3. Dakilang Ampon

363 11 0
                                    

Una pa lang ay alanganin pang humingi ng request si Harmony sa kay Frauline subalit dahil atat-na-atat na itong umuwi sa bahay ay hindi na nito napigilan ang sarili na kausapin ang dalaga tungkol dito.  "Frauline?" Tawag ni Harmony sa kanyang  officemate. Magkatabi lang kasi ang cubicle table nila Frauline at Harmony, kaya nakaupo ang matabang dalaga sa swivel chair nito.

"Oh bakit?" Tugon ng dalaga habang abala ito sa kaka-arrange ng mga project lay-outs na ipinapagawa ng kanyang Boss George.

"Pwedeng..." Malanya at nagdadalawang-isip na pagkasabi ni Harmony.

"Alam ko na ang style mo. Ako na naman ang gagawa ng reports mo?" Panghuhula ni Frauline. Hindi nakapagsalita si Harmony at basta na lamang itong tumango. "Hay naku pambihira naman oh! Harmony alam mo naman..."

"Hep... hep... hep... Ipapalakas kita kay Boss George for promotion, sige na?"

Tinanggihan ni Frauline ang alok dahil alam niyang hindi pabor sa favoritism ang kanilan Boss George. Nagbingi-bingihan siya sa kanyang officemate.

"Ah eh... ako ang gagawa ng report ni ma'am Galliote this weekend."

"Natapos ko na!" Madaliang sagot ni Frauline.

"Oh siya! Susuhulan kita ng 200 pesos? Deal or no deal?" Alok ng matabang dalaga.

"300 pesos! Deal ako!" Ang kondisyon ni Frauline.

"Oh sige na nga! Deal! Bwesit!" Ang pagalit na reklamo ni Harmony sa kanyang officemate. Kinuha nito ang 300 pesos sa kanyang wallet at ibinigay sa palad ni Frauline. Nanghihinayang ang dalaga dahil nakaltasan na naman ang sahid niya.

"Saan ka kasi pupunta? Mag aalas otso pa lang oh!"

"Its out of your business! Pakialamera!"

"May date ka na naman?"

"Oo! And this time, si boy na mismo ang nagyaya." Nagmadaling tumayo si Harmony sa kanyang inuupuang swivel chair inayos ang kanyang table para makapag-out na sa office.

Napatawa si Frauline sa matabang officemate niyang si Harmony dahil hindi ito ang unang beses na nakikipagdate ang dalagang mataba, sa mga lalaking nakikilala niya sa mga dating sites. "Goodluck girl! Sana mahanap mo na ang destiny mo ngayong gabi na 'to!" Alam din ni Frauline na mahigit ika-isang daang beses nang nabibigo sa pag-ibig si Harmony kaya napangisi na lamang ito.

"Makikita mo, ikakasal ako sa susunod na taon at ikaw, mananatiling loser, utusan sa bullshit na kompanyang ito!" Ang marahas na sumpa ni Harmony sa kanyang officemate. Sila na lang kasi ang naiwan sa office at ang dalawang company guard na nagpapatrolya sa kanilang unit.

"Sana ay magdilang anghel ka!" Ganti ni Frauline.

"Tse!" Nagwalk-out ang matabang dalaga sa office at iniwang mag-isa si Frauline sa lugar na iyon. Pursigido ang dalaga na matapos ang trabaho niya ngayon para hindi naman siya mapagalitan ng kanyang boss na si George.

Pasado alas otso y media na sa kanyang relo nang nagdisesyon si Frauline na itigil ang ipinapagawa ni Harmony dahil nakaramdam na siya ng gutom. Gagamitin niyang pambayad sa oorderin niyang pagkain sa Jollibee ang suhol na ibinigay ni Harmony sa kanya. Sa pagsakay niya sa elevator, muli niyang nasilayan ang napabayaan niyang sarili. May salamin kasi ang buong kuwadrado ng elevator kaya hindi niya maiwasan ang matingnan ang sarili. Isang jolly spaghetti, isang chickey joy at isang rice ang napili niyang order sa Jollibee. Ito na lang ang nagpapasaya sa kay Frauline matapos ang isang araw na puno ng stress. Napapagod na siya sa kanyang buhay pero kailangan niyang lumaban para makatulong sa kanyang Yaya Delphie.

Nang namatay ang mga magulang ni Frauline sa plane crash, walang close relatives ang gustong magkupkop sa kanya bilang foster parents dahil ang mga magulang ni Frauline noon ay mapintas at hindi mabait makitungo sa mga kamag-anak. Walang kapatid ang kanyang mommy at daddy kaya wala din itong mga tiyuhin o tiyahin na magkukupkop sa kanya kaya ang Yaya Delphie niya na lang ang nagtayo na bagong magulang ni Frauline.

Matapos kumain ni Frauline sa Jollibee, nagmadali itong magcommute sa jeep at nakahabol naman s'ya sa last trip ng LRT. Mabuti na lang at hindi na siksikan sa tren dahil pasado alas nuebe na nang gabi at hindi na rush hour sa kamaynilaan. Mula Gil Puyat station, bumaba s'ya sa Quirino at nakauwi na sa bahay.

"Magandang gabi po nay!" Agad na nagmano si Frauline sa kanyang Yaya Delphie nang nakarating na ito sa kanyang tinutuluyang bahay.

"Oh, kaawaan ka ng diyos anak! Ginabi ka na naman."

"Kaya nga eh! Busy lang talaga sa office nay." Katwiran ni Frauline.

"Busy sa office? O sinadya mong magpagabi?" Ang pilosopong sawsaw ni Lenna. Si Lenna ang dalagang anak ni Yaya Delphie na ka-edad ni Frauline. Magkalayo ang loob ng dalawang dalaga sa isat-isa sapagkat noong marangya pa ang buhay ni Frauline, parati niyang kinukutya at inaalipusta si Lenna. "Nay! Mauna na ho ako." Ang pamamaalam ni Lenna sa kanyang ina na si Delphie.

"Akala ko magsisick leave ka anak?"

"Kailangan nay eh for promotion." Katwiran ni Lenna sa kanyang ina sabay titig sa kay Frauline. "At ayaw kong maging parasite sa bahay na 'to! Baka kasi masabihan na naman ako ng iba diyan." Ang paririnig niya sa kay Frauline. Nagtatrabaho bilang call center agent si Lenna at pang night shift ang kanyang pasok kaya ito ang routine niya. Tulog sa umaga, papasok naman sa trabaho paggabi.

"Sige Lenna anak mag-ingat ka!"

"Nay, sa'n na si Denden?" Ang tanong ni Frauline.

"Ayon sa kwarto, nagrereview. May exam daw bukas eh! Sige puntahan mo du'n."

"Oho!" Pinuntahan ni Frauline ang bunsong anak ng kanyang Yaya Delphie sa kwarto nito para supresahin ng kanyang pasalubong na jollibee spagetti at yum burger. "Den?" Bati ng dalaga sa kay Denden.

Nagulat ang binata sa biglaang pagpasok ni Frauline sa kanyang kwarto. "Ate? Wow! Akin ba 'to?" Ang pananabik ni Denden nang nakita niya ang bitbit na pasalubong ng kanyang ate Frauline. Si Denden ay isang masinop na scholar ng mataas na pamantasan ng UP Manila sa korsong accountancy. Mas nagkakasundo sina Frauline at Denden kumpara sa kay Lenna na napaka-bugnuting babae. Si Denden ang tanging inaasahan ni Yaya Delphie para mapaangat ang buhay ng kanilang pamilya. Pagnakatrabaho na si Denden sa isang malaking financial company, plano ni Yaya Delphie na patigilin ang asawa niyang magtrabaho sa Saudi bilang construction worker. Si Mang Jessie na dating driver nila Frauline na asawa ni Yaya Delphie kasi ang nagpasya na ampunin na lang nila si Frauline dahil wala na siyang matutuluyang tahanan.

Nang namatay ang mga magulang ni Frauline sa plane crash, lumubog sa utang ang kanilang kompanya pati ang mga insurances niya ay na-freeze ng bangko kaya ito na siya ngayon... walang kapera-pera, nakikituloy sa tahanan ng dati niyang  mga taga-pagsilbi at nagtatrabaho sa isang kompanya na hindi naman siya binibigyan ng benefits. Sa gitna ng mga unos na ikinahaharap ni Frauline, nagpapasalamat naman siya sa diyos dahil ito ang naging daan para maimulat niya ang sarili na magbago.

Magbago? Bakit? Ano ba siya noon?

Malalaman ninyo iyan sa susunod na kabanata...

Rio de JaneiroDove le storie prendono vita. Scoprilo ora