"Heina!"
Isang tinig ang narinig ni Heina sa di-kalayuan ng kinatatayuan niya. At dahil sa kyurisidad, hinanap niya ang tinig na sobrang pamilyar sa kaniya.
"Heina baby ko"
Nagulat siya ng may biglang humawak sa balikat niya. At nang makilala niya kung sino, sinamaan niya ng tingin.
"Bakit ba bigla ka nalang nanggugulat ah!?"
Ngumiti lang ito ng pilyo at niyakap siya sa bewang.
"Wala lang, parang na-miss kita agad baby ko"
Malambing na sabi ni Vio. Ramdam ni Heina ang pag-init ng pisngi niya.
"M-manahimik ka nga! Chaka, bitawan mo nga ako Vio! Baka makita nila tayo"
Napanguso naman si Vio.
"Eh, ano naman? Girlfriend naman kita, BOYFRIEND mo naman ako, so, ano naman kung makita nila tayo?"
Napa-kamot batok na lang si Heina sa inis.
"Vio naman eh! Di ba nga, pag nalaman nila, lalong-lalo na ang pinakamadaldal sa barkada, malamang kalat na Kay daddy!"
Sinabi ni Heina kay Vio habang pilit pa rin nitong tinatanggal ang pagkakayakap ng kasintahan sa bewang niya, na hindi naman niya matanggal, dahil lalo lang nitong hinihigpitan ng hinihigpitan ang pagkakayakap nito.
"Ayoko"
May finality sa tono ni Vio.
"Vio naman ehh--" a
"Ayoko, at papayag lang ako after this baby--"
At bigla na lang sinunggaban ni Vio ng isang matamis na halik si Heina. Buti na lang at nasa tapat sila ng isang faculty room na hindi madalas puntahan ng mga teacher at iba pang students.
Tinugon ito ni Heina dahil hindi niya matitiis ang halik ni Vio na bumabaliw sa kaniyang buong sistema. Naghahalikan sila ng parang wala ng katapusan. Hinahalikan nila ang isa't-isa ng puno ng pagmamahal, hanggang sa may isang malakas na boses na naka-pagpatigil sa kanila.
"Heinnnaaa!! Nasan ka!?"
Agad silang bumitaw sa kanilang paghahalikan ng dahil duon.
Napa-tirik na lang ang mata ni Heina, halatang nabitin siya.
"O sige baby ko, I have to go, baka nga makita pa tayo"
Sinabi ni Vio at binitawan na ang kaniyang bewang pero merong paring pilyong ngiti ito sa malambot nitong labi.
"O sige, intayin mo na lang ako mamaya ah?"
"Sige ba my love, basta date tayo mamaya?"
Nginitian na lang ni Heina si Vio bilang pagpayag. Napakagat-labi na lang si Heina sa pagpipigil ng kilig niya. Kinikilig talaga siya kapag tinatawag siya nitong 'Baby Ko' at 'My Love'.
"Oo, basta hintayin mo na lang ako sa gate, baka makita tayo nila Bead pag sa room pa"
Tamungo-tango na lang si Vio at kinindatan siya.
"Okay my love, byee, muah!"
At nag-flying kiss pa ito bago umalis. Umalis na ito at nagtungo sa ibang direksyon. Baka kasi makasalubong rin nito ang bwisit na nang istorbo sa kanila kanina. Hindi mawala ang ngiti niya mula pa nang lumisan ito.
"Hoy, Heina!"
Nagulat siya ng may tumulak sa kaniya ng mahina sa likod.
"Para kang tanga dyan, nagngi-ngiti ka mag-isa!"
YOU ARE READING
'Goodbye, my love' (One Shot)
Romance'Goodbye my love' he said before he completely disappear.
