"Kuya Denden sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka mapansin ni Lola na wala ka sa kwarto, patay tayo 'pag nagkataon." Umiiling akong lumingon sa kapatid kong nag-aalala at saka ko siya nginisian.
"Hindi naman malalaman ni Lola na wala ako dahil magsasara ka ng pinto. Nasa akin na ang susi." Itinaas ko ang kamay kong may hawak ng susi para makita niya, saka ko siya pinatalikod at tinulak pabalik sa kwarto. "Matulog ka na, basta 'wag mong kakalimutang maglock ng pinto." Dagdag ko pa.
Kamot ulo siyang bumalik sa kwarto saka nagsara, kaya naman pumuslit na rin ako patungong peryahan.
"Woohoo! Party party!" Sigaw ko nang marinig ko na ang malakas na tugtugan sa perya.
Tinawagan ko kaagad ang mga barkada ko na dapat ay kasama kong gagala ngayon. Pero ni isa pala sa kanila ay walang pinayagan.
"Badtrip naman pare! Tinakasan ko pa ang natutulog kong Lola sa bahay, dinamay ko pa ang kapatid ko sa planong 'to tapos hindi niyo ako sisiputin?" Inis kong sigaw sa huli kong tinawagan sa kanila.
"Pasensya na 'tol. Tsaka nag-iwan naman kami ng message sa Messenger na hindi kami makakapunta eh, akala ko mababasa mo kaagad."
"Taenang Messenger. Wala akong internet, dapat tinawagan niyo ako o tinext!" Sa sobrang inis at galit ko, pinatay ko na agad ang tawag. Badtrip talaga!
Sinipa ko ang unang batong nahagip ng mata ko bago naglakad. Kahit anong gawin ko hindi pa rin mawala wala ang pagkainis ko, hanggang sa may lumapit sa aking batang lalaki.
"Kuya! Kuya! Sakay ka na sa ferris wheel namin. Bente lang naman eh. Sige na kuya." Ilang beses na akong umiling at lumayo sa bata pero mapilit siya at sunod ng sunod kaya pinagbigyan ko na. Mga bata nga naman, ang kukulit!
"O ayan kuya," Kinakausap pa rin ako ng batang lalaki habang inaayos niya ang uupuan ko. "Dahil last round na 'to ngayong gabi, pwede kang mag-extend kahit ilang minuto mo gusto." Napangiti naman ako sa kanya at saka ginulo ang buhok niya.
"Ang galing mong mag-salestalk ha! Pagbutihin mo 'yan, malayo ang mararating mo." Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat.
"Aandar na!" Sigaw niya pa habang tumatakbo palayo kaya't sumandal na lang ako, pero nagulat ako dahil may biglang tumabi sa akin bago tuluyang umandar ang ferris wheel.
"Hi!" Masigla niyang sambit nang lumingon siya at nakitang nakatingin din ako sa kanya.
Tinitigan ko ang katabi kong babae mula paa hanggang mukha. Nakasuot siya ng parang uniform ng isang nurse, purong puti kasi eh pero siya hindi gaanong maputi. Maiksi ang buhok niyang hanggang balikat lang, bilugan ang mata, medyo matangos ang ilong at may katamtamang kapal ng labi, tsaka..
"Nagagandahan ka sa'kin no?" Bigla niyang tanong na nagpakunot sa noo ko. Bigla rin naman siyang tumawa kaya umiwas na lang ako ng tingin.
"Huy! Ang snob naman!" Sambit pa ulit niya kaya napatingin ako sa kanya. Actually maganda talaga siya, kaya nga umiwas ako ng tingin eh baka kasi mapagkamalan niya akong may gusto sa kanya.
"Ako si Cheska, ikaw?" Inaabot niya sa akin ang kamay niya kaya inabot ko ito at nakipag-shakehand.
"Denden na lang." Bigla naman siyang umakto na parang hindi naniniwala.
"Denden na lang? Baka gawa gawa mo lang yang Denden mo ha." Natawa na naman siya, wala namang nakakatawa. Pero nakakatuwa siyang panoorin, ang genuine kasi ng tawa niya na parang mapapasama ka na lang din.
"Bakit naka-uniform ka pa? Kagagaling mo ba sa trabaho?" Tanong ko dahil na-curious ako. Alas onse na kasi ng gabi, pero pwede rin naman kasi may shift naman ang mga nurse na pang-gabi talaga.
YOU ARE READING
Ingat Ka
RandomMinsan lang nagsama At bukas aalis ka na Sayang sana ay nagtagal ka pa.. © September 2016
