Prologue

341 38 25
                                        

Late At night when all the world is sleeping...

I stay up and think of you.

And I wish on a star, that somewhere you are

Thinking of me too.

Nakafull volume akong nakikinig kay Selina habang tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Badtrip!

Lilipat na kami ng bahay bukas. Bagong eskwelahan, bagong kaibigan, bagong mga kapitbahay...

Tsk! Kainis talaga sila mama.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi tanggapin na this is it!!!

Sana lang maayos yung lilipatan naming lugar.

Naisipan nila mama at papa na sa medyo labas ng siyudad ang lugar na tirahan namin. Pero di naman probinsya. Yung tipong sakto lang para sa pagreretiro nila mama sa trabaho.

Di ko na makikita sila Marie at Jellie.

BADTRIIIPPPP!!

Tumayo ako ng kama para pumunta ng kusina at magtimpla ng juice.

Di pa rin mawala inis ko dahil wala naman akong choice kundi sumunod kila mama at papa.

Makapagcomputer na nga lang...

Binuksan ko ang desktop sa sala at nagopen ng browser. Nagbukas ako ng page ng youtube.

Hmm ... ano ba magandang patugtugin... soundtrip na lang para chill.

Hmm ...

Feel ko magRnB...

Teka nga ... Neyo ... Mad.

Bagay sa mood ko ngayon.

Tumugtog ang kanta ni Neyo at nagbukas ulit ako ng isa pang tab.

Ano naman ang hahanapin ko ngayon?

Hmm ... ah alam ko na! magttrip ako...

Naghanap ako ng chatsite. May nakita akong chatsite at mukhang may nagaaway.

__________________________

ThugBoy: Wag na wag ka papakita sakin Biboy, uupakan kita mokong!

Biboy: Puro ka dada ThugBoy! Bakla ka kasi! Kikiss na lang kita para Masaya

ThugBoy: Ulol! Baka ikaw ang bakla!

Biboy: Pre, di ko kasalanan ako gusto ng syota mo!

__________________________

Wow ang lupet! Ang lupet ng kapal ng mukha nitong Biboy na 'to!

Tumunog ang gate at pumasok ang isang pulang Hilux sa loob ng garahe. Dumating na sila papa galing sa party nila Tito Ambet. Naririnig ko na ang boses ni mama.

"Hay nakakapagod ang byahe!" sabi ni mama.

Humalik ako sa pisngi ni mama sabay sabi "ma, kamusta si Via? May pasalubong ka ba sakin? Nagugutom na ako eh."

"Nak, pahingi nga ng juice at ipagsalin mo na din si papa mo. Maya-maya andito na yun." Pagod na pagod na sabi ni Aling Lydia.

"Sabrina, pakitulungan mo nga ako dito sa mga pinadala ni tito Ambet mo." Sabi ni Mang Mario.

"Opo pa. Wait lang, kukuha ko lang kayo ni mama ng juice."

"Naku Sabrina, hinahanap ka ni Via sakin. Bakit did daw kita sinama. Eh ang sabi ko ikaw ang may ayaw kasi nahihiya ka sa mga ganung madaming tao." Sabi ni Aling Lydia

"Eh ma, ano naman gagawin ko dun. Atsaka ang layo kaya duon." Sabi ko habang pinapatay ko ang computer.

Pumasok si Mang Mario ng bahay bitbit ang mga Tupperware na puro pagkain.

"Ay pa, sorry. Akin na yang mga dala mo." Sabi ko.

Habang nasa kusina naririnig ko ang mga magulang ko na naguusap.

"Alam mo Mario, habang tumatagal lalong nagiging gwapo si Edmund noh? Di ko nga nakilala kasi ang laki na ng pinagbago niya. Pwede siya magartista!" sabi ni Aling Lydia

"Eh, kanino pa ba magmamana yun kundi sa tatay niya. Pati yata pagiging babaero mamanahin niya." At ubod ng lakas ng tawa ni papa.

Nacurious ako ... ano na nga kaya itsura ni kuya Edmund ngayon. Huling nakita ko sila Via at Edmund eh nung grade 2 pa kami.

Kaklase ko si Via bago sila lumipat ng North Lake Town. Grade 2 kami habang grade 5 naman si kuya Edmund. Lagi kaming naglalaro ni Via at inaasar naman kami ni kuya Edmund.

Tabaching-ching ang tukso sakin ni kuya Edmund. Habang panget naman kay Via. Napangiti ako ng maalala ko nung minsan na umulan ng malakas at naligo kaming tatlo sa ulan. Tinukso naming si kuya Edmund na palaka.

Ang tagal na din talaga. 8 years.

Hindi na ako ang dating tabaching-ching. Kakasali sa mga activities at sports nabawasan ako ng timbang. Pero sa itsura ganun pa din. Sana naging kasing ganda ako ni mama at ni tita Agnes. Masaklap pa eh dahil sa kakabasa at kakacomputer kailangan ko na magsuot ng salamin. Mukha tuloy akong matanda.

Oh well, you can't have them all.

Makatulog na nga at maaga daw kami pupunta sa bago naming bahay. Tutulong pa ako magbuhat ng mga gamit sa moving truck. Although nadala na ang mga mabibigat na gamit sa North Lake, marami pa ding naiwan.

Nakasimangot akong bumalik sa kwarto ko ng maalala ko nanaman na iiwanan ko na ang tropa ko. Buti na lang bakasyon na. kung sakaling may pasok pa baka nagiyakan pa kami nila Jellie. Napakaiyakin pa naman nung babaeng yun.

Wicked GamesHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora