"Gabriel may mga bagay ka pang hindi nalalaman, wag kang makikialam!" Sigaw ni Azrael kayat muli kaming napahakbang papalayo sa kanila.

"Oo nga naman Gabriel, teka pinoprotektahan mo si Jamilla kung ganun naalala mo na siya? Naalala mo na ang nakaraan mo? Congrats!" Sarcastic na saad ni Tanya kayat nagtaka ako.

Biglang sumulyap sa akin si Gabriel kayat saglit na nagtama ang tingin namin. Ang mga mata niya...Hindi ko maipagkakailang napakapamilyar nito.

"No offense but she's not worth it! Di naman naging kayo diba? And besides mahal niya yung ugok na si Clifford!"

Napapikit na lamang ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ko. May gusto akong alalahanin ngunit para bang napakadilim ng memorya ko.

Bigla akong nakaramdam ng matinding init. Nakakapaso. Para bang may apoy sa gitna namin ni Gabriel kayat agad akong napahakbang papalayo sa kanya. Ambilis ng mga pangyayari. Nagulat na lamang ako nang makita ko si Gabriel, malayo siya sa akin at may nakapalibot sa kanyang napakaraming apoy.

"Gabrieeel!" Sigaw lamang ako ng sigaw habang humahagulgol. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya ngunit napagtanto kong maging ang kinatatayuan ko ay napapalibutan din ng apoy.

Bigla kong narinig ang pagri-ring ng telepono kayat bahagya akong napayuko dahil mistulang dito nanggagaling ang tunog.. Nagulat ako nang makita ang telepono sa paanan ko.

"Jamilla mas magiging madali ang lahat kung sasagutin mo ang telepono" Wika ni Azrael na kasama si Tanya ay nakatayo lang sa hindi kalayuan sa akin.

- - - - - - -- - -

Wesley's POV

Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa balikat ko kayat unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ewan ko ba pero andami kong naririnig na boses sa utak ko. Para bang andaming nakapalibot na tao sa akin.

"Wesley bumangon ka! Kailangan tayo ni Jamilla!" Nagulat ako nang makita ko si Drew na iika-ikang tumayo mula sa kama. Punyeta bakit siya nasa kama samantalang ako nandito sa sahig?!

Bahagya kong kinusot ang mga mata ko. Napakalabo ni Drew sa paningin ko.

"Wesley bilis!" Muling siga ni Drew kayat kahit mahirap ay pinilit ko nalang ang sarili kong bumangon. Nakakatakot si Drew paggalit, parang dragong bubuga ng apoy. Speaking of apoy, punyata ang hapdi ng dibdib ko. Para bang sinilaban. Punyetaaaaa.

"Maghiwa-hiwalay tayo, hanapin mo si Jamilla samantalang ako gigisingin ko sa taas sina Mikee at Cliff" Suhestyon ko ngunit tiningnan lang ako ni Drew at nakita ko ang labis na lungkot sa mukha niya.

"W-wes... Wala na sila" Pakiramdam koy biglang nanuyo ang lalamunan ako at bigla akong binalot ng matinding kaba nang marinig ko yun. Hindi...Hindi maari..

"Sylvester walang biruan" Unti-unti nang namuo ang luha sa mga mata ko.

"Oo walang biruan. Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat ang importante mahanap natin si Jamilla bago pa mahuli ang lahat!" Aligagang sigaw niya at agad na tumakbo papalabas ng kwarto kayat iika-ika nalang rin akong sumunod sa kanya.

Unti-unting nagiging malabo si Drew sa paningin ko. Siguro mawawalan na yata ako ng malay. Pinipilit ko ang sarili kong tumakbo ngunit ang sakit talaga ng paa ko.

Napatingin ako sa nadaanan naming bintana, napakadilim parin.

"Drew sandali!" Sigaw ko kay Drew at nakita kong tumigil siya sa pagtakbo upang hintayin ako.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon