kahit kailan. Ngayong araw lang ako pwedeng maghanap ng malilipatan yung mura lang kasi nga since um-absent ako, lulubusin ko na pero heto't umuulan naman. Pwede bang sa ibang araw naman sana ang ulan? Demmit. Hindi ata nauubos ang kamalasan ko. Great!
Sumilong muna ako sa waiting shed, buti naman at dalawa lang kami dito. Wala naman kasi masyadong naglalakad sa mga oras na ito dito. It's 7pm in my watch. Tatlong oras na akong naglilibot sa siyudad and to my dismay wala pa akong nagugustuhan. Kung bakit? Hindi ko rin alam, ayoko namang makipag-deal agad-agad kasi baka magsisi lang ako. Kukunti nalang ang pera ko dapat ko itong e-budget ng mabuti.
Hinalukay ko ang bag ko to find my mahiwagang payong. Ang alam ko nagdala ako kanina. Hindi lang nga ako sure kasi wala ako sa tamang huwisyo kanina, potek talaga. Hindi na ako iinom ulit.
"George?"
Natigil sa ere ang kamay kong naghahanap. Inangat ko ang mukha ko and there I saw him again.
"Renz?" just to make sure. Baka kasi nagha-hallucinate ako e.
"Ikaw nga!" he said enthusiastically.
I smile at him, kahit medyo basa siya sa ulan, hindi man lang nabawasan ang appeal at kagwapuhan niya, samantalang ako, ah! Never mind.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
"Sumisilong? Kasi lakas ng ulan. Nandun pa sa BDO yung sasakyan ko. Ikaw ba?" tanong niya pabalik.
"Sumisilong din. Bigla kasing umulan."
"Ah. Saan ba punta mo?"
"Ah kung saan-saan lang. Naghahanap kasi ako ng malilipatan."
"Oh. Independent woman."
"Hindi rin. Hehe! Walang choice eh."
"Ha bakit naman? Nasan ba ang pamilya mo?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Ah wag na nating pag-usapan." I said closing the topic. Ayaw ko ng ma depress.
"Hmmm. okay." good thing na-gets niya naman."Well I have a spare apartment." he said smiling.
"Ha? Apartment? Kwarto lang ang kailangan ko. For me to stay for at least a week."
"You can stay there. Isang week lang pala. Wala naman kasing nakatira dun."
Is he serious? If he is, will I say yes? Nakakahiya naman. But it's a good opportunity. I can save a lot. Wala ng gastos sa renta. But it's too good to be true. Ano nalang ang sasabihin niya sa akin? Baka kasi he's asking me lang out of courtesy. Baka sabihin niya ang kapal ng mukha ko na pumayag lang agad sa alok niya? Pero siya naman ang nag-o-offer diba? I didn't ask him. At bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?
"Uhmm. Nakakahiya. Okay lang ako Renz." totoo. Nahihiya ako.
"Don't be. Okay we will have a deal."
"Ha? What? What deal?" what is he talking about?
"I'll let you stay at my apartment, as long as you want, but act as my gf as a token." he is serious. Dammit.
"WHAT? B-but y?" nalilito tuloy ako sa kanya.
"Just to make someone, let's say regret and be jealous."
Nandito kami ngayon sa "spare" apartment niya. Define "spare apartment"?
Well if we say spare, it means extra, excess, tira-tira. But what the heck? Hindi ito joke, this apartment is in style and passably elegant. Bakit sa kanya spare lang? He must be damned rich. Now I'm confuse, nakakahiya and baka sabihin niya manggagamit ako. And speaking of "user", well, he's using me too, at least not yet today. I will act as his girlfriend. So we are quiet even. Demn.
YOU ARE READING
Hearts and Choices
RomanceAno ba talaga ang love? Hanggang saan ka kayang dalhin nito? Is it really all in the mind or it's the heart that decides?
