Simula ng makita ka,
Hinahanap hanap ko ang presensya mo sinta.
Di mapakali pag di ka nakikita,
Kahit litrato at teleserye mo lang pinapantasya
Taga hanga mo lang ako mula Pilipinas,
Pero ang paghanga ko sayo ay labis-labis at walang lunas.
Kahit ako'y baguhan lamang sa iyong fansclub,
Minamahal naman kita magpakailanman.
Mawala ka man sa industriyang tinatahak mo,
O malaos ang grupong sinasalihan mo
Pero ito ang pakatatandaan mo,
Hindi kita iiwan gumuho man ang mundo.
Ang tulang ito'y handog ko sayo,
Kahit alam kong hindi mo maiintindihan ito.
Nais ko lamang iparating sa tulad mo,
Na RONALYN ang ngalan ko na lubos na humahanga sayo.
------------------
Its a poem for Lee Jung-Shin of CNBLUE. I hope he can read it even if he cant understand it. 😂😂
