sorry nahulog ata ako bes'

116 3 0
                                    

Maraming mga katanungan ang saaki'y bumbagabag ,
Maraming kasagutan pilit dito'y inilalatag.
Nagmamahal ba ako?,aba syempre naman oo.
Pero ang magmahal higit sa pagkakaibigan 'yan ay isang katanungan...

Nagmamahal na nga ba ako?.puso ko ba'y nais ilaan at pagbigyan bulong nito sa aking isipan?
Naguguluhan na ako..oh labis na nalilito.
Sarili'y hindi paring mahanap ,mga pilosopiyang inaral wari'y Hindi sapat.

Nahulog na ba ako sayo? O naghahanap lang ng bubuo sa aking pagkatao?
Hindi ko matanto.
Alam ko maraming espesyal sa mundong Ito,pero laging may higit at paborito.

Sa pag-ibig ba'y ganoon?pag may iniibig ka ba'y sadyang ganun?
Naku! nakakaloko, punong Puno ng misteryo..ang magmahal pala minsan ay nakakalilito.

Punong Puno ako ng pangamba.baka naman kasi ang mahalin ka ng higit ay di ko pa  kaya?
Oo,wala kang alam sa aking nararamdaman .
Pilit Kong itinatatago dahil ayokong tayo'y masaktan.

Ayaw ko maisugal ang ating pagkakaibigan. Madalas patawarin mo rin ako kung Hindi ako tumitingin sa iyong mga mata.o minsan naiilang na Kong hawakan ka. Dahil
Natatakot  na akong mahulog ng sobra.

Ngunit ano man ang mangayari Mahal kita.nakalilito kasi baka higit pa .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now