The Twenty First Esoteric

Start from the beginning
                                    

"Kailangan talaga ihahatid kita dun?"

"Oo naman girl friend kita"

"Yun na nga eh.. girl friend mo ako at hindi alalay"

"Sige na Love break time mo pa naman" nag papacute na sambit ng binata. Syempre epektib yun sa girl friend nya.

"Tara na nga" nag lakad naman sila ng sabay patungo sa opisina ni Dr. Vidanes. Pag kapasok nila.

"Oh.. Hi.. Karylle samahan mo muna kami dito" nakangiting bungad ng matandang Doctor. Nagkatinginan ang dalawa. Pero naupo sila sa visitors chair.

"Kamusta Vice." Kunot noong bumaling si Vice sa doctor.

"Malamang maayus" pamimilosopo ng binata. Siniko sya ni Karylle.

"Umayus ka" sinamaan nya ng tingin ang kasintahan. "Aalis ako dito kapag hindi ka umayus"

"Oo na" he cleard his throat.

"Vice.. nanaginip ka parin ba ng masama?" Tanong ni Dr. Vidanes.

Panandaliang natahimik ang binata.

"Oo.. pero dalawang beses lang ngayong linggo.." mag kahawak kamay sila nun ni Karylle.

"So She really help you"

"Dad.. kahit noon pa man mas okay kapag andyan sya.. may mga araw lang talaga na minsan hindi ako makatulog dahil sumasagi sa isipan ko ang walang buhay na katawan ni Mama. Tapos yung dugo nya" ipinikit nya ang mata dahil tila ba naalala nya ang pang yayari.

"Anak.. bakit hindi mo balikan ang lugar nayun?"

Napadilat si Vice at napa iling.

"No!!! Yun ang pinaka huling lugar na hinding hindi ko pupuntahan!!!" Sigaw nito.

"Hey.. hey. Hey.. calm down Love"bulong nya sa tenga nito, naramdaman ni Karylle ang panginginig ng katawan ni Vice. Alam nya na any moment maaari itong mag break down.

"Paano gagaling ang Post Traumatic Stress Disorder mo kung hindi mo kayang mag let go, Vice your past will always bothered you.. makinig ka sa akin.. kailangan mong balikan ang lugar kung saan nag umpisa ang lahat" sabi ni Chief Doctor.

"I.. I.. I can't" tears start to fall from his eyes. "It would bring back all my painful memories"

Naaawa naman si Karylle sa nakikita sa binata. Kung paano ito umiyak dahil naalala nito ang nakaraan nya.

"Anak.. nakakulong ka sa nakaraan mo..paano ka gagaling?" Tanong ni Dr. Vidanes.

"I don't know.. basta ang alam ko hindi ko kaya!!" Sigaw nito. "Hindi ko kayang balikan ang mala empyernong lugar na yun  na nag papaalala sa akin kung bakit ako ganito!!" Namumula na ang mga mata nito dahil sa pag iyak nito. Halo halo ang emosyon na nakikita ni Karylle sa binata. Sakit, lungkot at galit. Nanginginig ng sobra ang binata dahil sa mga halo halong seneryo na pumapasok sa utak nya. Napahawak ito sa ulo na parang sumasakit. Pumikit ito ng mariin.

"AHHHHH" Alam ni Karylle na mag b break down na ang binata.

"Doc.. w.. would you mind stopping this?" Niyakap nya noon si Vice na patuloy na lumuluha na parang bata.

"Ayoko na.. ayoko na.. tama na!! Tama na.. ayoko na!!!!"

Tumango lang si Dr. Vidanes.

"You could stay here muna.." tumayo ito at iniwan sila upang bigyan sila ng privacy at pakalmahin na rin si Vice.

"Jose Marie.." tawag ni Karylle. Nakayakap lang noon ang binata sa kanya.

"Nakikita mo ba?!! Nakikita mo ba yung mga sundalo.. pinapatay nila yung mga bata!! Buti na lang nakapag tago ako!.. yung mga babaeng ginagahasa nila!! Ayoko na!!" Alam ni Karylle na wala ito sa sarili dahil sa mga sinasabi nito. Inaatake ito PTSD nito. "Ayoko ng makita ang mga taong paulit ulit na namamatay sa harapan ko!! Saan ako mag tatago!!"

Mr.Doctor DevilWhere stories live. Discover now