Chapter I
I was in college when I met you, MY FOREVER NA HINDI MEANT TO BE. I was only eighteen years old then. A very close friend of mine included us both in her Cotillion de Honour and Discotillion, na siyang usong- uso nung kapanahunan natin. Si Jaydee ang debutante. Oktubre na noon at nakatakda na siyang maging full- pledged lady that month. Ewan ko ba kung bakit kahit kaliwa pareho mga paa ko eh isinali niya pa rin ako. Friendship rules, I guess. Or maybe, destiny dictated para makilala kita.
That time, I was single. But yes, I've had my share of pain from being betrayed by my young love in high school. Pasaway kasi ako sabi ng friends ko. Nasa junior high school ako when Jaydee told me that a friend of hers is interested in me. Wow ha! Well in short, I agreed to meet the guy thru Jaydee. Ka- batch namin siya. Si Babs, ang tuta kong pag- ibig.
I remembered having to hide behind my friends after class simply because Babs was waiting outside. And hindi ko siya type, so I really had to be Pong Pagong kapag tapos na ang klase. Pero matiyaga si Babs. Dinaan ako sa sobrang pagka- thoughtful. Every morning, darating ako sa classroom with a scented stationery on my chair. Alam na. Love letter. Everyday. Walang palya. Hangga pumayag na ako na maihatid niya pauwi at maligawan. Hindi ko na siya pinagtaguan uli. He was sweet and really thoughtful, at napaka- gentleman. Kapag field trip namin, sasalubungin na lang ako ng classmates ko para iabot ang mga favorite chichas ko that time, ano pa nga ba kundi V- Cut, Piattos, and chocolates. 'Yan din ang trendy noon, noong di pa uso si Pringles. Naman! Siempre galing kay Babs! Kaya pagdeliver sa kin ng classmates ko, eh with matching tukso pa. Nakakablush kaya! And siempre ang trademark ni Babs, kasama ng goodies ang love letter na nakasulat sa mamahalin at mabangong stationery! Wapak! Ang sweet niya talaga, no questions asked!
Sinagot ko si Babs after a few months, and we had fun. Masaya, enjoy, sweet! Kasama siya lagi sa mga outings ng barkada. Wala kami problema until I introduced him to my bestfriend then, si Lyka. Mapustura si Lyka kahit high school pa lang kami. Palaayos, unlike me na simple lang. Makapagsuklay lang sa umaga, okay na. Konting pulbos, larga na. Di ako sobrang conscious sa hitsura ko. Alam ko kasi na pinanganak akong sadyang maganda. Hahahhaha! Walang kokontra dahil story ito ng buhay kabataan ko, okay!
Well, in short, the relationship lasted for less than a year yata. Nagkagusto si high school boyfie kay BFF and ang ending, nakipagbreak na ako and friendship with BFF ended as well. Di naman naging sila (sa pagkakaalam ko) but then the friendship died na din talaga with the puppy love. So ang drama ng magandang lola ninyo, mega bike with another dear friend and classmate, si Mary, papunta sa bahay ni EX to return all the memorabilias ekek. And that ended my chapter with Babs.
