Isang gabi nakita kong active yung messenger mo. Naisipan kitang padalhan ng message. Nag "wazzup" lang ako at di naman ako nabigo kasi nagrespond ka.
Hindi tayo friends sa FB, kaso one of my friends ay pinangingilagan mo though we're not that close, but still, ayaw mo eh!
Nagbalitaan tayo ulit. I remember five or six years ago, you were able to find me through one of our common friends, dito rin sa FB. During that time wala pang chat. Sa YM tayo nagchikahan, nagkumustahan at nagsisihan. Ramdam ko yung saya mo that time.
E yung saya ko naramdaman mo rin kaya?
Tapos bigla kang nawala. Unsearchable ka bigla. Matapos mong sabihin sa kin na ang tagal mo kong hinanap sa social media tapos para kang bula. Bigla kang nawala.
Recently, ikaw naman ang nahanap ko. Pasulpot-sulpot na mga message.
Until, yun nga, nagchat tayo sa messenger. Di ka yata nakatiis at tumawag ka. Gosh! It was so glorious to hear your sweet voice again after 23 long years.
Natatandaan ko pa halos araw-araw yata pag umuuwi na ko from school, bago ako sumakay sa jeep pauwi na sa min eh tumatawag ako sa landline nyo. Wala pa kasing PLDT sa lugar namin that time at lalong wala pang mobile phone. Expected calls yung mga yun kasi palaging ikaw ang nakakasagot.
Walang nagbago sa boses mo. Syang sya pa rin. Ganun din sabi mo sa kin. Di rin nagbago ang boses ko. Biglang nagtime travel tayo. Pinag usapan natin yung mga common friends natin. Kinumusta mo si ganun at si ganito. Amazed ka yata sa ibang mga nalaman mo.
Pinag-usapan natin yung mga naging lovelife mo nung nawalan na tayo ng communication. Parehong unsuccessful. Parehong iniwanan mo ng priceless remembrance. Hanggang ayaw mo ng pag usapan.
Pero yung narinig ko sa yo ang nagpayanig sa gabi ko. I never expected to hear those words from you.
You said that I was your ex-girlfriend!
Teka sandali lang! Anong sinabi mo? Ako? Naging girlfriend mo? Bakit di ko alam?
My jaw dropped. My head spinned. There were cobwebs in my brain that night. I was standing outside the door at that time to get a better reception on my mobile because you were so many miles away from me, literally! Nasa Qatar ka eh!
When I heard you said that, my knees became gelatin that I had to sit down.
Please don' t get me wrong when I reacted. In a way, I knew you felt insulted. Sabi mo nasaktan ka nung akala mo I denied you but, NO!
You didn't have an idea how happy I was that you finally said that. ( My tears were blinding me while I'm writing this😥)
Bakit ngayon lang? Ang tagal kong hinintay na malaman if what the real score was. It took you so long to admit who I was to you! Kasi yung totoo wala naman akong matandaan na nanligaw ka sa kin. You never said you liked me. You never said you loved me.
I don't know kung natatandaan mo pa yung mga sulat mo sa kin dati palaging may " I Love You" sa ibaba. Akala ko wala lang yun. Akala ko normal lang sa yo yun kaya ginaya rin kita. Kasi nagsusulatan tayo kapag sem break na at umuuwi ka sa Leyte. Ako, nandito lang sa min. Ang saya- saya ko nga kapag tinatawag ako nung taga deliver ng sulat eh. Alam ko sa yo galing yun. Kahit one-paged lang yung laman paulit-ulit kong binabasa yun. Masaya na yung araw ko. Inspired na ko maghapon.
Kapag may pasok na ulit nagkikita tayo sa school pero di naman madalas. Pero siguro kung uso na dati yung mobile phones mas naging maliwanag siguro sa tin ang lahat.
I don't know if you can still remember that very first day we met each other. My Consti instructor invited me to his other class to watch the debate. It so happened yung dalawa kong classmates were joining the team, too. Isa ka pala dun. After that we were introduced at nagulat ako ng bongga kasi you kissed me on my right cheek afterwards. Tapos umalis ka na. Tinakpan ko yung gulat ko. Ayokong tuksuhin ako ng mga friends ko na nandun din. Iniba ko yung usapan but I knew everyone noticed what you did to me. That was the first and the last kiss I received from my unknown boyfriend.
Natatandaan mo ba nagpapasama ka sa kin para bumili ng bagong t-shirts.
Ako rin madalas magpasama sa yo para bumili ng books and etc. Kumakain tayo sa labas. We even watched a movie. Di ko matandaan if more than once. Normal lang tayo sa loob ng sinehan. Magkatabi lang tayo at inenjoy yung palabas. Kahit minsan di ko inisip na tayo. Although umasa ako na sana nga, tayong dalawa. Pero hindi kasi ako assumera eh! Go with the flow lang ako.
Napapansin na ko ng mga friends ko na medyo friends mo na rin. Tinatanong nila ko kung boyfriend daw ba kita. Sagot ko hindi. Mahirap na kasi baka makarating pa sa 'yo tapos baka ano pang isipin mo.
Yung mga sulat mo sa kin ang tagal kong itinatago. Pag wala akong ginagawa isa isa kong binabasa ulit. I don't categorize them as love letters. Para kasi sa kin special friends tayo. Yung tipong more than friends but less than lovers. Importante ka sa kin dati. Ayaw nga nilang maniwala na hindi tayo eh. Obvious kaya ako? Nakikita ba nila sa kilos ko na mahal kita? Nababasa ba nila ako? Ikaw? Alam mo ba yun? Naramdaman mo ba yun? Naramdaman mo bang minahal kita?
I hate you! Bakit di mo sinabi sa kin dati yung mga salitang gusto kong marinig? Bakit kung kelan sobrang huling huli na ang lahat saka ko lang malalaman sa 'yo na naging tayo pala?
Ngayon ko narealize kung gaano ako kabale wala sa yo. I never felt that I was your girlfriend. Kaya hindi mo ko masisisi if nagulat ako sa sinabi mo. Kasi I was never informed. You have your own memories with me. I have mine, too! But the fact remains that they were just memories na lang. Yun yata yung tinatawag nilang M.U., ang ibig yatang sabihin nun ay "Maling Umasa", yan ang applicable na meaning para sa akin.
Iniisip ko, what if isa sa tin ang nag step out? Siguro iba ang takbo ng buhay natin ngayon. Tayo pa rin kaya?
Anyway, ganun na lang nga. Memories na lang ng isa't isa ang meron tayo. Hanggang sa pagtanda natin meron tayong maaalala.
O, ayan deactivated ka na naman.
Kelan na naman kaya mauulit ang pagreminisce natin sa nakaraan?
After 5, 6 years?
👫
YOU ARE READING
THE 👦 BOYFRIEND I NEVER HAD
RomanceUmasa ako. Buti ka pa alam mo kung ano tayo dati. Ako, hindi eh!
