PROLOGUE

384 0 0
                                    


Ilang saglit na lang at matatapos na ang Filipino subject namin. After class pupuntahan namin ni Rhea ang brother niya sa may football field dahil may ibibigay daw siya. First time kong mami-meet ang kanyang kuya, medyo curious ako kasi sa ilang buwan na naming magkakilala ni minsan ay hinde ko pa nakikita ang kanyang kapatid o naiikuwento niya man lang. Maya maya pa ay nagpaalam ns ang teacher namin kaya agad agad na rin akong nag-ayos ng aking mga gamit.

"Mina, lika na, punta na tayo sa field." Si Rhea.

"Sige, saglit lang." Napahinto ako sandali sa aking ginagawa at tumingin ako sa kanya. "Alam mo bes, hindi talaga ako makapaniwala na may kapatid ka talaga, nagulat talags ako ng sabihin mong i-me-meet mo yung kuya mo."

"Akala ko talaga bes nabanggit ko na sa iyo before, anyway, mamaya makikilala mo rin siya. And be prepared, one of your dreams will come true later."

Dugtong ni Rhea kasabay ang pagkindat. " ha? One of my dreams? Talaga lang bes ha? Mga trip mo bes eh no."

Nagmamadali na rin akong tumayo para lumabas na nang classroom, medyo hinde rin ako mapakali dahil sa sinabi nya, medyo naeexcite ako. Hawak ang aking kanang kamay, hila hila ako ni Rhea habang papalabas kami ng classroom. Halos patakbo naming tinahak ang corridor pababa sa hagdanan patungo sa football field. Medyo matao sa football field, may mga estyudante na nakatambay , mga grupo na nakaupo sa field na tila ba nagde-date or nagpi-picnic, may iba naman na nagprapratice sa cheerleading nila. At yung iba naman ay nagpapractice ng football. Pansamantala kaming huminto ni Rhea malapit sa grandstand pa ay nakita na ni Rhea ang hinahanap nya at sinenyasahan ako at tinuro kung saan ang kanyang kapatid

"Saan ang kuya mo? Sino doon?"

"Hay naku bes, isuot mo yung salamin mo muna, ayun oh, naka stripe na t-shirt na blue , tas may cap na brown. Yung kumakaway"

Sinunod ko si Rhea at sinuot ko ang aking salamin. Nakita ko yung lalakeng kumakaway na sinasabi niya, yung kuya niya. Habang papalapit kami unti-unting naaaninagan ko ang itsura nh kanyang kuya. Nabigla ako nung makilala ko ang mukha nito. Napa OMG ako sa nakita ko. Si Louis ang kuaya niya. Isa sa mga sikat na estudyante sa aming department, ang aking crush. nabigla ako dahil sa nadiskubre kong iyon, nilingon ko si Rhea at tiningnan na para bang nagtatanong kung totoo ba na si Louis ang kuya niya. Nginitian lang ako ni Rhea na tila ba humihingi ng paumanhin sa hinde niya pagkakasabi agad. biglang nagflashback sa akin ang mga eksena na kung saan ikinukiwento ko kay Rhea ang mga encounter ko kay Louis pati ang mga fantasies ko sa kanya, dahil doon nakaramdam ako ng hiya at nararamdaman kong namumula an ang aking mukha. Siniko ako ni Rhea na senyales na magpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa kanyang kuya. Sa muli kong paghakbang napansin ko na may kasama si Louis. tinitigan kong maigi kung sino yung lalake sa kanan niya. Napanganga ako sa labis kong pagkabigla. Si Xander. Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan at para bang lahat na ng dugo ay umakyat sa aking ulo. Para akong robot kung maglakad dahil sa pagkabigla ko, ramdam ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib, idinaan ko nalang sa ngiti kahit pilit para hinde nila mahalata ang nararamdaman kong kaba. Napansin ko na tila sumesenyas si Louis at may sinisigaw na "yung bola". Kahit na takang taka ay pinilit ko pa ring ngumiti, lumingon akong nakangiti para tingnan ang aking likuran na tinuturo ni Louis. isang malutong na tunog ang narinig ko at ako'y biglang napaupo sa field. Tinamaan ng bola ng football ang mukha ko, ramdam kong may tumutulong likido mula sa ilong ko, pinunasan ko ito - dugo. rinig ko ang boses ni Rhea na tinatawag ang aking pangalan. ramdam ko na may kamay na humahawak sa braso ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Tiningnan ko kung sino ang umalalay sa akin, ngunit hinde ko na maaninagan ang kanyang mukha, madilim na ang paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now