chapter 1

14.8K 235 3
                                    


Edited

Chapter 1

Samantha's  POV

Pilit kong binuksan ang mga mata ko. Kahit ramdam na ramdam ko pa yung pagod at antok. Ganito naman parati ang routine ko. Matutulog ng late at magigising ng late. 

Bakit ba kasi ako parating late nagigising? Yan tuloy late rin ako papasok ng school.

Napakaswerte ko talaga. 

Hinila ko ang sarili pa-tayo tsaka dahan dahan  naglakad papunta ng C.R.

 teka! kelan pa ako naging pagong? tuwing umaga lang pala.



Wala sa sarili akong napatingin sa orasan. 15 minutes na lang ang naiiwan saakin para maghanda. Naligo kaagad ako. Wala nang kain kain, Make-up. No need na, Ganda ko kaya.


8:00 ang start nang klase ko. Kaya talagang kailangan ko nang magmadali. Mahirap na mapagalitan pa ang dyosa na to. Hindi ako pinanganak na maganda para pagalitan lang. Napatingin ulit ako sa relos ko. Holy shit! 

Kami yung tipo ng tao na okay lang yung pamumuhay. Sapat na yung pera para makakain ng 4 na beses sa isang araw. Hello! Nagugutom rin kaya ang magaganda kaya yung pang-apat na yun ay meryenda at syempre yung nanay kong maganda yung naghahanda.

" Yung allowance mo nailagay ko na sa wallet mo. Makakaalis ka na" teka.. mama ko ba talaga yan? lakas ako palayasin ah. Ang aga aga puro bibig lang ni mama ang maririnig ko. 

"Alis na po ako ma!" sigaw ko na lang pabalik bahagya pa akong dumabog ng pa sekreto baka tapunan pa ako ng nagbabagang plantsa.

"mabuti pa...." sige pa! dagdagan mo pa.. mag asawa nga pala sila. mabuti  natandaan ko pa.

Lumabas na kaagad ako sa bahay. Naghintay ng masasakyang jeepney. Mahirap kayang maunahan dito. Late na nga ako ng gising male-late pa sa pagsakay? Never. 

Ang ginawa ko lang ay pinagdikit ang dalawang sapatos kung bagong bili na lumikha ng mga tunog. Maganda nga kasi pag bagong bili kaya ako binilhan ni mama. Mahiya naman siya ang ganda ganda ng anak niya tapos yung nakasabit sa katawan niya 'Puchupuchu?'



Napatingin ako sa kabilang dako ng kalsada ng nakarinig ako ng ingay mula sa jeep. Napangiti ako dahil sa wakas makakasakay na ang dyosa niyo! Talagang apat na minuto ang hinintay ko dito.

Medyo natagalan rin kasi nga stop ng stop yung jeep para makakuha ng mga sasakay para maraming kita. You know mabubuhay tayong lahat sa pera. Duh! pa-humble lang yung iba na 'Di mabibili ng pera ang kaligayahan' Like duh! okay?

Nakaramdam na ako ng boredom at kaba rin dahil mukhang matatagalan lang ako dito. 

"pakibilis naman po manong" reklamo ko dito. ugh ang init init na kaya baka pati beauty ko malusaw sa init. isa pang problema ang may sabog pa tong katabi ko. kainis!

" ikaw kaya mag drive dito?" sagot naman nya aba gagong balbon to ah! nag sa suggest lang naman problema nila.pektusan ko kaya to?

ah talaga? Eh kung sapatosin ko yang mukha mong mukhang lupa? Sapakin kita eh. 



"para po manong!!!!!!!!!!!!" sigaw ko bigla at muntikan ng matapon. paano ba naman kasi kulang nalang lumipad kaming lahat dito.  inalis ko ang mga takas ng hibla ng buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko. para hindi ako maging dry tingnan di tulad ng kaharap ko dito sa jeep. ang panget panget! errr. Inggetera ko no? Yan pag maganda. 

THE DEAL WITH THE MAFIA BOSS (SANDFORD SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora