Love is a very complicated feeling, its confusing, frustrating yet, desirable. A lot of people want a taste of it, greed for it and beg for it. Marami ang nagsasabi na masarap daw sa pakiramdam kapag in love. Nakaka kiliti, feeling mo nasa mga ulap ka. Inspiradong inspirado, motivated. Masarap daw, kasi nagmamahal ka, may pinaglalaanan ka nang pagmamahal mo bukod sa pamilya, mga kaibigan, at sa sarili mo. Masarap din kasi nga, yung pag mamahal na ibinibigay mo, nasusuklian yon, kasi may nagmamahal din sayo. At mas lalo kang maswerte kung yung taong minamahal mo ay siyang makakasama mo pang habang buhay. True love, ika nga nila. Hmm... True love nga ba?
But there are some instances kung saan nakakabitter sa feeling ang pagmamahal dahil hindi sa lahat nang pagkakataon ay nasusuklian ang pag mamahal na ibinibigay nang isang tao. Katulad pag na Friendzone ka, mahal mo nga pero hindi ka naman kayang mahalin pabalik. Ang saklap diba? Siguro nga, swerte swerte lang yan. You're lucky enough if the person you love, loves you back. Pero kung hindi, sorry kana lang. Masakit, pero ganun talaga eh. Wala naman kasing batas na nagsasabing pag mahal mo dapat mamahalin ka din. Sisihin mo nalang si kupido dahil hindi nya pinana yung puso nang mahal mo, para idugtong sa puso mong umaasa.
Meron din naman siniswerte pero yung tipong panandalian lang. Yung tipong akala mo, mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa, nakaplano na kayo nang kinabukasan niyo, napakilala niyo na sa mga kamag anak nyo ang isa't isa, yung tipong kulang nalang eh ikasal kayo at bumuo nang pamilya para happy happy na pero wala eh, you fell out of love, kaya ang end game? Hiwalayan. Kainis noh? Why is it that at first we thought that our love is real, but after some time it fades away?
Meron din naman na nagmamahalan nga kayo, pero yung pagmamahal na ibinibigay mo, minsan sapat, minsan sobra, minsan kulang. Kaya in the end, nauuwi sa sumabatan, pag aaway, sakitan, pagloloko at hiwalayan. Minsan naisasalba pero kadalasan wala na talaga. Bakit nga ba ganun noh? Why is it that some people falls in love too much, just right, and lacking? Pero justifiable nga ba ang ganon?
Pag kasi nagmahal ka nang sobra, sasabihin nila nakakasakal, kasi ang meaning nang sobra ay yung tipong sakanya na umiikot ang buong buhay mo, ang pagkatao mo, ang oras mo, Pero masama ba yon? Masama bang mahalin mo nang lubos ang isang tao? Siguro nga masama, kasi inadjust mo yung buhay mo para sakanya eh. Hindi ka nagtira para sa sarili mo. Naubos ka, kaya ang hirap tuloy mag move-on.
Pagmamahal na sakto lang, sa totoo lang hindi ko 'to magets. How can you tell if the love you gave is just right? Nameasure mo ba? Naramdaman mo ba na talagang sapat na sakanya yung pinparamdam mo? Minsan kasi kahit sabihin nang partner mo na sapat na, mapapaisip kapa din hindi ba? But I guess dto na papasok yung word na CONTENTMENT. You find your love just right, hindi umaapaw, hindi din nagkukulang kasi satisfied na sayo yung mahal mo. He/She doesn't pressure you to love him/her with the intensity that you cannot give. Isa pa, hindi ka naubos, kumbaga you love, yes, pero pinili mo din na magtira para sa sarili mo kaya kahit mag hiwalay kayo, masakit man, pero kayang kaya, kasi alam mo sa sarili mo na sapat yung binigay mo. Hindi ka nagkulang, hindi ka sumobra. Wala sayo ang problema.
A love that is lacking, sabi nila masama ang sobra, masama din ang kulang. Nakakamatay. Pero pano mo nga ba malalaman kung kulang ang pag mamahal na ibinibigay mo, pag niloloko kana? Pag sinasaktan kana? Pag pinag mumukha kanang tanga? pero teka, kelangan ba talaga may measurement ang pagmamahal? Porket ba kulang ang ibinigay mo, ganun ang kahahantungan mo? Hindi ba pwdeng, dahil nga nagkukulang ka eh intindihin kana lang at sya mismo ang magpuno nang pagkukulang mo? But then, I realize that those words are just ideals and not the reality. Swerte ka kung makahanap ka nang taong handang gawin yon sayo, pero kung hindi naman, pasensya ka.
Madaming klase nang pag-ibig. Meron sa pamilya, meron sa kaibigan, meron para sa sarli, meron para sa kapwa at meron para sa kapwa mo babae o lalake.
Eros, an intense feeling of affection and romantic feelings towards your opposite sex and thus, lets you say the three magical words, "I love you", sa lahat nang klase nang pag-ibig sa mundo natin, ito ang pinaka, as in pinaka mahirap intindihin at ang pinaka ayaw ko maramdaman.
Why? Bakit?
Dahil takot akong masaktan. Or maybe because I'm scared with the idea of falling in love dahil madami na akong nasaksihan na heartaches. Mula sa pamilya ko, hanggang sa mga kaibigan na nakaranas na nito. Halata naman siguro sa mga nasabi ko tungkol sa pagmamahal hindi ba? I don't loathe love, I just want to be spared from all the trouble it can cause, besides masaya naman ako at kuntento sa pag mamahal na ibinibigay at ipinaparmdam sakin nang mga magulang at mga kaibgan ko. Pero minsan talaga hindi ko maiwasan mapaisip.
Is there anyone out there who is rightfully mine?
