Fairytale VS Reality

7 0 0
                                        


Noon bata ako naniwala ako na magiging katulad ng sa mga fairytales ang magiging love story ko. Yung tipo na may makikilala ko isang Prinsipe na nakasakay sa puti kabayo at ililigtas ako sa mga bad witches. Yung gigisingin ako ng isang halik sa labi mula sa aking mahibing na pagkakatulog parang sa istorya nila Sleeping Beauty at Snow White. Kaya nga nung unang tumibok ang puso ko sa isang lalaki akala ko isa akong prinsesa nakatira sa malaki palasyo at siya ang prinsipe ko ipagtatanggol ako sa mga bad witches at makakaroon kami ng happily ever after. Pero akala ko lang pala yun. Kasi dahil sa kanya namulat ako sa realidad ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig pala ay hindi tulad ng mga fairytales movies na napapanood ko noon bata ako or mga love story sa telebisyon yung sa huli magkakatuluyan padin ang mga bida artista. Dahil ang realidad pala ng pag-ibig ay ibang-iba. Tayo pala ang gagawa ng sarili natin istorya at hindi lahat ng ito ay my happy ending. Kasi yung akala natin basta mahal niyo ang isa't isa ay pwede mo ng sabihin na may happily ever after nga. Maari siguro sa simula aakalain natin totoo ang fairytales. Kasi andito yung pakiramdam na akala mo nasa ulap ka kapag naiisip mo yung mga araw na kasama mo siya. Kapag kasama mo naman para kayo lang dalawa ang nasa mundo. Yung sandali palang kayo nagkakahiwalay pero daig niyo pa ang mga nasa makabilang mundo relasyon sa sobra pagka-miss sa isa't isa.Yung sobra ka ng nag-aalala kapag lumipas lang kahit ilang minuto na hindi siya nakasagot sa mga mensahe/tawag mo. Kung magsabihan kayo kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa akala mo wala ng bukas pa. Mga pangarap na binubuo niyo na ng magkasama. Diba ang sarap mainlove kapag ganyan. Yung tipo sasabihin mo nalang sa sarili mo na meron nga happily ever after. Pero hindi naman lahat ng relasyon ay sapat lang na mahal niyo ang is't isa at puro saya lang nararamdaman. Dahil sa isang relasyon madami pagsubok na kailangan niyo lagpasan. Kasi andyan yung dadating kayo sa point na may mga away dahil sa hindi pagkakaunawaan katulad ng pag-seselos, pagdududa, kawalan ng oras at kung ano ano pa possible pa na dahilan. Kaya madalas ito ang nagiging dahilan kung bakit ang masaya, puno ng pangarap, pagmamahal at matamis na pagsasama ng relasyon niyo ay nauuwi sa isang malungkot, masakit, malamig at pagkasira. Dahil hindi rin naman lahat kaya ang lumaban para sa isang relasyon. Kaya nga kung may natutunan ako sa realidad ng pag-ibig hindi lahat katulad ng mga fairytales or lovestory sa telebisyon. Hindi lahat ng makikilala mo at mamahalin mo ay matatawag mo ng Prinsipe mo. Hindi lahat kaya ka ipaglaban sa mga bad witches dahil ang iba dumadating lang sayo para bigyan ka ng aral, at humugin ka para sa tamang panahon. Kaya nga dapat hanggang kasama mo ang taong nagpapatibok ng puso mo iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sayo para kung dumating man sa punto na hindi siya ang nilaan sayo na makasama hanggang sa huli masasabi mo padin sa sarili mo na nagmahal ka ng totoo at wala ka pinagsisihan. Kasi sa buhay pag-ibig ikaw mismo ang gumagawa ng istorya mo. Kung saan ikaw mismo ang makakaranas ng mga aral ng pag-ibig. Kaya nga kung may isang bagay lang na parehas ang mga fairytales or love story movies at ang reality ito yung aral na makukuha mo sa istorya. Yung aral kung saan kailangan mo matutunan para sa tamang oras, panahon at tao ay magkaroon ka ng happily ever after.  

Random Thoughts!Where stories live. Discover now