Tandaan mo ang panahon na inibig kita
Tandaan mo ang mga oras na tayo'y masaya
Tandaan mo ang mga pagkakataon na itinulak mo ako papalayo at nag pumilit ako na manatili
Tandaan mo ang mga hinaing noong gusto mo nang sumuko at ako'y lumalaban parin
Tandaan mo ang pagkapit ko sayo nang mahigpit at sa pilit mong pag bitaw
Tandaan mo
Gusto mo na akong iwan pero ayaw ko pa kumalas
Gusto mo na akong mawala pero ayaw ko pa lumisan
Gusto mo na akong mamatay pero pilit akong nabubuhay para ibigin ka
Gusto mo na akong saktan kaya't hinalikan mo siya
"Minahal kita noon pero pinabayaan mo ako't nabaling ang atensyon ko sa iba."
'Yan ang mga salitang binitiwan mo noong tinanong kita kung bakit
'Yan ang mga talatang binitiwan mo noong nag susumamo akong manatili ka sa akin
'Yan ang mga kasinungalingang binitiwan mo noong lumandi ka sa iba
'Yan ang mga akusasyon mo noong nakakita ka ng mas higit pa sa akin
Alalahanin mo na ginusto ko ang ibigin ka
Alalahanin mo na ginusto ko ang paglapit mo saakin noong unang araw na nakita kita
Alalahanin mo na ginusto ko ang maging tayo at ipagmalaki ka sa buong mundo
Alalahanin mo na ginusto ko ang mga yakap at halik na laan lamang para sayo
Alalahanin mo na ginusto ko ang pagpapaiyak sayo dahil sa galak
Balikan mo kung paano ka nahulog sa akin
Balikan mo ang pagkatamis-tamis mong mga ngiti na laan para sa akin
Balikan mo ang pag ibig na nadama mo para sa akin
Balikan mo kung paano mo akong hagkan
Balikan mo ang tamis ng bawat halik
Balikan mo ang pagmamahal mo sa akin na walang kapantay
Balikan mo
Balikan mo
Pakiusap mahal
Nagsusumamo ako
Manatili ka sa akin na tunay kang iniirog
Manatili ka sa akin na iniibig kang tapat
Manatili ka sa akin na handang ibigay kahit buhay ko para lang sayo
Pakiusap mahal
Nagsusumamo ako
Ngunit
Pilit kang lumisan
Pilit kang lumayo
Pilit kang bumitaw
Pilit din kitang lilimutin
Hindi ka niya sinalo noong nilisan mo ako
Hindi ka niya sinuyo noong wala na tayo
Hindi ka niya inangkin noong pinakawalan kita
Hindi ka niya minahal noong umpisa palang
Ngayon
Bumalik ka at gusto mo akong angkinin
Ang sabi mo pa,
"Balikan mo kung paano ka nahulog sa akin
Balikan mo ang pagkatamis-tamis mong mga ngiti na laan para sa akin
Balikan mo ang pag ibig na nadama mo para sa akin
Balikan mo kung paano mo akong hagkan
Balikan mo ang tamis ng bawat halik
Balikan mo ang pagmamahal mo sa akin na walang kapantay
Balikan mo"
Eto lang ang sagot ko sa'yo
"Tandaan mo ang mga pagkakataon na itinulak mo ako papalayo at nag pumilit ako na manatili
Tandaan mo ang mga hinaing noong gusto mo nang sumuko at ako'y lumalaban parin
Tandaan mo ang pagkapit ko sayo nang mahigpit at sa pilit mong pag bitaw
Tandaan mo na ikaw ang lumisan at hindi ako
Tandaan mo na minahal kita noon at hindi na ngayon
Pagod na pagod at ubos na ubos na ako at wala ka nang babalikan pa
Tandaan mo
Tandaan mo"
-----
Kung natapos mo hanggang dulo, maraming salamat very muchoooo! <3
YOU ARE READING
Tandaan Mo
PoetryIto ay isang hugot tula na nalikha noong panahong bored ako Sana basahin
