Chapter One

31.6K 679 36
                                    

MATAPOS niyang dumampot ng ilang pirasong damit, perfume at accessories ay pasimple siyang luminga sa paligid.

Nagmasid siya saglit saka naglakad-lakad pa habang pasimpleng inilalagay sa loob ng bag niya ang ilang gamit na hawak niya.

Weekday ngayon kaya hindi masyadong matao sa department store. Hindi siya nahirapang isilid ang ilang accessories at pabango na kinuha niya.

Nang makitang puro signature na damit na lamang ang hawak niya ay pumunta na siya sa ladies fitting room.

Walang staff sa labas noon hindi tulad ng ibang department store na may nag-a-assist kapag magpi-fit ka ng damit.

Kaagad siyang pumasok sa isang bakanteng room at mabilis na inilagay sa tote bag niya ang tatlong branded na dress at pagkatapos ay hinubad niya ang bestida na suot at isinuot ang dalawang bra at limang panties.

Matapos maipatong-patong ang mga undies ay isinuot niya naman ang dalawang shorts saka niya ipinatong ang bestida niya na suot kanina.

Pinagmasdan niya ang sarili niya sa salamin. Hindi naman halata na marami siyang suot sa loob. Dahil maluwag ang dress na suot niya.

Napangiti siya sa harap ng salamin. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakapag-shop lift sa department store na ito.

Kilala niya naman ang may-ari nito. Infact bestfriend ng kuya niya. Pero dahil pabaya ang ilang mga staffs nito at walang CCTV sa loob ng department store ay madali siyang nakakapagnakaw ng mga produkto.

Parati pang wala rito ang may-ari na si Jordan Julio Rodriguez. Ang playboy na matalik na kaibigan ng kuya niya.

Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin saka lumabas na. Nginitian niya ang isang staff na nakasalubong niya paglabas niya.

Confident siyang naglakad towards the exit door. Ngiting tagumpay na siya. Pero nang nasa may pintuan na siya ay may biglang sumigaw sa likuran niya.

" Miss!" sigaw ng isang lalake.

Hindi siya lumingon at sa halip ay nagmamadali siyang naglakad palabas ng department store. Pero muling sumigaw ang lalake kaya napilitan na siyang tumakbo.

And running wearing her heels is not easy. Nabangga niya ang ilang costumers na papasok pa lamang at nang nakalabas na siya ay mas binilisan niya pa ang pagtakbo papunta sa parking lot.

Pero sadyang hindi na kinaya ng stiletto niya at bigla iyong naputol dahilan para matumba siya. Bumagsak siya sa semento. At sumabog ang laman ng tote bag niya.

Napadaing siya sa sakit ng pagkabagsak niya. At huminto sa harapan niya ang dalawang lalake na humabol sa kanya.

Kaagad na pinulot ng mga ito ang laman ng bag niya saka siya sapilitang hinawakan sa mga braso at itinayo.

" Let me go!" asik niya sa mga ito.

" You need to come with us! You took some items and you did not go to the cashier to pay for it!" sabi ng isang lalake.

Mukhang mga part time workers lamang ang mga ito at sa tingin niya ay mga senior students. Pero hindi hamak na mas matangkad sa kanya.

Muli siyang nagpapalag at sinubukang sipain ang mga ito. Pero wala namang magawa ang maliit na katawan niya at madali lamang siyang nakaladkad ng mga ito.

HABANG nakatayo siya sa loob ng opisina niya at nakatingin sa monitor ng CCTV sa may parking lot ay sunud-sunod ang pag-iling niya.

Labis siyang nagulat nang makita sa monitor kanina na si Che-che ang babaeng kumuha ng napakaraming items at isinilid sa bag nito ang ilang accessories na hawak.

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now