Chapter 0ne

69.2K 1.4K 59
                                    

Reminders

Ang mga pangalan ,lugar at mga bida po sa loob ng book na ito ay pawang mga kathang isip po lamang ng author.Kung may mga pangalan na nahahalintulad sa mga buhay o patay na tao iyon po ay co-incidence lamang.

Wala pang ginagawang edit ang Author sa book na ito kaya kung may mababasa kayong wrong spelling/wrong grammar at maraming error pasensya na po.

Copying in any form of my story is strictly prohibited and Translations to any languages is a crime,and not allowed!!!.

All the image inside this book is not mine!

To all my readers:

Please support my stories to write your comments and press the star sign bellow a👇,Please guys support me as an Author I really need that.Thank you so much and I love you all.

ALBENIA26





____________Chapter 1_______


"Uminom na po kayo ng gamot."ani Allison na inabot ang isang basong tubig at dalawang tableta ng gamot sa kanyang ina na nakahiga sa matigas na katre na may latag lamang ng bang.Wala silang kutson dahil wala siyang kakayahang bumili dahil kulang pa ang kinikita niya sa pagtitinda ng isda sa palengke sa pang araw araw na gastusin sa bahay nila pati narin sa pag aaral nila ng kanyang nakakabatang kapatid.Pati nga bahay nila mga pirasong lawanet lamang ang dingding na hiningi pa niya sa kapaitbahay nilang nagpapagawa ng bahay pati bobong nila butas butas pa kaya naman pag umuulan tuluang tuluan sa loob ng bahay nila,kung matatawag pa nga bang bahay iyon. At ngayon nga may sakit pa ang kanyang ina kailangan nito ng maintenance na gamot para sa sakit nito sa puso,kaya hindi niya mapigilan ang sariling magalit sa kanyang ama,basta nalang itong umalis at iniwan sila at pagkatapos sumama sa malandi nitong babae kaya naman tuloy ngayon nakaatang sa balikat niya ang responsibilidad na sana ay ito ang gumagawa.

Inabot ng kanyang ina ang baso at isinubo ang gamot na ibinigay niya dito.

"Salamat anak pasensya kana ha alam kong nahihirapan kana ." malungkot na turan ng kanyang ina,45 years old ito pero dahil sa may sakit na nga ito at kulang pa ang sustansiyang nakukuha sa pagkain para na itong 70 years old.

Inakbayan niya ito at pilit na ngumiti."Ano ba kayo ,mama." Kung ano ano yang sinasabi ninyo ,hindi ko kayo papabayaan ni Melvin kasi mahal ko kayo at kahit mahirapan ako basta magkakasama tayo ok lang iyon sakin."aniya na tumingin sa pamutla nitong mukha.

Nakita niya ang pangingilid ng luha nito." Oh wag kayong iiyak ayaw ko ng naiyak kayo,mama."

Mabilis naman nito iyong pinahid at pilit na ngumiti sa kanya."Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng anak na katulad mong mabait."

"Ay mama,hindi lang mabait maganda pa."nakangiting turan niya dito.Totoo naman ang sinabi niya.Maganda siya matangkad at Morena balingkinitan ang kaniyang katawan na laging nakatago sa malalaking damit na suot niya, mahaba ang kanyang Alon -alon na buhok na lagi niyang ipinupuyod at ipinaiilalim sa kanyang sombrero,hindi naman siya tomboy pero mas kumportable siya sa ganung ayos.Namana niya ang kanyang height na 5"5 sa kanyang ina.

"Abay oo naman anak maganda ka magandang maganda."natatawang turan ng kanyang ina.

"Para namang napipilitan lang kayong sabihin yan."nakalabing turan niya.

"Hindi ako napipilitan anak ha,totoong maganda ka at super bait pa kaya napaka swerte ng mapapangasawa mo saiyo."seryoso ang mukhang turan nito sa kanya.

"Anong asawa ang sinasabi nyo,hindi po ako magaasawa hanggat hindi ko kayo naiiahon sa hirap at gusto ko maipagamot kayo sa magaling na doctor para gumaling na kayo "mama".Ayokong nakikitang nahihirapan kayo.

MY SNATCHER GIRL [The Montillano Saga BOOK 4]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon