Imbisibol Part 43

Magsimula sa umpisa
                                    

"The last time na naka usap ko ng seryoso si Rycen ay noong kaarawan niya at niyakap pa nya ako dahil sa sobrang tuwa. Pag kalipas ng ilang araw ay balik nanaman sya sa pag lalaro ng volleyball at nawala nanaman ako sa kanyang paningin. Sana ay araw araw nalang niyang birthday para araw araw niya akong niyayakap."

"Loko, saan ka naman kukuha ng budget para sa araw araw na party nya? Tigilan mo nga ako Jopet. Ituloy mo nalang iyang singing career mo at mag tayo ng samahan para sa mga taong imbisibol."

"Hay hindi ko na alam gagawin ko. Habang tumatagal ay palala ng palala itong nararamdaman ko. Hanggang tingin nalang talaga ako sa kanya." bulong ko sa aking sarili habang naka higa sa kama at naka titig sa kisame. "Huwag kana mag emote dyan Jopet. Ayusin mo na itong gamit mo at bibili pa tayo ng pag kain pambaon." hirit naman ni Gabby.

"Wala akong ganang lumakad sa mall. Ikaw nalang mag isa ang bumili." ang tugon ko sabay suklob ng kumot sa mukha.

"Bakit ako lang mag isa? Ang akala ko ba ay gusto mong mag luto ng inihaw na pusit? Sumama kana para mabili mo ang lahat ng gusto mo." pamimilit ni Gab.

"Wala talaga akong gana. Saka isa pa ay tinatamad ako." pag tanggi ko naman.

Habang nasa ganoon pag uusap kami ay bumukas naman ang pinto ng aming silid at doon ay narinig ko ang boses ni Rycen. "Hanep, galing ni Taguro! Bang!! O akala ko ba ay bibili tayo ng pag kain sa mall? Bakit hindi pa kayo naka gayak?" ang tanong nito dahilan para mag bago ang mood ko.

Agad ako bumalikwas sa pag kakahiga at mabilis na tumayo. "Oo nga! Ewan ko ba naman dyan kay Gabby. Kanina pa nga ako nag aaya e. Tayo na Gabby ang bagal mo naman!" pag yaya ko habang naka ngising aso.

Napakamot nalang ito ng ulo at napailing. "Malala ka nga Jopet. Biglang sigla mo ah." hirit nito habang tumatayo.

Edi ayun nga ang set up, agad kaming nag punta sa mall at sa department store upang bumili ng mga gagamitin sa outing bukas. Ang usapan kasi ay contribution nalang sa pag kain kaya't marami rami rin ang aming binili. Masayang masaya ako lalo kasabay kong lumalakad si Rycen, paminsan minsan ay inaakbayan pa ako nito o kaya ay hinahawakan sa kamay. Siguro sa kanya ay bale wala lang ito pero para sa akin naman ay heaven na ang katumbas.

"Nga pala Jopet, tumawag yung morning show sa local station. Bukas raw ay nandoon din sila sa resort kung saan tayo mag a-outing. Pinapatanong kung maaari kang mag guest bukas. Ang topic kasi nila ay tungkol sa mga "power students" o yung mga nakilala sa buong campus dahil sa pinag samang talino at talento. Huwag kang mag alala dahil kaibigan naman ni papa ang host ng programang iyon kaya't magiging maayos ang lahat." wika ni Gabby habang kumakain kami.

"Ayos lang naman sa akin, basta ba kasama kayong dalawa eh." tugon ko.

"Oo naman. Ako ang tatayong body guard mo bro." naka ngiting wika naman ni Rycen habang patuloy sa pag subo ng pag kain.

"Wow salamat tol. Pero mas mukha akong body guard kaysa sayo." biro ko naman dahil para mag tawanan ang mga ito.

Kinabukasan, alas 3 palang ng madaling araw ay tumulak na kami sa resort sakay ng dalawang coaster. Tatlong oras ang biyahe patungo dito at kukuha pa kami ng cottage pag dating doon kaya't maaga pa lang ay tumulak na kami. Excited ang lahat habang naka upo sa loob ng sasakyan.

Samantalang ako naman ay hinahanap si Rycen sa paligid. Ewan nag woworry kasi ako na baka naiwan ito dahil para siyang mantika kung matulog. "Mahihilo ka lang kahahanap dyan kay Rycen, hindi mo talaga siya makikita dahil nasa kabilang coaster sya kasama ng mga kateam nya." ang wika ni Gabby sabay pihit sa aking ulo paharap sa bintana. Wala naman akong nagawa kundi ang lumingon nalang sa mga tanawin sa labas hanggang sa muli akong dalawin ng antok at makatulog sa aking upuan.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon