chapter 61: No, he's not....

Comenzar desde el principio
                                    

“Andito naman ako ha?” – narinig kong boses, patingin ko.

O________O

“Anong ginagawa mo dyan?! Bakit ka nandito?”

Nakita ko siyang nakaupo sa may chair malapit sa kama ko, ginagamit ko lang yun pag nagaaral ako.

“Masama ba?” – Iniel

“Magagalit si Mama! Bakit ka pumasok dito?” – me

Napaupo na ko sa kama nun, grabe! Kaya pala biglang nawala ang kausap ko sa cellphone kasi nasa harap ko na siya. At siya pala ang nagbukas ng pinto >.<

“Siya nga nagpapasok sakin dito eh. Bakit naman andyan ka lang sa kama mo? Imbes na puntahan mo ko sa bahay namin para makita bago ang alis ko, andyan ka. nakahilata” – Iniel

“Ganun talaga. Buksan mo nga yung ilaw” – me

“Wag na, kita naman kita” – Iniel

Sus. Natatamad lang yan tumayo----

“O-Oops Iniel, wag kang lumapit! Dyan ka lang” – me

Lumalapit kasi siya sakin eh.

“Ano naman? Patulog lang ako.” – Iniel

Lumapit siya sa kama ko, tapos nahiga at pumikit. Sus! Matutulog lang pala, dumayo pa sa bahay namin >.<

“Ui. Teka Iniel, sa inyo ka na matulog. 11 o’clock na. buti at pinagbuksan ka pa nina Mama”

“May tiwala naman sila sakin” – Iniel

Psh >.<

“Bahala ka nga” – me

Nakaupo lang ako sa dulo ng kama ko, si Iniel naman, nakatalikod sakin pero alam kong patulog na talaga. Ni hindi man lang ako kinuwentuhan. Amp.

Maya maya, nakatulog na rin ako.

Zzzzzzzzzzzzzz.

“Sofia..”

Aga aga, boses niya naririnig ko… sana palaging ganito.

“Sofia, gumising ka na. ngayon na alis ko, hatid mo ko”

Pero, bakit…? Teka.

Addicted to LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora