Kinabukasan

"Ai, aalis na akoIkaw na bahala diyan" sabi niya habang sinasara yung zipper yung malaking bag niya.

"Sige po kuyasobrang bait ng kuya ko sakin,  lahat ng hinihiling ko binibigay niya at sinisigurado niya na may makakain kami araw-araw.

Lumabas na siya ng bigla kong naalala yung bag. Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang hinabol at pinigilan.

"O bakitNakalimutan ko ba yung baon mo?"

"Huh?  Hindi kuya"

"Eh bakit mo ko hinabol?" ano ba tong nangyayare sakin?

"Yung bag kuya hehe pwede ko bang palitan?" nakita ko namang nagtaka ang mukha niya,  yung bag kase na napili ko yung pinagkamagandang bag dun sa mga pinapili niya. Kinuha ko yung maroon na bag at ibinalik ang bag na kinuha ko kagabi.

"Ano bang meron sa bag na yan?" tanong ni kuya.

"Parang mas gusto ko tong gamitin" sabi ko at bumalik na ulit sa bahay.

Pinagmasdan ko yung bag,  ngayon na nasakin na siya pakiramdam ko ang saya ko. Hindi ko na muna siya gagamitin, next school year na. Tutal ngayon naman na yung last day ng pasukan namin.

Pagkauwi ko galing school, wala pa si kuya. Tineks niya ako at sabi niya gagabihin siya kaya naglinis nalang muna ako dito sa bahay. Pagkatapos kong maglinis ay napaupo ako sa kama ko at napatingin sa bag na pinagpalit ko pa dun sa magandang bag. Kinuha ko at tinignan.

"Ano bang meron sayo?" Binuksan ko at medyo madumi.  "Akala ko ba bagong bili to? " walang laman pero marumi. Pinagpag ko at binaligtad ko para malaglag yung mga dumi hanggang sa may nalaglag na pitaka.  May pagkaluma na yung pitaka.

"Bakit may pitaka?" sobrang kapal pa. Ang dami sigurong lamang pera neto. Baka secondhand na tong binili ni kuya. Kinuha ko yung pitaka at binuksan pero igbis na pera ang makita ko puro papel. Napahinga ako ng malalim.

"Akala ko naman pera na" puro nakatuping papel, kaya pala makapal. Maganda tong pitakang to. Mahaba pa kaya sayang naman kung itatapon ko. Kinuha ko yung basurahan ko at tinapon ko dun yung mga papel na nakalagay dito.

Napatigil ako sa pagtapon nung dumating na si kuya.

"Ako na bahala pre" sabi niya sa kausap niya sa cellphone, ni minsan hindi pinapapunta ni kuya dito yung mga kaibigan niya.

 Lumabas ako ng kwarto at kinamusta siya.  Kinwento ko yung resulta ng exam ko at sinabi ko na din na wala na kaming pasok.

"Ganun ba. Bukas pala Ai tutal naman wala ka ng pasok, ikaw nalang bumili neto." iniabot niya sakin ang nakatuping papel "Wala na kase tayong mga pagkain dito sa bahay" kinuha ko na ang papel at ang iniabot niyang pera.

Ai Stole Their StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon