RomCom Short Story Contest Entry #1:
TITLE:MY GIRL (one shot)
AN:Missmix16
Joseph's pov.
Badtrip! Daming projects, daming report! hassle. Wala na bang katapusan to? Teka, akinse palang pala ngayon. Hahaha. Pero badtrip parin. Kainis naman kase. Ang hirap mag-aral. Mabuti pang mag dota. Napapakamot ako sa ulo. At isa lang ang masasabi ko. Badtrip talaga. Tapos eto pa. Pahirapan pang sumakay ng jeep. peste!
"Witweew!"
Mabilis akong nakapara nang jeep.Mukhang sinuswerte din. Naupo na ko sa likod ni manong driver. Trip ko lang bat ba?
"Oh, Pasok na. Maluwag pa! Oh ikaw miss! sakay na!"
Lumingon nalang ako sa harapan. Nag muni-muni. Bakit kaya wala parin akong gf? Gwapo naman ako, mabait at gwapo ulet. Tsk. Nasan na kaya yung destiny ko? Yuck! Destiny? pff. Wala namang forever eh.
"Kuya, kuya, paabot po. bayad."
Napatulala nalang ako nang biglang may sumigit sa harapan kong anghel. Oo!Anghel sa lupa. Napakaganda nya. Mula sa hugis puso nyang mukha, makinis, bilugang mata, matangos na ilong at mamula mulang labi. Grabe! Nalaglag na yata yung puso ko!
"A-ah kuya, bayad po paabot."
NOW PLAYING: FOREVERMORE
CHORUS:
YOU WERE JUST A DREAM THAT I ONCE NEW NEVER THOUGHT I WILL BE RIGHT FOR YOU I JUST CANT COMPARE YOU IN EVERYTHING IN THIS WORLD YOUR ALL I NEED TO BE HERE IN FOREVERMORE.
Sakto yung back ground music dito sa jeep. Bro! Sya na kaya ang forever ko? Woah!
"A-ah. s-sige m-miss."
Badtrip naman oh! Kakahiya.
Matapos kong abutin yung bayad nya. Syempre nagkadikit yung kamay namen. Spark nanaman bro! Woah! Naniniwala na talaga ko sa forever.
Pagkatapos kong maabot yung kamay nya este yung bayad pala. Tinitigan ko nalang si miss beautiful buong byahe. Hehe. ang ganda talaga! kaso nakakahiya. Natotorpe ako! gusto ko sanang kunin number kaso talagang woah! Nakakatorpe!
10 times! 10 times ko lang naman nahawakan yung kamay nya! At eto ang malupet! Nginitian nya ko kaya nahulog na talaga nang husto yung puso ko. Namumula pa nga sya eh ang kaso, natotorpe parin ako.
Maya-maya hindi sya mapakali sa kakalinga sa gilid nya. Galaw nang galaw na parang may hinahanap. Bilang gwapo ko at mabait, Umasog ako nang kaunti para bigyan sya nang space pero dumikit lang sya saken ulit. Kunot yung noo nya kaya di ako nakatiis at kinausap ko na sya. Hinga muna nang malalim at.
"A-ah m-miss. Okey ka lang? Anong hinahanap mo?"
"Okey lang. Para po! Bayad ."
Ngumiti sya ng matamis at matuling bumaba sa jeep.
Napayuko nalang ako! Badtrip! Tanga mo joseph! Ang pogi mong torpe! Bakit mo pinakawalan ang poreber mo? Wala kang kwen, meron! Dali dali kong pinulot ang I.D sa lapag. Nahulog nya! Men! Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang sa mundo. Matulin ko tong pinulot at Binasa.
Stephanie Y. Park. school *tooot* address *toot* etc. etc.
Ayan yung nakalagay sa I.D. At ang ganda nya! Grabe! Foreigner pa yata. Bagay talaga kame! I love you! i love you! i love you!
"Para!"
Tsk. Epal naman yung bumaba. Nakitang nag momoment ako dito eh. Teka, malapit na pala yung samen.
Asan na ba yung wallet ko. Kailangang makauwi na ko. Isesearch ko sya sa fb.
YOU ARE READING
Write A Shot: Rom-Com
HumorRomance and humor, combined together will make you feel happy in love. Read our entries for TheOfficialWU's September Contest; Rom-Com Short Story Contest hosted by Admin RuputhChepel
