Chapter 1

4 0 0
                                        

"Mama may katabi po ba kayo?",tanong ni Irish sa binatang nakaupo.Pauwi si Irish sa Isabela para magbakasyon.Actually tumakas lang siya dahil ayaw siyang payagan ng daddy niya.Masyadong pasaway si Irish.Matigas ang ulo, lahat ng gusto kailangan masunod.Kahit ayaw ng daddy niya ginagawa pa rin niya.Hindi naman talaga lumaki si Irish na ganun.Noong bata pa siya masunurin siya.Sundalo ang tatay niya, walang trabaho ang nanay niya.Galing sila sa lahi ng mga Igorot sa Mt. Province pero nung madestino ang tatay niya sa Isabela doon na sila nagpatayo ng bahay nila.Tatlo silang magkakapatid.Si Franz ang kuya niya,siya at si Dan ang bunso.Bata pa lang si Irish kakikitaan mo na ng tapang.Siya parati ang tagapagtanggol ng mga kapatid niya pag may nang aaway sa mga ito lalo na sa kuya niya na madalas tuksuhin kasi malamya kumilos.
"Bakla,bakla,bakla!",alaska ng mga bata
"Hoy tantanan niyo kapatid ko!",sigaw ni Irish sabay dampot ng bato at pinukol ang mga bata.Madalas mangyari ang ganoong eksena kaya hinangaan ng mga tao sa kanila si Irish dahil sa sobrang pagmamahal nito sa mga kapatid kahit bata pa.Nagbago ang lahat ng mapagpasiyahan ng magulang nila na mangibang bansa ang nanay nila dahil kulang ang kinikita ng tatay nilang sundalo.Ayaw ni Irish na umalis ang nanay niya.Lumaki siyang never nahiwalay sa ina kaya ang pag alis nito naging napakahirap para matanggap niya.Ang araw ng pag alis ng nanay niya ang araw na ayaw niyang maalala.Iyon ang araw na bumago sa buhay at pagkatao ni Irish.Hindi niya pinigilan ang mama niya.Hindi siya umiyak akala ng lahat tanggap niya pero ang hindi nila alam iyong araw na iyon sa pag alis ng mama niya kasama nitong umalis ang maalalahanin,masipag,maasahan at mabait na Irish.
Kinailangan nilang lumipat ng Baguio dahil nadestino ang daddy niya sa PMA.Sa Fort del Pilar na siya nag aral ng high school.Sa umpisa okay pa ang lahat dahil bagong salta walang kakilala kaya wala pang barkada pero sa pag daan ng mga araw habang maraming nakikilala si Irish natututo na siyang makipagbarkada.Madalas puro kalahi niya lang ang nga nagiging kaibigan niya.Hindi niya kasi masakyan ang trip ng ibang lahi.Uminom,manigarilyo at madalas night out.Lahat ng klase ng pagdedesiplina tinanggap niya sa amang sundalo.Binubugbog siya, nilolockan pag gabing gabi na umuwi.Hindi binibigyan ng baon pero lahat ng iyon parang walang epekto kay Irish.Sige pa rin siya kasi pakiramdam niya mas masaya siya pag kasama ng barkada, sa barkada lagi siyang may kausap laging may umaalala sa kanya sa bahay nila wala.Kahit maysakit siya walang pakialam ang mga kapatid at tatay niya.Kaya kahit anong gawin ng tatay niya tuloy pa rin siya dahil doon niya nararamdaman ang salitang kaligayahan o saya.Magmula ng umalis ang mama niya never ng sumaya ang bahay nila.Nagkanya kanya na sila ng buhay.Isa lang ang hindi niya pinabayaan kahit sobrang rebelde siya gusto pa rin niyang magtapos sa pag aaral kaya nakatapos siya ng high school at ngayoy kakaenrol niya sa college.Information Technology ang course niya.Ayaw ng tatay niya dahil daw sa "love bug" bumagsak ang computer works mag nursing na lang daw siya pero katulad ng dati ayaw niyang sumunod sa tatay niya.
Summer noon gusto niyang magbakasyon sa probinsiya nila pero ayaw ng tatay niya dahil alam nitong magwawala lang siya doon, mapapahiya ito sigurado pero tumakas si Irish papuntang Isabela.Sa Victory Liner niya piniling sumakay.
"Titingnan mo lang ba ako kuya?",nakangiti si Irish
"Ah sorry oo mag isa ko lang",sagot ni Bryan.
Si Bryan ang panganay sa dalawang magkapatid.Contractor ang tatay niya at may sarili silang hardware shop sa Cordon Isabela.Mama niya ang nagmamanage.High school pa lang ang kapatid niya.Bisaya sila pero sa Davao galing ang pamilya nila nagkaroon lang ng malakihang proyekto ang tatay niya sa Quirino kaya napilitan silang lumipat sa Cordon.Hirap silang makisalamuha sa mga tao dahil nga sa lenggwahe nila madalas silang tuksuhin kaya nasanay na ang magkapatid na Bryan at Jonas na sila na lamang ang magkasama at magkaibigan.Mababait silang mga bata.Laging nagtutulungan kaya walang kaprobleproblema ang mga magulang nila sa kanila.Full support parati ang parents nila sa kanila sa lahat ng bagay.Minsan nagkagusto si Bryan sa isang kaklase niya.
"May sasabihin ako sayong sikreto Jonas",si Bryan isang hapon na hinihintay nila ang sundo nila.
"Ano yun kuya?"
"May type akong babae,ang ganda niya,siya ang pinakamaganda sa klase"
"Anong pangalan niya?"
"Rose",ngingiti ngiti ito
"Kuya?",nag aalangangang sabi ni Jonas.Ito ang unang pagkakataon nagkagusto ang kuya niya kaya alam niya hindi pa man malalim na ang paghanga nito.Hindi niya alam pero alangan siya sa babaeng tinukoy ng kuya niya.Kilala ang babaeng iyon sa school nila.Maganda,sikat sa school crush ng bayan kumbaga.Pero kilala rin itong mapaglaro.Maraming naging bf.Ayaw niya ito para sa kuya niya pero wala naman siyang magagawa kundi suportahan na lang ito.Dasal na lang niya na sana huwag itong masaktan.
Isang hapon masayang masayang umuwi si Bryan."Saya mo kuya ah!Nanalo ka sa lotto?",
"Ulol",nagtawanan ang magkapatid
"Tama na yan halina kayo't kumain na"
Dumulog ang magkapatid sa mesa.
"Kuya kwento ka naman!",si Jonas
Ngumiti si Bryan."Kami na ni Rose!"
"Ha ang bilis naman!"
"Oo nga e kahit ako hindi ako makapaniwala,kanina habang kumakain ako sa canteen bigla siyang lumapit tapos hinalikan ako sabay sabing kami na daw"
"Grabe naman hindi kaya pinaglalaruan ka lang nun Kuya!"
Tumalikod si Bryan."Ah basta kami na at masaya ako sige na tulog na tayo"
Tiningnan ni Jonas ang kapatid
"Sana nga mali ang kutob ko",bulong ni Jonas sa sarili.
Halos hindi nakatulog si Bryan sa kaiisip kay Rose.Kinaumagahan sinadya niyang hintayin sa gate si Rose para kasabay sa pagpasok.
"Rose",sigaw ni Bryan habang sinasabayan ito sa paglalakad."Ako na ang magdadala ng bag mo!"
Tiningnan ito ng dalaga at tinaasan ng kilay."Leave me alone!".Iyon lang at mabilis ng iniwan ng dalaga ang binata.
"Kuya!" Nasa likod lang pala niya ang kapatid.
"Okay lang ako bro",iyon lang at iniwan na niya ang kapatid.Magmula noon iniwasan na ni Bryan ang magkagusto sa babaeng katulad ni Rose.Hangang kinailangan na niyang mag aral sa lungsod dahil mas maganda ang kalidad ng edukasyon.Pinili niya ang Baguio kasi malamig doon at matagal na niyang gustong tumira dun wala lang paraan pero ngayong kolehiyo na siya pwede na.Nakahanap naman siya ng apartment niya sa bandang Trancoville.Sem break kaya kinailangan niyang umuwi sa Cordon para makatulong sa Mommy niya.Sumakay siya ng Victory Liner pauwi.

'Til my love will End"Stories to obsess over. Discover now