Hello Readers ! Thanks for Reading my very first story . Sana po subaybayan nyo pa po yung mga next updates ng stories ko ! So Here's the first Chapter...
*************************
Ako si Rosario nagtatrabaho bilang isang call center agent sa isang lungsod dito sa metro manila..
Taong 2000 summer outing ng aming kumpanya.. Masayang nagdatingan ang mga kasamahan ko sa trabaho kahit puyat ang iba tila walang pagod na nararamdaman sapagkat madalas computer lang ang aming kaharap sa buong taon at sa wakas kahit isang araw ay makakalaya kami sa ingay at gulo ng lungsod.
Sa isang private resort sa Bulakan napili ng aming grupo na mag night swimming..
Excited ang lahat at sa wakas dumating na ang shuttle bus na maghahatid sa amin sa resort kasama ng isang kotse na syang magiging guide ng grupo...
Alas dyes ng Gabi kami umalis.. Napakasaya .. halos lahat ay kumakanta sumasabay sa tugtog ng gitara ang iba namay napapasayaw pa bagamat malapit lang ang bulakan mahaba pa rin ang aming naging byahe patungo sa resort..
Hindi namin namalayan na dumadaan na pala kami sa isang malawak na simenteryo ng biglang nabalaho ang gulong ng kotse na aming guide kaya humingi ang makina ng bus na aming sinasakyan, napahinto ang lahat sa pagkanta.
Napasilip ako sa bintana ng bus at Nakita Kong simenteryo ang hinintuan naming lugar sobrang dilim at halos walang bahayan sa paligid , tumingin ako sa aking orasan 12:00 am to be exact nakapangingilabot ang sobrang kadiliman.
Balewala lang samin ang nangyari nabalaho daw ang kotse ng aming guide habang papaliko na kami sa isang daan na kung saan raproad na ang daan medyo maputik sapagkat palayan ang paligid ng daanan.
Tumingin ako sa labas ng bus at Nakita ko na may ilaw na paparating tila isang maliit na sasakyan sapagkat malamlam lamang ang ilaw sakabila ng dilim ng gabing iyon..
Pagkalipas ng Ilang minuto ang lahat ay halos naiinip na sapagkat Hindi parin umaandar ang kotse sa aming harapan . Maya Maya napansin ko ulit na tila napakabagal ng dating ng nakita naming liwanag
Maya Maya tila isang magsasakang sakay ng kanyang kalabaw ang aming Nakita na may bitbit ng ilawan, ang sabi ko sa aking kasintahan na katabi ko sa upuan ng oras na iyon
" Be parang sobrang Gabi na si kuya para umuwi galing sa bukid ngayon palang uuwi, oo nga noh Hindi pala sasakyan ang Nakita nating liwanag.."
At muli ay kanya kanya ng kwentuhan at ibat ibang libang sa sarili habang naghihintay sa guide naming kotse..
Maya Maya sumigaw ang aking nobyo "Kandila, lumilipad na kandila'"...
Ang lahat ay nanahimik at hindi makapaniwala, tumingin kami sa direksyon ng salamin ng bus ang magsasakang inakala naming nakasakay sa kalabaw na may dalang ilawan ay tila isang maliit nga na kandila' na mag isang nglalakad palapit sa direksyon ng aming bus pati ang driver at kundoktor ng bus ay namangha .
Lumabas ng bus ang kundoktor upang tingnan kung totoong kandilang tila lumilipad ang paparating subalit wala syang nakikita kundi kadiliman lamang pagpasok nya sa loob ng bus muli ay Nakita nya ang papalapit na kandila' na tila lumilipad sa kawalan..
Tinitigan Kong mabuti at Hindi ako kumurap ni isang minuto sapagkat nais Kong makita kung totoo ang lahat ... Kitang kita ko mismo sa aking mga mata palundag lundag na puting kandila' at ng malapit na sya sa damuhan ay tila hinangin ng malakas ang talahib at pumailalim dito ang kandila'..
Sabay ng pagdapa ng talahib sa kandila' ay nangibabaw ang kadiliman at katahimikan .
Maya Maya bigla na lamang naming namalayan na lahat kami ay umuusal na ng dasal sabay ng panginginig ng aking tuhod .Hindi ako makagalaw..
Maya Maya nagdesisyon na lamang kaming sa isang private resort na malapit doon sa lugar mag night swimming at tila himalang umandar ang kotse na kanina lamang ay tila ayaw umahon sa pagkakabalaho...
Ang kandilang ito ay tila nagpapahiwatig ng kung ano sa amin..
Kung natuloy kaya kami sa isang private resort na aming pupuntahan ano kaya ang mangyayari? Itoy karanasang tila panaginip lamang na habangbuhay ay nakaukit na sa aming kaisipan.
**********************
YOU ARE READING
Kababalaghan
HorrorNakakapangilabot .... Mga pangyayaring Hindi inaasahan .. Mga Kwentong .. Minsa'y nakapagpabago ng buhay ng isang tao .. Baka isang araw .. Maranasan mo .. **** Ano ang gagawin mo ? **** All rights reserved . No part of this book may be reproduced...
