[15] WOMEN AROUND HIM

Start from the beginning
                                    

Nilingon siya ni Debbie. Unti-unti itong lumayo sa pagkakatabi kay Blake at naasiwang ngumiti. "H-Hi Alex!"

"Alex, what are you doing here? Hindi mo sinabing pupunta ka dito," ani Blake.

Ngumiti si Alex at tumabi sa boyfriend. "Gusto lang kitang i-surprise kasi meron akong magandang balita!"

Tumayo si Debbie bago pa man sumagot si Blake. "Iwanan ko na muna kayong dalawa," sabay tingin niya sa lalaki. "Mamaya na lang natin pag-aralan ang mga videos na yan."

"Huwag ka ng umalis andali lang naman ako," pigil ni Alex..

"A-Are you sure? Hindi ba ako makakaistorbo sa inyong dalawa?"

"Bakit ka naman makakaistorbo? Saka sa palagay ko importante ring marinig mo ang sasabihin ko," masayang sagot ni Alex na noon ay parang nakalimutan na ang nabungarang eksena pagdating.

Nag-aalangang bumalik si Debbie sa kinauupuan habang tinatantiya ang distansya ng pagkakaupo niya sa tabi ni Blake.

Napangiti si Blake. Humalukipkip at nagdekuwatro. "Sige nga. What is that very important news para bisitahin ako sa opisina ng mahal kong girlfriend," titig niya.

"Gusto ko lang sabihin na nakausap ko na si Sophia at pumayag na siyang maging model niyo," nagmamalaking wika niya.

Di agad umimik ang dalawang kaharap. Hindi alam kung seseryosuhin ba ang narinig o hindi.

"You're joking, right? Our whole team provided her with the best and most comfortable contract but she still turned us down. So how did you convince her by youself in a such a short period of time ?" tatawa-tawa at hirap maniwalang sabi ni Blake.

Biglang tumunog ang cellphone ni Debbie at nagpasintabi muna ito sa dalawang kasama bago sagutin ang tawag. Habang nakikinig sa kausap sa telepono, bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Mabilis na pinutol nito ang tawag at agad na napatingin kay Blake.

"It's from the Marketing Department," nagmamadaling sabi nito.

"What about them?"

"They received a call from Sophia's manager and he said they are accepting the job," napapanganga at hindi makapaniwalang wika ng babae.

Parehong natahimik si Blake at Debbie. Sabay na napatinging ang mga ito kay Alex na noon ay komportableng nakasandal sa couch, nakataas ang isang kilay at taas-noong nakahalukipkip habang naghihintay sa sasabihin ng mga kausap.

"Sabi ko sa inyo eh!" nagmamalaking wika ni Alex. Seryosong tumingin sa kanya si Blake. Napalunok siya sa pag-aakalang baka nagdududa na naman ito sa mga pinagagawa niya. Unti-unting umayos siya ng upo nang may maamong mukha. Hinawakan siya ni Blake sa magkabilaang braso.

"I smell something fishy..." anito. "Anong ginawa mo para mapapayag si Sophia?"

"K-Kinausap ko..." kinakabahang sagot niya habang napapaatras ng bahagya.

"You're not that close para mapapayag mo siya agad. Tell me, tinutukan mo ba siya ng baril?" seryosong-seryosong sabi ni Blake sa kanya.

"Hindi ah!"

"Pinagbantaan mo ba siya?"

Umiling ulit siya ngunit panaka-naka niyang iniiwas ang mga mata mula sa nagdududang mga titig ng lalaki.

"Ginulpi mo ba ang manager niya?"

"Hindi! Bakit ko naman gagawin yan?!" tatawa-tawa ngunit nininerbyos na sagot niya.

Tumahimik si Blake. Hinaplos siya sa pisngi.

"B-Blake..."

"Kung anuman ang paraang ginawa mo..." sabay dahan-dahan itong ngumiti nang malaki. "I don't care! Thank you wifey!" Madiing hinalikan siya nito sa mga labi at niyakap ng mahigpit. "You're the best, I love you!"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Where stories live. Discover now