The Reincarnation of Ding

180 12 33
                                    

//@xPANICx --- dedicated sa'yo kasi alam mo na kung bakit ^_<V hahaha

Nakasisilaw na liwanag . . .Puting puti ang paligid . . . Walang ibang makita si DIng kundi ito. .

(The story so far . . . naluto na nga si Ding diba so. . .kasalukuyan nang naglalakbay ang kalulwa ni Ding patungong langit. . . )

"Konnichiwa!!!!"

Nagulat si Ding sa narinig. Ang akala niya siya lang mag isa ang nandoon.

"Oh! Andito ka pala?" tanong niya sa kasama. (hulaan kung sino ang kausap niya)

"Oo naman kapatid! Naging mabuti naman ako noong nabubuhay pa ako sa mundo." may pagmamalaking sabi niya. (kung nahulaan niyong siya si drama boy sa Adventures of Ding. . .tama kayo)

"Ah!! Mabuti naman at may makakasama ako. Kamusta nga pala? Anong nangyari nung nilagay ka sa pancit?" tanong ni DIng habang patuloy ang kanilang pag-akyat.

"Ah yun ba? . . . Ang p*ta peteng chef yun!!! Matapos niyang putulin ang pangarap kong maging tempura, akalain mo bang hindi ako isama sa plating??? Walangya talaga yung bwisit na chef na yun eh!! Mamatay na sana!!" naghihimutok sa galit na sabi nito.

Hindi alam ni DIng kung paano siya mag re-react sa sinabi ng kasama. Gusto niyang tumawa pero dahil mabait siya at baka masaktan lang ang kawawang hipon di na lang siya nag salita.

"Ano Ding?!!?! Matapos mon ipaalala sa akin ang masaklap na nangyari sa buhay ko ganto lang? no comment ganun??"

Magsasalita na sana si DIng para humingi ng tawad ng masilaw sila sa sinag na nagmumula sa isang malaking gintong gate.

"Woah!!" nasabi ni DIng sa pagkamangha . .

Malapit sa gate makikita ang mga nakapilang mga kaluluwa. Sa unahan nito ay ang isang matandang lalake.

Hindi nila namalayang nakasunod na pala sila sa pila. Habang lumalapit sila sa matanda ito ang naririnig nila.

"Heaven!! . . . Hell!!"

"Ding!!" tawag ng kasama, "mukhang si San Pedro yun ah! Pinipila na niya kung sinong makakapasok sa langit!!"

"Oo nga noh?! Sana makapasok tayo."

"Tsk tsk tsk! Ako siguradong makakapasok, pero ikaw?? ewan ko lang hahaha"

"Pshh yabang naman. Sa PANCIT naman napunta ANLIIT kasi :P"

"Aba't!!!!!"

"Next!!!!!" naputol ang usapan nila ng tawagin na ang kasam niya.

"TIngnan mo Ding kung paano ako papasok sa langit." taas noong pumunta ang hipon at humarap kay San Pedro..

"Hey San Pedro wazzup!!"

"Hell!!!

"H-ha??! Bakit sa hell ako pupunta?"

"Sa pagkakaalam ko kasi kani kanina lang ang lakas mo makapag mura. Hiniling mo pang mamatay yung chef ha!! Yan sa hell ka magdusa!"

"You know San Pedro, I can buy you, your friends, and this gate so don't you dare throw me in hell!!!"

"Ohhhh!! natakot naman ako dun hipon!! Guards dalhin na yan sa dapat niyang puntahan!"

-awwwww kawawang hipon-

"Next!!"

Lumapit naman si Ding na nangangatog ang tuhod . . .malamang kinakabahan. . .

"Welcome sa Heaven Ding!!!" nakangiting bati ni San Pedro.

The Reincarnation of DingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon