"5 minutes? Grabe ang tagal naman nun!" 

"Oh sandali, eto na pala ako, baba na ko. Manong pakibayad po" Sabay abot ko ng bayad sa isang pasahero at agad na bumababa ng jip.

Pumasok ako sa school namin. Medyo madami-dami na din ang mga estudyanteng dumadating. Malaki yung school namin pero hindi siya University. Ang dami kasing mga buildings dito sa school namin at ang laki pa ng canteen. Kahit na matagal na'kong nag-aaral dito, maliligaw pa siguro ako. Merong tig limang section sa bawat year level at kabilang kami sa first section. Actually matalino 'tong si Stephen, yun nga lang minsan may pagkatamad din. Pagpasok ko, sinalubong niya kaagad ako.

Pagkapasok ko, siya kaagad nakita ko. Lumakad ako papunta sakanya. "Grabe naman Nica, pinahintay mo naman ako." Salubong na reklamo niya sakin

"Oo na, kasalanan ko na. Sorry na po ha. Sana mapatawad niyo ko." Sarcastic ko namang sabi sakanya

Bigla naman napalitan ang inip niyang mukha sa isang nakakalokong ngiti. "Binibiro ka lang eh. Masyado ka namang pikon" Sabay kirot sa ilong ko - na palagi niya nalang ginagawa kapag dadating ako sa school.

"Ano ba Stephen. Masakit eh" 

"Kailangan mong gawin yan tuwing umaga para tumaas naman ng konti ang ilong mo." Pagmamayabang niya sakin. Sa isip ko, palibhasa matangos ang ilong mo.

"Teka, hindi naman pango ilong ko ah! Porke't matangos lang ang ilong mo, nagkakaganyan ka na! Halika na nga, pasok na tayo, mamaya late na tayo oh.... Pero teka bakit ka ba nagmamadali kanina?"

"Wala lang. Namiss kita." Sabi niya sakin sabay taas ng dalawang niyang kilay

"Heh, parang tatlong araw lang tayo hindi nagkita, miss mo na agad? Sus, tigilan mo ko sa kaartehan mo Stephen. Halika ka na at baka malate na tayo."

First subject namin ngayon is Physics. Mahal na mahal ko talaga yung subject na physics. 3 consecutive years na ako naging best in science sa classroom namin at sisiguraduhin ko na ngayong school year, makukuha ko sya. Siyempre I'll try my best talaga na makuha yun lalo na't graduating yung batch namin ngayon. At kailangan ko din makuha yung valedictorian, not that na ipagmamayabang ko sa mga kaklase ko, but for me, na maging madali yung paghanap ko ng school for college at maging proud yung parents ko sakin. Tatlong taon na kasi akong number 1 sa class namin at sa buong year level. Ang saya talaga. Kung ang iba nga sinasabi nila na maswerte daw ako, pero hindi nila alam, na through hard work at trust ko kay God, nakuha ko ang lahat ng mga 'to.

Sa lahat ng mga blessings na dumadating sa buhay ko - family, friends, at sa school - minsan tinatanong ng ibang tao, kung kelan daw ako magboboyfriend, actually yung mga mokong kong kaibigan talaga yung palaging nagtatanong sakin yan. Palibhasa ako nalang kasi yung natitira sa barkada na hindi pa nagboboyfriend. Ewan ko pero parang hindi pa talaga ako ready sa mga ganyang bagay o baka takot lang ako. Basta ang alam ko lang ngayon is, mag-aral ng mabuti.

Natapos na yung first subject namin sa umaga. Oras na para kumain. Sabay kaming lumabas lahat ng barkada sa classroom. Parabg may napansin lang akong iba sakanila ngayon, bakit nga ba sabay kaming lahat lumabas? Kahit na barkada kaming lahat, kadalasan kasi hindi kami sabay lahat kumain. Pwera nalang ang pag-uwi namin.

"Oh guys, san tayo kakain?" Tanong ko sakanila.

"Sa Jupiter." Pagpipilosopong sagot sakin ni Kael.

"Ewan ko sa'yo. Hindi kita kinakausap diyan"

"Hahahaha. Biro lang." Sabi niya naman sakin sabay ngiti. Tumawa nalang ang barkada.

Siya si Kael, kaibigan at kaklase ko din. Kasama din sa barkada. Makulit. Saakin nga lang. Pero sa iba, hindi. Kainis nga eh, ako nalang palagi yung nakikita. Kahit na matagal na kaming magkasama sa barkada, ni-isang seryosong usapan hindi kami nakakapagusap. Parati nalang kasi kaming nagbabayangan. Pero kahit ganun, hindi naman awkward sa barkada n hindi kami nag-uusap ni Kael. Nasanay na siguro.

"Oh ano na yung kakainin natin?" Sulpot naman ni Stephen

"Halika, bili na tayo dun." Yaya ko naman sakanilang lahat. Kung hindi pa kasi ako gagalaw dito, hindi din sila gagalaw.

Maglalakad na sana ako kaso bigla pa 'kong inutusan ni Stephen na kung pwede kunin ko daw ang wallet niya sa classroom. Naiwan niya daw kasi. 

Bumalik ako sa classroom para kunin ang wallet ni Stephen. Pagkapasok ko, walang tao. Pumunta ako sa upuan ni Stephen at binuksan ang bag niya pero pagkabukas ko, ni-isang libro o notebook man lang wala siyang bitbit.Tanging t-shirt lang at pampapogi ang dala niya. Kinuha ko nalang ang wallet at bumalik ulit sa canteen.

Nakita ko silang lahat na nakaupo na. Binigay ko kay Stephen ang wallet niya. 

Tumayo si Stephen sa kinauupuan niya para kunin ang wallet niya. "Tara Nics, sabay na tayong bumili ng pagkain. At dahil kinuha mo 'tong wallet ko, illibre na kita"

Hay naku, kahit kailan talaga napakatamad tong Stephen na'to. Palagi nalang ako inuutusan. Minsan nagmumukha nakong bodyguard nito. Pero okay lang. Naiintindihan ko din naman 'tong si Stephen eh. Lumaki kasing wala sa tabi niya ang mga magulang niya, lumaki siyang merong mga yaya at driver sa tabi niya kaya hindi na siya nahihirapan. Para bang, sa lahat ng bagay kayang niyang madaliin. Yun sana ang gusto kong itigil na ugali ni Stephen - ang hindi marunong maghintay sa mga bagay-bagay.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now