"Bitiwan mo siya."
   puno ng awtorisasyon na utos ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya na parang nangungutya.

"Paano kung ayoko."
   matigas na sabi niya.

"Kung hindi, sasabihin ko sa lahat kung sino ka."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Matagal na tinitigan niya ako ng nagbabanta, nangangatal ang kamao niya sa galit at lalong hinihigpitan ang hawak sa kwelyo ni Joy na hirap na hirap na sa paghinga, ngunit sa huli rin ay binitiwan na niya ang babae. Napagtanto niya sigurong gagawin ko nga ang sinabi ko sa oras na hindi jiya yon gawin. Pabagsak na itinulak niya si Joy sa lupa na parang isang hayop. Agad naman siyang dinaluhan ng buong grupo at maingat na itinayo. Ngunit nananatili pa rin kaming magkatitigan ng masama ni Lark.

"Gusto mo na ba talagang mamatay na tibo ka?"
  puno ng inis na tanong niya.

"Nakita ko namang walang nasugatan sa mukha mo. Alam ko na hindi ka basta-basta naatake ng kung sino base sa pagkatao mo. Nasaktan ka niya, humingi siya ng tawad. Ngayon naman nasaktan mo siya, ikaw naman ang humingi ng tawad."
  utos ko sa kanya na siya namang nginisian lamang niya na para bang ngayon lang niya naranasang utusan sa buong buhay niya. Ngising nangmamaliit.

"Ako? Hihingi ng sorry sa isang babaeng walang papel o titulo sa buhay? Nagpapatawa ka bang tibo ka? O baka naman ikaw ang gusto mong masaktan ngayon dahil sa pagmamagaling mo na magtanggol."

" Gaano ba kahalaga sayo ang salitang sorry para mahirapan kang bitiwan at kailangang pang 'yong may mga papel lang o titulo sa buhay ang gusto mong sabihan? Lahat tayo may papel sa buhay. Lahat tayo may titulo kaya wala kang karapatan na sabihin na wala ang isang tao n'on, dahil hindi mo sila kilala. Wala kang alam."

"Ikaw? Anong papel mo sa buhay mo? Ang mangialam sa buhay ng iba? Ang sumunod na parang aso para malaman ang pagkatao ng isang tao? Ang mangblack mail para makuha ang gusto? 'Yon ba?"

"May pakialam ako sa kapwa ko. Ang tumulong. Iyon ang isa sa papel ko sa buhay lalo na iyong mga walang kalaban laban sa mga hambog na katulad mo. Bukod sa itinuro 'yon sa GMRC at Values, isa 'yon sa pangaral sakin ng tatay ko at.... at ng nanay ko."
   naramdaman ko ang paghina ng boses ko sa huli. Bigla ko na namang naramdaman ang pangungulila ko kay nanay. Simula bata, kapag inaaway ako walang nanay na nagtatanggol sakin. Ako pa ang pinagsasabihan ng nanay ng nakakaaway ko. Hindi ko naman sinasabi kay tatay dahil ayokong malaman niya ang pakikipag away ko nong bata pa ako na alam naman ng lahat na hindi ako ang nagsisimula ng gulo. Sadyang sentro lang palagi ako ng tukso dahil wala ng nanay na sumasama sakin. Si tatay naman kasi busy sa pagtitinda sa palengke noon kaya walang sumasama sakin tuwing may event sa school.

  Muling sumagot si Lark.

"May magulang ka pala akalain mo 'yon? Paanong ang isang babae na basagulerang katulad mo ay may magulang na pinangangaralan ka tungkol sa ganong bagay? "

Tiningnan niya ako mula paa pataas hanggang sa ulo  ko at nanlalait na ibinalik ang paningin sa mata ko.

"Oh mas magandang tanong ay mayron ka pa bang nanay?"

Tila tumigil ang tibok ng puso ko.

'Wag. 'Wag kang magkakamali na magsalita ng kahit na ano tungkol sa nanay ko. 'Wag mong subukan.

"Sa hitsura, pananamit at kilos mo. Halatang wala kang kinalakihang nanay. Mabilis makita sayo dahil babae ka. Walang gumagabay sayo. Walang nanay na hahayaang magkaganyan ang anak niyang babae. O baka naman sa sobrang suwail mo, iniwan ka ng nanay mo?"

Nanlaki mata ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung maninigas ang kamao ko sa galit, gusto ko siyang suntukin ngunit mas nangingibabaw ang panlalambot ng diwa ko. Nagpatuloy pa siya.

"Mabuti na lang at iniwan ka ng nanay mo kung totoo man dahil sigurado na  kung kasama mo siya mas gugustuhin niyang mawala kaysa magkaron siya ng isang basagulerang at sakit sa ulo na anak na babae."

Lumabo ang paningin ko dahil sa pangingilid ng mga luha sa mata ko. Ganito. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko sa tuwing inaaway ako nong bata pa ako. Matapang ako pero sa tuwing nababanggit ang nanay ko, nanghihina ako.

Nanghihina ako sa sobrang galit.

Mas lalo akong binibigyan ng rason ng lalaki na 'to para lalong hindi ko pagsisihan ang pagsali ko sa Black Velvet gang na siyang matinding kaaway ng kanilang gang. Na para mas lalong magsikap na abutin ang pinakamataas na level para sa mga babae ng Black Velvet gang - ang Lady Master. Kapag naabot ko 'yon mapagbibigyan ako ng pinuno namin ng kahilingan. Isang pinuno na may isang salita at walang bahid na kahambugan sa katawan.

Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko at puno ng galit at suklam na tinitigan ang kaharap ko. Nagsalita ako.

"Ikaw na pinuno ng Black Spade gang...
Ipagdadasal ko ang kaligtasan mo."
  
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Mabilis na tumingin siya sa kaliwa't-kanan niya upang siguraduhing walang ibang nakarinig ng sinabi ko at nang masiguradong walang nakarinig dahil wala na ang mga kagrupo namin ay mabilis siyang lumapit sakin at katulad ng ginawa niya kanina kay Joy ay marahas na kinuha niya ang kwelyo ko at hinigit iyon pataas. Ngayon, ilang inches lang ang layo ng pagitan ng mga mukha namin. Naniningkit ang mga mata niya sa galit habang nakatingin sakin na para bang kayang-kaya niya kong kainin anumang oras at sa mga sandali ring iyon ay bumagsak ang luha sa magkabilang gilid ng mata ko.

  Ang luha ko para sa nanay ko na hindi ko kailanman ipinapakita sa lahat ng nakakaaway ko.
Ngayon lang...... Sa taong ito lang... At hindi ko alam kung bakit......

Natulala siya. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa kwelyo ng uniform ko at ang unti-unting paglalaho ng galit sa kanyang mga mata na mabilis na napalitan ng pag-aalala.

"Mr.Perez at Ms.Dizon. Sa guidance office ngayon din!"

Nananatili kaming sa ganong ayos na dalawa nang sumigaw si Ma'am Silva mula sa labas ng garden.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Lesbian Meets the GangsterWhere stories live. Discover now