Gulat na napalingon ito sa kanya. Kanya kanyang humingi ng paumanhin ang mga ito. "Joke lang! Sige lang pakasawa kayo. Hanggang tingin lang naman kayo. Para inspired kayo kahit alas onse na ng gabi." nilakipan niya iyon ng mahinang tawa.

Ang sekretarya nito ay lumabas na para ihanda ang sasakyan. Hindi na kasi niya kailangan magbayad dahil pag-aari din ng Mommy niya ang salon.

Mababakas sa gwapong mukha nito ang pagod at marahil puyat na rin. Kumpara sa picture sa phone niya ay mas lalong nag-mature ang itsura nito at medyo nangayayat ito. Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito. Ang amo ng mukha nito kapag natutulog. Ngayon lang niya ito natitigan ng napakalapit kaya naman susulitin na niya. Parang nangyari na ito dati. Pero hindi niya alam kung kailan.

Narinig niya ang pagbusina ni Hansel sa labas. Mahinang niyugyog niya ang balikat nito. "Thiago.."

His eyes fluttered open almost instantly na agad namang sumara nang masilaw sa ilaw. Mahinang natawa siya at hinaplos ang malambot nitong buhok. She was greeted by his beautiful brown orbs once again. "Hmm?" inaantok pang hinaplos nito ang pisngi niya. "Are you done, mahal ko?"

Napalunok siya nang ngumiti ito. Tumango lang siya at tahimik na tinitigan ito. Nanlaki ang mata nito nang makita ang buhok niya. Parang nagising ito. Tuwid na umupo ito at sinapo ang pisngi niya. Naguguluhang tiningnan niya ito.

"Blonde suits you. I like it." nakangiting hinalikan siya nito sa noo.

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin rito. Ewan ba niya at tuwing pinupuri siya nito ay para siyang makahiyang tumitiklop. Samantalang kapag ibang tao ay babarahin niya pa.

Naramdaman niya pa ang paghaplos nito sa buhok niya. "Tara na at para nang naiihing pusa si Hansel. Kanina pa bumubusina sa labas."

Tumikhim siya. "Let's go." hinawakan nito ang kamay niya. Napatingin siya sa magkahugpong nilang mga kamay. Parang inihulma iyon para forever na silang magkahawak kamay. "Uh.."

Binalingan siya nito. "Is there a problem?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling siya at mas hinigpitan ang hawak nito sa kamay niya. "Come on. Para makauwi ka na ng maaga. Baka mapuyat ka nanaman niyan. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata mo."

"Uy! Concerned nanaman sa akin ang baby ko." malambing siya nitong niyakap at hinalikan ang buhok niya.

Umiwas siya rito. "Hoy! Amoy bleach pa yan." saway niya rito.

"Ano naman?" ngumuso ito at sinapo ang mukha niya. "Kahit mangamoy basura ka pa, yayakapin pa rin kita ng mahigpit. Kahit bumaho pa ang hininga mo, hahalikan pa rin kita ng paulit-ulit. Kahit maging lumba lumba ka pa, bubuhatin kita at papasanin habang isinisigaw ko sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Kahit magkandapaos na ako, paulit ulit ko pa ring ipagmamalaki na mahal kita at akin ka lang. Basta manatili ka lang sa tabi ko, ako na ang bahala sa'yo."

Her heart danced with joy. Ramdam na ramdam niya ang sinseridad sa sinabi nito. Ramdam niya rin ang pagmamahal sa bawat katagang binibitawan nito. Kahit hindi niya maalala ito ay nararamdaman naman niyang kilalang kilala ito ng puso niya. Lalo na sa mga reaksyon niya rito. Yung pamilyar na pagdagundong ng puso niya masilayan lang ito, yung panghihina ng tuhod niya kapag malapit ito, yung awtomatikong pagbuhul-buhol ng tiyan niya tuwing maririnig ang boses nito, yung sayang nararamdaman niya tuwing kapiling ito. Alam na alam niya na mahal na mahal niya pa rin ito. Ang utak man ay makalimot, ngunit ang puso ay mananatiling titibok sa nag-iisang isinisigaw nito.

MAAGA PA LANG ay abala na siya sa pag-aayos ng mga dadalhin niya sa set. Outdoor shoot kasi at medyo late na siya nagising kaya nagkukumahog siya ngayong mag-impake ng mga damit. It will be a two day shoot at the beach. Kaya naman aligaga rin ang personal assistant niya.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin