Chapter 1

2K 39 41
                                    

Nagbulungan na ang mga nasa paligid

"narinig niyo ba?"

"tama ba yun?"

"so parang naging tulay lang si Lysa?"

Konting katahimikan

"haHA! HAHAhahaha!" pagbasag ni Lysa sa katahimikan.

"Lysa?" bulong ni Camille na halatang nagulat din sa mga pangyayari, hinawakan niya si Lysa pero inilayo ni Lysa ang kamay niya dito.

"kayo naman, bakit parang nasalanta kayo? eh para namang hindi na nakakagulat yun" sabi niya habang naka-ngiti sa harap ni Jay. "a-ako nga n-naramdaman k-ko e" magaang sabi ni Lysa habang naka-hawak sa dibdib at pinipigil ang ano man ang pwede niyang pigilan.

...tagos kasi sa puso

"oh next na" sabi niya.

"ikaw na ang last, Vargas"  sagot ng class president nila.

"ahH, Haha.. O-oo nga p-pala , HahAha. Vargas" tumayo si Lysa at pumunta sa my table, nakatalikod siya sa mga classmates nila.

"oh? bakit dina kayo natinag diyan? M-malate tayo sa next subjects n-natin. Naku sige kayo ire-report ko kayo sa council" sabi niya habang nag-aayos ng mga gamit "magre-report pa naman ako ngayon" si Lysa kasi ang year level president.

"let's go?" sabi niya ng malumalay. "C-camille?"

Tumayo si Camille sa kina-uupuan, ang iba nagsilabasan na. 

Si Jay lumabas na din ng room kasama ang ibang boys na parang ordinaryong araw lang.

Ang ibang girls ay pauloy sa bulungan.

bzzt.bzzt

from: FC'Mae

|grabeng revelation ang nangyari sa aming

activity TODAY!

hayyyyyyyyyy, OUCHY..

ang daming nagulat PROMISE!!!

..gM..|

...so kailangan i-gm kagad? ganun kabilis? hay.

Parang hangin sa bilis ang nangyaring balita, kumalat kaagad ito sa campus.

"totoo nga?"

"grabe ang sakit nun para kay Lysa!"

"kala pa naman natin si Lysa ang gusto ni Jay yun pala tumutulay lang siya"

Habang naglalakad, mas madami pa ang nagbubulungan. Hati-hati ang mga opinion sa nabalitaan.

"Tanga siya! masyado siyang nag-isip na sila ni Jay"

"grabe naman si Jay, sana di niya na pina-asa si Lysa ng ganun"

"wala namang pina-asa si Jay, itong si Lysa lang ang umasa"

"sana di siya nagpakita ng motivation"

Patuloy lang sa paglakad si Camille at Lysa, si Camille medyo nakayukong naglalakad, samantalang si Lysa naman ay parang hindi nalang iniitindi ang mga nasa paligid.

PA-FALL GUY (FAN-FIC) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon