Catherine's POV
P-please James . Don't leave .
Tumakbo ako palapit sa kanya para pigilan sya sa pag alis , ng mahabol ay agad ko syang niyakap pero nanlumo ako ng Hindi manlang nya ginantihan ang mahihigpit Kong yakap sa kanya.
W-what d-do you want me to do para lang wag mo akong i-iwan ? Garalgal ang boses na saad ko dito . nagbabadya ng muling pagluha . Pinilit kong paharapin sa akin ang aking kasintahan ngunit nagbingi-bingihan lamang ito sa mga pagmamakaawa at pakiusap ko
Pagkuwa'y ..
"I'm so sorry Cath, pero ito lang ang naisip Kong paraan para sa ikabubuti nating pareho . Please don't make it hard for me . I love you pero Hindi ito ang tamang oras para satin . Look, sa tingin mo ba madali para sakin ang pakikipaghiwalay Kong ito sayo ? Kung tayo ang para sa isa't isa god will make a way para pagtagpuin ulit tayo ng tadhana . Just please cooperate with me Cath . Don't cry please ? Pakiusap nya sa akin ."When the right time
Comes babawiin ulit kita, sa ngayon hayaan mo munang umalis ako .Para sa ikabubuti nating pareho . Paalam."
Pagkatapos nyang sabihin yun ay nagmamadali at walang lingun-likod nya na akong iniiwang umiiyak . Napaluhod ako sa damuhan at humagulhol sa aking mga palad. Kasabay ng malakas na pag-iyak ko ay sya namang pagbuhos ng ulan. Muli ay napaiyak ako . di ko alintana ang malakas na buhos ng ulan na tila ba nakikiramay sa aking pagkabigo. tanging nararamdaman ko lang ay ang hapdi at sakit ng pakikipaghiwalay ng aking pinakamamahal na kasintahan .
Ang Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangang humantong kami sa paghihiwalay gayung wala naman akong naalalang kahit katiting na bagay na aming pinag-awayan .
Kung Hindi pa ako nakaramdam ng sobrang panlalamig ay Hindi ko pa maiisip na umuwi .
Huling sulyap sa aming tagpuan na tanging piping saksi ng lahat , mula sa panliligaw,pagsagot at maging sa napakasakit na paghihiwalay namin ng boyfriend ko . muli ay napahagulhol ako .
"Paalam . kahit masakit pipilitin Kong tanggapin . I will miss you James . God knows how much I love you".....
ESTÁS LEYENDO
PENPAL
RomanceAng istoryang ito ay naglalaman ng mga pangyayaring hango sa malikot na imahinasyon ng author . Hindi pinahihintulutan ang sinuman na kopyahin/gayahin ang alinman sa mga nakasulat sa istoryang ito. Hindi sinasadya ng author ang alinmang pagkakatula...
