Sa pagtakipsilim,
Naroon ako sa dalampasigan
Nag-iisip, nakatulala, tahimik
Na tila may rebolusyon sa puso't isipan.
Tumahimik ang kapaligiran,
Walang kibo ang daigdig,
Binalot ng dilim ang buong kalawakan,
At naalala kita, naalalakita.
Naalala ko 'yung ngiti mo,
'yung titig mo,
'yung tawa mo.
Naalala ko kung paano mo sabihin na mahal mo ako,
Na miss mo na ako
At 'yung paghawak mo sa kamay ko,
Na hanggang ngayon ay alaala na lamang sa buhay ko.
Akala ko tayo hanggang huli,
Akala ko hindi mo ako iiwan sa bawat sandali,
Akala ko lang pala 'yun,
Iiwan mo rin pala ako.
Hindi ko alam kung bakit,
Kung bakit mo ako iniwan.
Hindi ko alam kung bakit,
Kung bakit mo ako sinaktan.
"break na tayo",
'yan ang sinabi mo na nakapagpahina sa akin ng husto,
Ng dahil sa tatlong salitang iyan,
Gumuho ang aking mundo,
Ng dahil sa tatlong salitang iyan,
Nawalan ng saysay ang buhay ko,
Ng dahil sa tatlong salitang iyan,
Nawasak ang puso ko.
Naalala ko kung paano ako umiyak ng patago,
Umiyak ng patago para hindi makita ng ibang tao.
Naalala ko kung paano ko punasan 'yung mga luha ko,
Punasan ang mga luhang tila ulan na ayaw huminto sa pagtulo.
Naalala ko kung paano ko pigilan,
Pigilan ang mga nagbabadyang luha na tila bagyo na gusto ng bumuhos.
Isang taon, anim na buwan at isang araw,
Mula noong iniwan mo ako.
Nakalimutan ko na 'yung sakit,
'yung sakit na dulot ng pag-iwan mo sa akin.
Tulad mo,
Masaya na rin ako.
Masaya na kahit wala ka na dito.
Tulad mo,
Masaya na rin ako,
Masaya na kahit kaibigan lang ang kasama ko.
Tulad mo,
Masaya na rin ako,
Masaya na tapos na ang pag-ibig ko sa'yo.
Kaya ngayon,
Magpapasalamat ako sa'yo.
Salamat kasi kung hindi dahil sa'yo,
Hindi ko mararanasan lahat ng ito.
Salamat kasi kung hindi dahil sa'yo,
Hindi ko mararamdaman kung paano masaktan ng ganito.
At salamat kasi kung hindi dahil sa'yo,
Hindi ako matututo.
Tulad ng takipsilim,
Ang mga alaalang ito'y
Lilipas din.
