Chapter 14- PAGTATAPAT

Magsimula sa umpisa
                                    

Nung nakita ko siyang papalapit, di ko alam mararamdaman ko. I managed to force out a smile. Kase maguusap na kami. I can clear it out to him na aalis na nga kami. Magsosorry narin ako at magpapaalam. Those thoughts are making me cry.

I tried to supress it pero nung inakap na niya ako. Wala na. The freaking dam just broke. And I cried a waterfall.

"Wag ka nang umiyak. Alam ko mali yung nireact ko. Mahirap lang tanggapin na aalis ka ulit. Tapos isasama mo pa yung mga rason kung bakit ka umuuwi dito. Eh ano nalang ang magiging rason mo pa para umuwi dito? Pero di ko parin kayang magalit sayo. Kase desisyon mo yan eh. Ano ba ako sa buhay mo diba? Ewan ko nga kung pwede nakong malabelan as kaibigan eh. Basta sorry kung napakainsensitive ko."


DJ's POV

"Ikaw." Yun lang sinabi niya. Tumigil na siya sa pagiyak. Tapos humiwalay narin siya sa pagkakaakap sakin.

"Sorry. Kung aalis nanaman ako. Kung di na matutupad yung promise. Kung maghihiwalay tayo ng mas matagal. Kung nagtago ako, kami ng gantong balita. Kung nasaktan ka man sa akala naming tama. Pero ikaw, sa tingin mo ba hindi ka dahilan para umuwi parin ako? Sa totoo lang kaya nga namin tinago ito kasi ayokong masaktan kayo. Pero nagplano na kaming umuwi ng sembreak kasi alam naming mamimiss niyo kami at alam naming ganun din kami sainyo. Sorry talaga Daniel."

Tas umiyak ulit siya. Di ko na alam gagawin.

I'm at a loss for words. Ganun pala ako kaimportante sakanya. Ganito pala yung feeling pag pinaramdam ng taong mahal mo kung gaano ka kaimportante sakanya.

Siguro nga eto na yung right time.

"Kath, importante ba ako sayo?" I asked.

She smiled. "Ofcourse! Bestfrienemy kita e!"

Ofcourse! Bestfrienemy kita e!

Ofcourse! Bestfrienemy kita e!

Ofcourse! Bestfrienemy kita e!

 Ofcourse! Bestfrienemy kita e!

Masakit.

"Importante lang ako sayo kasi kaibigan mo ako?"

Umayos siya ng upo.

"O-oo naman. Diba friends naman tayo?" Tumingin siya sakib pero agad din naman lumihis.

"Oo" Ewan ko ba, yan na lang yung nasabi ko.

"Kath, mahal mo ba ako?" Diretsahang tanong ko. Muli siyang napatingin sakin at kagaya kanina bigla rin siya umiwas.

"Oo naman! Diba nga kaibigan kita."



Third-Person POV

Hinawakan ni DJ yung kamay ni Kath at pinaharap sakanya...

"Kath hanggang kaibigan lang ba?" Tanong nito

"D-Dj, ano ba pinagsasabi mo?" Pinipilit niyang tanggalin yung kamay niya sa pagkakahawak ni DJ pero dahil malakas ito hindi niya magawa.

"Kathryn mahal kita. Hindi lang dahil kaibigan kita, hindi lang dahil ikaw ang favorite kong pagtripan. Mahal kita dahil hindi ko alam, basta nagising na lang ako isang araw mahal na kita. Yung tipong kada may text message akong narereceive pangalan mo ang gusto ko laging makitang lumabas, nadidisappoint ako pag hindi ikaw yun...namimiss kita kahit isang minuto pa lang tayo nagkahiwalay...Kath mahal kita. More than friends..."

If we Fall in Love: Barkada na nga lang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon