"Sige. Teka tatawagan ko lang siya"

Tinawagan niya si Sarah. Halos isang oras na kaming nahihintay kay Sarah. Akala nga namin di siya pupunta. Naku grabe pa naman yung effort na ginawa ko dito pero di nagtagal dumating na din siya.Pagkapasok niya sa pintuan, parang nagkaroon ng isang liwanag. Nakakasilaw ang ganya niya. Nakasuot siya ng isang dress na all-blue lahat at nakaponytail ang kanyang buhok. Grabe, napakaganda niya.

Hinatid ni Stephen si Sarah sa mesa. Pabilog yung lugar tapos puno ng lights ang kanilang paligid. May nagviviolin din sa tabi nila.At hulaan niyo kung saan ako? Andito lang naman ako sa likod ng puno na  panay silip ng silip sakanila. Kanina ko pa tinitignan si Stephen gamit ang aking makamandag na tingin para alamin kung kailangan niya pa ang tulong ko. At buti nalang nakita niya din ako. Ngumiti lang siya sakin at sign na yun na kaya niya na nga.

Pagkatapos ng kanilang dinner, nag-usap sila. Ang nakakalito lang dito, wala pang sampung minute ang kanilang usapan, natapos kaagad. At makikita mo sa mukha ni Stephen na parang disappointed siya. Lumakad sila palabas ng lugar at hinatid ni Stephen si Sarah sa kanilag bahay.

Pagkabalik ni Stephen, hindi na mapinta ang kanyang mukha. Nagkaroon na ata ako kutob na merong hindi magandang nangyari.

"Oh ano? Ok ba? Anong nangyari?" Pagusisa ko naman sakanya

"Sige uwi ka na Nics, ako nalang bahala dito. Thank You nga pala” Ganun lang ang nasabi niya sakin at biglang tumalikod at naglakad-lakad sa lugar. Hinabol ko siya at tinanong kung anong nangyari.

"Ha? Teka lang, bakit mo naman ako papauwiin? Bakit ano bang nangyari? Hindi ba naging successful?” Bigla nalang siyang yumuko at nilagay ang kaliwan niyang kamay sa kanyang noo. Kaagad kong narinig ang kanyang mga hikbi. Gusto ko sanang tumawa pero sa tingin ko hindi ganito ang tamang panahon para magbiro. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Shh.... Shh... Hindi naman kasi lahat ng bagay, makukuha mo. Kung mahal na mahal mo siya edi sabihin mo sakanya na hihinatayin mo siya” Pagbibigay ko naman ng konting payo sakanya. 

Agad niyang kinuha ang yakap ko sakanya a humarap sakin "Hindi Nics eh. Hindi pa daw siya handang sagutin ako. Sabi ko sakanya maghihintay naman ako eh, pero ayaw niya talaga

“Ganun ba…Edi huwag ka nang umiyak. Naku! Yang poging mukha? Umiiyak lang? Sige na.. Itigil mo na yan.Para ka naming bata niyan eh” Hindi ko na alam kung ano pa yung magbibigay ko na payo sakanya kaya dinaan ko nalang sa biro. Una ayaw niya pang ngumiti pero dahil sa pagpapatawa ko, napangiti ko din siya.

End of Flashback

"Oh ano bakit tumatawa ka diyan?” Habang nakatingin sakin ng malalim. Nagulat naman ako nung nagsalita siya.

"Wala!" Sagot ko naman sakanya habang pinipigilan ang mga tawa ko.

"Bakit nga?" Pamimilit naman niya sakin

"Wala nga sabi eh. Naalala ko lang nung niligawan mo si Sarah. Hahahaha Umiiyak ka pa kasi nun eh!" Kumirot naman ang kanyang mga noo nang sinabi ko yun. Alam ko kasing ayaw na ayaw niyang ipinapalala ko sakanya yun.

"Tsk. Huwag mo na ngang ipapaalala sakin yan. Besides may bago naman ako at sigurado akong magiging masaya ako sakanya" Nakangiting sabi naman niya sakin

"Bago? Hahahaha Oh asan? Dalhin mo nga dito kung meron nga ba talaga! Ikaw parati ka nalang sabi ng sabi. wala naman. Hahahaha" 

"Hmm.. Hintayin mo lang mamaya. Papakilala ko siya sa'yo." Pabiro naman niyang sabi. Hmp. Siya may bago? Eh paiba-iba nga yung babae niya araw-araw eh, bago pa? Tsaka kung may ipakilala din naman siya sakin, sigurado akong isa nanaman yan sa mga babae niya.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon