Chapter 13- Galit

Start from the beginning
                                    

Oo, kanina pa andiyan yang mga yan. Mga ungas nga e. Nung tinanong ko kung anong ginagawa nila dun ang sinabi binabatayan tong tatlong to' tapos nung sinabi ko bakit hindi na lang nila lapitan ayaw daw nila kasi galit daw sila dito sa magpipinsan.


Oh diba? Kung di ka ba naman mainis. Tapos ako pa inutusan na lumapit sakanila, kausapin ko daw tas pagbatiin ko daw sila.

Mga isip bata e. -.-


Umiling sila DJ nung sinenyasan kong lumapit.


Ako talaga niloloko nitong mga to e. Gusto makipagbati ayaw naman lumapit. Ako na nga tong gumagawa ng paraan e.


"Ayaw talaga nila ipasabi. Baka magaway lang din kami ng mga yun.." Jusme,nagiging sinungaling ako dahil sa mga to' e


"Khalil naman e...."


"Gusto ko man sabihin pero ayaw talaga nila. Antayin niyo na lang. Baka magbago isip at puntahan kayo dito. Tsaka wag niyo ng tawagan si DJ, lowbat na yung phone.. Si Quen wag niyo na itext sayang load niyo di magrereply yun dahil wala ng load. Si Francis wag niyo na rin subukang tawagan at itext. wala na rin load yun at lowbat na rin.... Sige, uwi muna ako. Magiimpake na rin ako."



Bago pa sila makapagreact ay agad na ako tumakbo papunta sa tinatambayan nila Enrique.



"Ano na?" Bungad ni Francis.


"Anong ano na? Leche kayo, gusto niyo makipag ayos sakanila pero ayaw niyo namang kausapin? Pano kayo makakapagbati niyan?"


"E baka kasi galit sila magmuka lang kaming tanga dun" Quen



"Talagang galit sila! Gusto nga nila kayo makausap, pero tinataguan niyo daw sila. Mga siraulo daw kayo."



"Sinabi nila yun?!" Sigaw na pabulong ni DJ.



"Bobs, malamang hindi. Sa tingin niyo ba pagsasalitaan kayo nung mga yun ng ganun? Utak naman mga tol!" Bilis talaga mauto nitong mga to'



"E galit ba talaga sila samin?" Francis



Napahilamos ako sa mukha ko. "Hindi sila galit, ang alam nga nila kayo ang galit sakanila. Kaya nga gusto nila kayo makausap e, kasi gusto nila magsorry. "



"So ang iniisip namin ay iisa?" Quen.

Tumango ako

"Anak nga naman ng Meant to be o-oh!!" Francis.

"Khalil brad, promise last na to. Gawa ka ng paraan para makapagusap kami."


Napabuntong hiniga nanaman ako. Anak sila ng mga nanay at tatay nila! Lechugas!!


"Ano bang klaseng paguusap ang gusto niyo? Yung sama-sama o by partner?" Hindi naman na ako makakatanggi e. Pareparehas ko lang sila kaibigan at gusto ko magkabati bati na sila.....Ako kaya naiipit! Ako napapagod sa mga kalokohan nila e.

"Yung by partner!" Sabay sabay nilang sabi.



"Oge. Francis dito na kayo magusap, kayo naman Quen dun sa kabilang side then DJ dun na lang kayo magusap sa tambayan niyo.".



"E pano mo kami mapaguusap?" Tanong ni DJ.


Napahawak ako sa baba ko, pano nga ba?



Sakto naman dumaan sila Shayna. Yung Athenas... Kilala ko sila kasi girlfriend nung kaibigan kong si Logan itong si Shayna.


"Uy! Shaynaa!" Sigaw ko kaya napatigil siya sa paglalakad e ang kaso nasa likod niya ying dalawa niyang kaibigan tapos parehas nakayuko pa maglakad kaya naumpog sila kay Shayna....ay tanga XD



"Araaay!" Pareparehas nilang reklamo.



"Di kase kayo tumitingin sa daan e!" Angal ni Shayna.


"E bakit ka ba kasi bigla biglang tumitigil? Wala man lang pasabi?" Pagtataray naman ni Sheena.



"Ano yun kada tigil ko sasabihin ko 'o guys titigil ako. Lumayo kayo, 1km ang layo baka mauntog kayo.' Ganun? Tska eto kasing si Khalil tinatawag ako e."



"Aba dinamay pa ako! O teka nga, papatulong sana ako. "



"Anu ba yun?" Tanong ni Danielle habang nag hehead bang. Likas na baliw. Tsktsk.


"Paghiwalayin niyo nga yung tatlong magpipinsan na yun" Turo ko kila Julia. "Si Julia, papuntahin niyo dun sa kabilang side, si Ella naman dito tapos si Kath. Hayaan niyo nang amagin dun" Binatukan ako ni DJ. "Loko lang! Hayaan niyo na siya dun. Si DJ na bahala sakanya."



"Yun lang?" Tanong ulet ni Danielle.


"Yup. Wala kayong sasabihin sakanila ha. Basta dalhin niyo lang sila sa designated na pwesto nila. "


"Ge!"


Tapos nilapitan na nila. Nagyakapan pa nga sila. Tch, girls -.-


Nung napaghiwalay hiwalay na nila yung magpipinsan, agad naman dumiskarte yung mga kaibigan ko.




Hahayaan ko na sila. Magiimpake na ako dahil babalik na rin ako ng Australia bukas, ang masaklap nga lang hindi ko kasabay ng flight sila Ella bukas. Loner ako sa eroplano bukas for sure.

---------------

Until Chapter 14 lang to' after 14 EPIClogue na XD

VOMMENT!!




If we Fall in Love: Barkada na nga lang ba?Where stories live. Discover now