"Anu bang meron sa cartoons na 'yun. Tang*na ang pangit pangit naman nun!"



"Hoy wag mo ngang maliitin ang spongebob ko! P*ta ka! Mas matino pa 'yun kesa sa mga action movies na pinapanood mo!"




Konti nalang sana ay magsusuntukan na ang magkambal nang pumagitna sakanila ang yamot na yamot na si kuya daniel. Mukha na itong kakain nang tao sa sobrang dilim ng mukha. For sure naingayan ito sa magkambal.


"WILL YOU TWO SHUT UP!! Naririndi na ako sainyo! Magsiuwi na nga kayo at dun nyo 'yan ipagpatuloy! Hindi na kayo nahiya kay sandy. Ang tatanda nyo na mga bugok!!" Inis na singhal nito sa kambal.



Natahimik naman ang dalawa at nakuntento nalang sa pakikipagtitigan ng masama sa isa't isa.


"Hey baby S," Napalingon ako kay kuya gilbert ng lumabas ito ng kusina kasama si buddy at....gabriel.




Ngumiti ako saka dumako ang tingin ko kay gabriel na matamang nakatingin sakin. Nag usap ba ang mga ito?



"Sandy alis na kami," Paalam ni kuya daniel habang hila hila sa kwelyo ang kambal. Wala namang nagawa ang kambal kundi ang sumunod sa panghihila ni kuya daniel.



"Sige kuya. Salamat sa pagpunta." Nakangiting sabi ko.


"Your welcome," Niyakap muna ako nito bago muling hinila ang kambal palabas.



"Bye sandy!" Natatawang kumuway na lamang ako sa kambal. Kahit hirap eh lumingon pa talaga ang mga 'yun para lang gawaran ako ng isang matamis na ngiti.


"Mauuna na rin ako baby S," Muling bumalik ang tingin ko kay kuya gilbert.



"Salamat din sa pagpunta kuya," Nakangiting sabi ko rito.



"Walang anuman," Hindi na ako nagulat ng yakapin ako nito. Ganito parati ang ritual namin kada nagpapaalam kami sa isa't isa "Yung mga regalo mo pinagsama ko na pati yung mga regalo ng mga magugulo kong kuya." Tukoy nito sa kapatid na kambal.



Bumungisngis ako "Salamat kuya. Sana bawasan mo na 'yang pagsusungit mo lalo na kela kuya nathan at nathaniel." Di ko pa rin nakakalimutan ang pang iisnob nito sa mga kapatid kagabi.




"I tried baby S." Nakangising sagot nito.




Di nagtagal ay nagpaalam na rin ito hanggang sa sumunod naman ay si buddy. Mukhang ayaw pa nga nitong umalis pero wala syang magagawa dahil kailangan. Tiyak na may mga gagawin pa ito.



"Bye buddy." Paalam ko rito.



Nang hindi na mahagip ng mga mata ko ang bulto ni buddy ay agad namang tumuon ang atensyon ko kay gabriel na kanina pa tahimik at nagmamasid lang.



"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko rito.


Tumaas naman ang isa nitong kilay na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko "Pinapaalis mo na ba ako?"



Napangisi ako. Ang sungit na naman nya. "I mean, wala ka bang gagawin?" Nakangiting tanong ko.


"Marami." Seryosong tanong nito.



"Oh. Bat di kapa umalis?" Takang tanong ko. Di naman sa pinagtatabuyan ko sya pero alam kong marami pa itong gagawin. Ayoko namang makaistorbo dito.



"Mukha kasing may nakalimutan gawin ang girlfriend ko," Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Girlfriend? Sounds good.




Nakagat ko ang ibabang labi ko "Anu ba 'yun?" Tanong ko.



Humakbang naman ito palapit sakin hanggang sa konti nalang ay magdidikit na ang mga labi namin. Nahigit ko ang hiningi ko sa sobrang kaba. Shocks! Pwede bang kiligin?!



"G-Gabriel......" Kinakabahang bulong ko habang nakatuon sa mga labi nya ang atensyon ko.





"Where's my kiss?" Cool na tanong nito. Parang nanghihingi lang ito ng piso kung humingi ng halik sakin "Where's my goodbye kiss?"



Napakurap ako "Goodbye kiss?"


Ngumisi ito "Yeah." Tilala nasisiyahang sagot nito.




Napakagat labi na lang ako saka dahan dahan syang ginawaran ng halik sa.......pisngi?




"What the....." Di makapaniwalang bulalas nito.



Kumunot naman ang noo ko. Di nya ba nagustuhan? "Bakit? Dimo nagustuhan?" Tanong ko.


Umawang ang labi nito "Hindi sa pisngi ang gusto kong halikan mo sandy," Inis na sabi nito.




Ha? Saan nya naman kaya gusto? Saka paano ako makakapag concentrate kung napakalapit ng mukha nya sakin?


"Ito ang halik na gusto ko sandy,"



Magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong hapitin sa baywang at siniil ng halik. Sa simula'y di pa ako nakakilos sa sobrang pagkabigla pero sa kalaunan din ay diko na napigilang gumantin.



Ako pa mismo ang mas nagpailalim sa halik na pinagsasaluhan namin. What the heck!



***
HI DREAMERS! WAZZUP! SANA MAGUSTUHAN NYO ITO! MWA :*

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now