"Salamat..."

Hindi na ako kumibo ng magpaalam na sya sa akin at Ipapaalam nalang daw nya kay uncle marlon na gusto ko itong makausap.

"Kirsten," Napatingin ako sa taong pinanggalingan ng boses na tumawag sakin.

Kakapasok lang nito dito sa munting silid na inuokupa ko. Malaki kasi ang clinic dito at para na ring hospital. Ang kaibahan nga lang ay limang kwarto lang ang meron dito di katulad sa totoong hospital na maraming kwarto at maraming floor.

"Dark?" Kumunot ang noo ko nang tuluyan na itong lumapit saakin.

"Kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sayo?" Alalang tanong nito.

"Ayos na ako dark," Sinubukan kong umupo sa tulong ni dark. Gusto ko kasi itong makausap ng maayos.

"Sigurado ka?" Tanong pa nito na halata sa boses ang labis na pag aalala.

Tumango ako at matipid na ngumiti "Oo," Hinaplos ko ang pisngi nya " Na saan ka kanina? Bakit wala ka kung kailan kailangan kita." May pagtatampo sa himig ng boses na sabi ko.

Lumambot ang expression nito "I'm sorry." Inabot nito ang dalawang kamay kong humahaplos sa mukha nya saka iyon dinala sa labi nya at marahang hinalikan "Hindi na mauulit. Pangako," Sabi pa nito.

"Totoo?" Paninigurado ko. Gusto kong nasa tabi ko lang sya palagi.

"Oo." Tumango tango sya "Pangako ko 'yan sayo." Seryosong sabi nya.

"Aasahan ko 'yan dark," Sana wag mo na akong biguin dahil masakit ang umasa.

"Tapos na ang oras na binigay ko sayo. Maaari ka nang umalis,"

Sabay kaming napatingin kay uncle marlon na mukhang kapapasok lang. Napaka seryoso ng mukha nito na tila anumang oras ay papatay ng hayop, tao, bampira or whatsoever.

Narinig kong bumuntong hininga si dark kaya bumalik ang atensyon ko rito "Dark?" Bakit sya pinapaalis? At bakit tila ilag ang mga ito sa isa't isa?

"I have to go." Sabi nito saka ako mabilis na hinalikan sa noo.

"Mamaya nalang." Pakiusap ko rito.

"Hindi pwede kirsten." Bakit hindi pwede? "Pero tutuparin ko pa rin ang pangako ko sayo. Okay?"

Napipilitang tumango nalang ako. Kahit ayaw kong mawalay kay dark ay kailangan pa rin.

Nakasunod ang malulungkot kong mga mata kay dark. Ayoko talaga syang umalis. Namimiss ko sya kagad.

"Get ready kirsten. Iuuwi na kita." Napaigtad ako sa muling pagsasalita ni uncle.

"Uncle bat nyo naman po pinaalis si dark?" Tanong ko rito.

"Dahil hindi sya mapagkakatiwalaan kirsten." May bahid ng galit ang boses nito "Ang bampirang 'yun! Sya ang puno't dulo ng lahat ng ito!"

"Uncle?" Anong ibig nyang sabihin? Bakit tila napakalalim ng pinanghuhugutan ng galit nito kay dark? Wala akong maintindihan.

"Kirsten," bumuntong hininga ito "Makinig ka sa 'kin." Mataman nya akong tiningnan "Gusto kong layuan mo ang dark na 'yun."


"No." Mabilis kong pagtutol "Mabait si dark uncle." At isa pa, hindi ko kayang layuan ang lalaking mahal ko. "Hindi ko sya kayang layuan."

"Kirsten!" Pagsigaw nito.

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nya sakin. Mula nang makilala ko sila'y hindi nya pa ako pinagtaasan ng boses, ngayon lang.

Ganito ba sya kadesperado na layuan ko si dark? Kailangan nya pa ba akong sigawan, sundin ko lang ang gusto nya? Pero hindi ko kaya. Hindi ko talaga kayang lumayo kay dark. Isipin ko palang na hindi ko ito makikita ay parang unti unting dinudurog ang puso ko.

"Mar-Doc? Kirsten? Nag aaway ba kayo?" Nakuha ni bea ang atensyon naming dalawa ni uncle.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagbuntong hininga ni uncle marlon at paglambot ng expression ng mukha nya nang tingnan nya si bea.

"Hihintayin kita sa labas." Sabi nito kapagkuwan bago lumabas ng silid.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nitong mga nakaraang araw, nagiging weirdo na ang pamilya ko. Minsan hindi ko na maintindihan ang mga ikinikilos nila. Sigurado akong may inililihim sila sa akin.

"Mukhang mainit ang ulo ni mar-doc ah." Tinitigan ko si bea "Sundan mo na sya sa labas kirsten." Nakangiting sabi nito.

"Bea may itatanong sana ako sayo." Gusto kong malaman kung totoo nga ba ang hinala at nararamdaman ko.


"Ano 'yun?"

Bumuntong hininga muna ako "Kanina ko pa napapansin na iba ang tingin mo kay uncle marlon." Mula nang makilala ko sya ay may hinala na talaga ako na ito ang binabanggit ni uncle marlon na babaeng iniibig "Totoo ba ang iniisip ko na may gusto ka rin sakanya?" Please umamin ka.


Napayuko ito. Doon palang alam ko na kung ano ang sagot nya. Sana lang ay magkaroon ito ng lakas ng loob na umamin.


"He deserves to know bea," Nilapitan ko ito saka hinawakan sa braso "Walang masama kung aamin ka." Sabi ko.

Hindi ko na ito hinintay pang makasagot at agad ko na itong iniwang naguguluhan.

****
HEY! MUSTA? SANA MASIYAHAN KAYO SA UPDATE KO. LOVE YOU DREAMERS :)

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon