By: Miss Gladdys Sietereales
Ang pusong kong pilay
Animoy muling nabuhay
Para kang isang saklay
sa akin ay umalalay
Mga kamay na pinag-papawisan
Sa tuwing ika'y nasisilayan
Huni ng kapaligiran
Sa puso ay nag-aawitan
Humakbang ka't lumapit
Sa kamay ko'y biglang kumapit
Mistulang bato sa higpit
Yan tuloy, puso ko'y parang inipit
Sa tadhanang sadyang mapilit
Puso'y biglang nag kalapit
Sa iyong mga salitang mapang-akit
Matamis kong Oo'y iyong nasungkit
Sadyang hindi maiwasan
Hindi rin maintindihan
Ang nararamdamang kasiyahan
Sana'y wala nang katapusan
Sa Diyos akoy nanalangin
Pangako mo'y di matangay ng hangin
Ipinag tapat mong damdamin
Huwag mo sanang bibiguin
Ngunit ako'y nagulat sa di inaasahan
Dumating ang araw ikay biglang nag
paalam
Isip ay naguluhan, pusoy luhaan
Tuluyan ng lumisan, di alam ang dahilan
Sa ibinigay mong kirot, hapdi at pait
Naranasan lumuha't ngumiti ng pilit
Tuluyan ibinaon sa limot ang iniwang sakit
Huwag nang umasa't ,hindi rin maipipilit
Sabihin man nila
Akoy naging isang tanga
Ang ipinadamang saya
Mananatiling magandang ala-ala
Ngayon ang puso kong nooy iyong binuhay
Balik sa dati,balik sa pagkapilay
Naputol ang saklay,wala nang umalalay
Nanatiling nakatayo't sarili'y akay-akay
..............
The end
.......
YOU ARE READING
SIOPAO,ASADO at BOLA-BOLA
PoetrySiopao kasi asado dahil binola-bola, this is a poem para sa mga taong pinaasa ng mga taong maraming pangako ngunit napako. The person who wrote this poem is very talented,di ko alam kong saan siya humuhugot ng mga ganitong poem about Love,Siguro dah...
