*
Tuwing hapon lagi kaming naglalaro ng football sa field para manalo sa papalapit na tournament namin dito sa school, kalaban namin yung kabilang block. Exam namin eh, kaya kailangan magsanay. Tsaka hawak namin yung grades ng buong ka-block namin sa P.E. kaya kami yung malalagot pag natalo kami.
Nagpapasahan lang kami ni Marcus ng bola ng soccer, tropa ko at kasama rin siya sa team namin. Bago, tuwing may dadaan sa tabi ng field sisipain ko ng malakas yung bola para mapunta dun sa tao. Trip lang namin. Nakakatuwa kasi, minsan iilag sila, minsan naman kukunin sabay iaabot sa amin yung bola.
Pero ang malas talaga, kase nakatama ako kanina. Babae. Headshot siya, pero 'di ko na nalapitan eh. Dinala agad sa clinic. Di ko nakuha yung pangalan, kaya naisip kong mag-post sa The Confessions. Confession yun ng kung anu-ano tungkol sa University namin.
Sorry sa natamaan ko kanina ng bola sa ulo sa soccer field. Just a bad pass. ^^v
-soccerguy (BS Accountancy)
Yun lang yung pinost ko. Sakto, admin ako nun kaya pwedeng-pwede i-post agad.
Natawa ako sa mga comments. Sabi nakita daw nila yun. Kung anu-ano, pero may isang comment na nagpakilabot sakin eh.
Jane Baltazar
P*AKYU TEN TIMES! IKAW YUNG NAKATAMA SAKIN KANINA SA FIELD! DI MANLANG MARUNONG MAG-SORRY!
Mga 15 minutes ago pa yung comment niya, at naka-100 plus likes na agad.
Ugh. Nakokonsensya ako, di ko naman sinasadya eh.
Okay fine, sinadya ko, pero di ko naman alam na tatama yung bola sa babae. Kung mabilis lang siguro yung flexes niya at nakaiwas agad siya. Lel jk. Oo na, kasalanan ko talaga.
Kaya pinuntahan ko yung profile niya, infairness ang ganda. BS Architechture pala siya. Ah! Siya yung representative ng batch nila, siya si Ms. Archi 2013. Patay, pano na mukha neto? May black eye kaya?
In-add ko, bago ilang minuto lang in-accept din niya. Sakto, may green na bilog sa tabi ng pangalan niya, for short online siya, kaya chinat ko.
Jake: Hi :)
Jane: Who are you? Taray naman nento.
Jake: I'm Jake.
Jane: Ano ako bulag? Malamang kita ko pangalan mo. I mean, who are you? I don't talk to strangers. I'm not a stranger, baka nga patayin mo pa ko pag nalaman mo kung sino ako. Gusto kong sabihin.
Jake: We're studying on the same University. Siguro naman okay na yun para 'di na ako maging stranger sa 'yo right?
Jane: K. Fine. What do you want anyway?
Jake: Uhh. Gusto ko lang mag-sorry.
Jane: Huh? Sorry for what?
Jake: Sasabihin ko ba? Fine fine. Be a gentleman, Jake. Ako kasi yung nakatama ng bola sa 'yo kanina sa soccer field. Okay, expect her big nosy words.
Jane: WHAT?! SINASABI KO NA NGA BA EH! TRAGIS KA! MAMATAY KA NA! DAHIL SAYO MAY BUKOL AKO SA NOO!
Jane Baltazar went offline.
Shetnamalupet. Scotchtape.
Kinabukasan, nagmasid talaga ako sa paligid ko. Natakot ako baka mamaya biglang may ninjang sumulpot at ambushin ako. Ma-dead on the spot pa 'ko.
Mukha talaga akong tanga dito, pasulyap-sulyap kung saan-saan.
Sa kabutihang palad, nakapasok naman ako ng first two subjects ko ng maayos.
Lunch time, nagpunta kami ng mga tropa ko sa Mcdo.
Pasubo na ako ng burger ng biglang may mahagip ang mga mata ko. Babae, maganda, masama ang tingin sa akin at may band-aid sa noo.
Ibinaba ko ang burger ko at kumaway sa kanya sabay ngiti na parang tupa. Di parin nagbabago ang tingin niya, bigla siyang tumayo at lumapit sa lamesa namin. Papalapit na siya ng papalapit hanggang sa 'di ko namalayang lumanding na ang kamao niya sa mukha ko.
Nagulantang ang lahat, pati mga ka-tropa ko, natatawa-tawa lang sakin si Marcus. Na-kwento ko na sa kanya 'to eh.
Masakit yung sapak sakin. Feeling ko magkakaroon din ako ng black-eye. "Ayan! Kwits na tayo. Wag ka nang papakita sa 'kin." Sinabi niya, tumalikod na siya at bumalik sa lamesa niya kasama ang mga chix niyang tropa.
"Langya, laftrip pre. Masarap ba sapak sayo ni Jane?" Hinimas himas ko yung bandang nasuntok sa akin at tinignan ng masama si Marcus.
Tatlong linggo.
Tatlong linggo kaming hindi nagkita. Mabuti naman, iniiwasan ko talagang makasalamuha yung tigre na yun. Buti nalang at matagal nang nawala yung black eye na iniwan niya sakin, mga tatlong araw lang naman nag-tagal.
Pero ang nakapagtataka e, 'di siya mawala sa isip ko.
Bakit kaya?
To be continued...
