1. ANG MGA KARAKTER

6.1K 288 42
                                    

Salamat kay StarAddict ;) Sorry di nagamit yung picture mo, an dami palang achuchu mg watty eh. Pero salamat pa din.

Kita niyo yang picture, isipin niyo ang mararamdaman ni Pier pag nakita niya yan, tapos ganito pa ang sound effect, try nyo ;)------>

Enjoy ;)

EllenaLeiram <3

♦♦♦♦

Chapter 1: Dugo Ba Kamo?

Unti-unting naglakad palapit kay Pier ang babaeng may mahabang buhok na tumatakip sa mukha nito. Nakasuot ito ng mahabang bestidang puti na may mahabang manggas at lagpas tuhod ang laylayan. Pasuray suray ang paglalakad nito palapit sa kanya.

Hindi siya naniniwala sa multo at higit sa lahat, hindi siya matatakutin. Galing siya sa  matatapang na angkan ng mga Alpha kung kaya'y hindi siya basta bastang masisindak. Ngunit dahil sa madilim ang classroom at ang tanging liwanag lang ay mula sa bilog na buwan, nakakadagdag iyon sa nararamdaman niyang kaba at takot.

Ulol ka Pier!

Minura niya ang sarili dahil sa pagiging batugan. Kung umuwi sana siya ng maaga at hindi umidlip, malamang ay di siya naabutan ng gabi sa skwelahan.

Sinubukan niyang tumayo mula sa pagkakadapa. Ngunit mas lalong kumirot ang kanang paa niya dahil sa pagkatapilok kanina. Kung bakit ba kasi siya nagulat at sinubukang tumakbo ng nagising siya sa haplos ng malalamig na kamay. Kaya ngayon ay nakataob siya sa sahig ng classroom at di makabangon dahil sa iniindang sakit.

Napakatahimik ng gabi. Maliban sa dagundong ng tibok ng kanyang puso, ang tanging naririnig niya ay ang mga mababagal na yabag ng babaeng pasuray-suray at ang paulit ulit nitong sinasabi gamit ang paos at nakakapanindig balahibong boses.

"Dugooooo.... dugoooo.... gusto ko ng dugo....."

Kung kaya lang niya, tatakbo siya. Ngunit kung wala siyang choice, makikipagsuntukan nalang siya sa babaeng multo o bampira na to.

Pero wala siyang laban.

Nasa tagiliran na niya ang babae at lumuhod ito. Gamit ang isang kamay, hinaplos nito ang mga pisngi niya.Mas lalong siyang  natulos at hindi makagalaw.

Kasing lamig ng kamatayan ang kamay ng babae. Sinubukan niyang aninagin ang mukha nito ngunit natatabunan iyon ng itim at mahabang buhok.

'Kamatayan ko na.'

Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Pier sa isip niya.

Hindi siya relihiyosong tao, pero kung mamatay man siya ngayon, mamatay siyang nagdarasal. Sinimulan niyang bigkasin ang Our Father habang nakapikit ng mariin ang mga mata niya.

"Our father in heaven....."

Nagpatuloy siya sa pagdarasal habang patuloy din na inuusal ng babae ang...

"Dugoooo... gusto ko ng dugo.."

Gayunpaman,  hindi iyun ininda ni Pier.

"Give us this day our daily bread... our daily bread... our daily...."

Nyeta! Nakalimutan niya ang sunod dahil sa pagkataranta.

Sinubukan niyang hindi makinig sa malamig na boses ng multo. At dahil hindi niya maalala ang sunod na linya ng dasal, dumeretso nalang siya sa dulo nito.

"Do not lead us into temptation but deliver us from--"

Napatigil siya ng maramdaman niya ang hininga ng babae sa tenga niya at bumulong ito gamit ang nakakatakot at paos na boses.

"Dugo... dinuguan at putooo...."

Pagkatapos, may narinig siyang malakas na tunog mula sa white lady.

Natigilan si Pier at tinanong ang sarili:

Teka----

may multo bang kumakalam ba ang sikmura?

♦♦♦♦

Ang Pag-ibig Ay Isang Horror Story (PUBLISHED UNDER BOOKWARE)Where stories live. Discover now