Prologue

6 0 0
                                        


(before anything else.... I don't own any of these pictures so have fun and enjoy reading)

"Hyna Batumbakal at your service Ma'am" matayog na sigaw sabay pagbigay pugay kay Mrs. De Leon na pinagtratrabahuan niya bilang personal assistant.

"Hay naku Hyna! Ikaw talagang bata ka. Late ka nanaman." Nakangiting pailing iling ni Mrs. De Leon sa kanya.

Ngiti lang iginanti ni Hyna sa amo saka sinumulan ang pagaayos ng mga dadalhin para sa nakaschedule na meeting ngayong araw. Bitbit ang sandamakmak na folders at dalawang paper bags na punong puno ng mumunting regalo at iba pang papeles ang dinala agad niya sa likod ng sasakyan ni Mrs. De Leon. "alam mo Hyna maganda ka naman, ilang beses ko nang sinasabi sayong pwede kang magartista. Pwedeng pwede kang magmodel." Biro sa kanya ng amo nito.

"Naku ma'am, wala sa plano ko ang magartista saka po hindi naman ako maganda at hindi rin naman ako matangkad para magmodel noh. Wag mo na akong bolahin madam. Ang importante sakin ngayon ay ang makatapos ang dalawa kong kapatid na ngayon ay magsisimula nang maghighschool." Natatawang sagot ni Hyna.

"hay naku bahala kang bata ka, halika ka na at baka malate ako sa meeting ko. May bago akong talent" pagmamadaling akay sa kanya ng boss niyang babae.

Alas nuebe ng umaga sila nakarating sa meeting place kung saan magaganap ang contract signing ng isang kilalang grupo na sikat na sikat sa mga kabataan lalo na sa mga kababaihan. Si Mrs. De Leon kasi ang magiging bagong manager nila. Napakaganda at napakataas ng hotel na pinili mismo ni Mrs. De Leon, ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapasok siya sa ganoong kagandang lugar. Manghang mangha siya sa mga makikintab na chandelier na nakasabit sa gitna mismo ng lobby area. Kahit saan man siya umapak ay natatabunan ng napakaganda at mukhang mamahaling carpet. Halos lumutang siya sa napakabangong kanina pa niya nasisinghot mula sa bukana ng lobby area. Para siyang kinikilig sa lakas ng aircon na bago sa kanya ang temperatura.

"ang ganda naman dito. Mas maganda pa sa mga napapanood ko sa TV" pabulong na sabi niya sa katabing amo.

"mag ingat ka Hyna at baka matapilok ka sa kakaikot ng ulo mo." Saway sa kanya ni Mrs. De Leon

"Yes po." Tugon ni Hyna

"pagkatapos mo ilapag ito. ay balikan mo yung naiwan kong itim na folder sa parking saka dumiretso ka na sa upuan ko mamaya" utos sa kanya sabay abot ng susi ng sasakyan

"Opo!" magiliw niyang sagot. Ilang beses man niyang paulit ulit tingnan ang paligid ay hindi padin nawawala ang pagkamangha niya sa buong lugar. Mahigpit niyang hawak ang susi ng sasakyan at nakatingalang naglalakad papuntang parking na hindi padin inaalis ang paningin sa chandelier na nakasabit sa gitna.

"aray!" halos pasigaw nitong sambit habang sapo sapo ang puwitan nitong mukhang napalakas ang umpog sa sahig na nababalutan ng carpet.

"tumingin ka sa dinadaanan mo." inis na pinagpag ng lalaki ang sarili saka tinitigan siya ng masama. Hindi makapagsalita si Hyna sa sobrang pagkatulala at nanatiling nakatitig lang siya sa apat na lalaking sumulpot sa harapan niya.

"Miss ok ka lang? pasencya ka na nagmamadali kasi itong si Justin" amot ng kamay ng isang lalaki sa likod ng nakabangga sa kanya para alalayan siyang tumayo. Hindi pinansin ni Hyna ang kamay nito at saka nagkusang alalayan ang sarili para tumayo. Ngiti lang ang iginanti niya sa lalaking nagalok ng tulong sa kanya. Muli niyang tinitigan ang lalaking bumangga sa kanya at pansin parin dito ang pagkayamot sa nangyari kanina. "alam mo ikaw may pagkabastos ka din, ikaw na nga itong nakabangga tapos ikaw pa itong galit" inis niyang tugon sa lalaking tumalikod sa kanya.

Inismiran lang siya nito at tinitigan mula ulo hanggang paa saka ngumiti ng nakakaloko. "are you one of our fans? Try to get our attention kaya binangga mo ako?"

"Wow ah! Wag kang feelingero, Saka anong Fan fan ang tinutukoy mo eh hindi nga kita kilala" pagmamataray nitong sagot sa lalaking kaharap. Napansin niyang natawa ang tatlo pa nitong kasama na kung ikukumpara ay hindi din magpapatalo sa kaguapuhan.

"you're funny. But we have to go, nice to meet you" paumanhin ng isa sa kambal na kasama ng lalaking bumangga sa kanya saka marahas na hinila ang kasama habang patuloy na nakangiti kay Hyna. Hindi na lang niya pinansin at tinalikuran ang apat na lalaking mas maganda at mas makintab pa sa chandelier na pinagmamasdan niya kanina.

Wala pa siya sa labas ng lobby ay naririnig na niya ang tilian ng mga kababaihang may hawak na kanya kanyang banner at mukhang sa tingin niya ay supporter ng sikat na artista. Paulit ulit nilang sinisigaw ang salitang "Heaven!"

"hindi ko alam kung kulto ito o nababaliw ang mga babae sa labas ng hotel" mahinang bulong ni Hyna sa sarili. Napansin din niyang ang ilan dito ay naka school uniform at mukhang hindi pumasok para sumigaw ng paulit ulit sa labas ng hotel. Napailing iling na lang siyang tinungo ang parking lot para kunin ang inuutos ng amo.

"Hyna! halika ka dito" masayang tawag ni Mrs. De Leon sa kanya habang lakad takbo itong lumapit sa boos niya.

"Yes po Ma'am?!" nagtatakang tanong ni Hyna sa halos mapunit na ngiti ng boss niya sa kanya.

"sumunod ka na lang at tumango tango sa sasabihin ko ahhh. mamaya na natin pagusapan yung mga magiging tanong mo" pabulong na sabi ni Mrs. De Leon sa kanya

dali dali siyang hinila ni Mrs. De leon papunta sa meeting room kung saan nagmemeeting ang management ni Mrs. De Leon at ang bagong talents nito.

"Good Morning Boys.. I would like to introduce to you all your new assistant. she'll be with you 24/7 and I'll assure you she's the best" napanganga si Hyna sa pagkabigla, hindi niya alam kung napromote ba siya o nademote sa ginawa ng kanyang boss. 

una agad niyang pansin ang lalaking nakaupo sa gawing kaliwa na nakataas ang kilay na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. pakiramdam ni Hyna ay napapasok siya sa impyerno sa lupa.

F.Y.I. I love youStories to obsess over. Discover now