"Ito na yun, Ito na talaga yun." Paulit ulit na mga salitang Nasa loob ng utak ko ng mga oras na yun. Habang nakatingin ako sa salamin pinagmamasdan ang walang tigil na pagtulo ng aking mga luha.
"Bakit pa kasi kailangang mangyari to? Bakit samin pa?" Parang sasabog na ko sa mga nararamdaman ko ng biglang may narinig akong katok sa pinto.
"Maria,anak? Tapos ka na bang maghanda? Pwede ba akong pumasok?" Sabi ni papa.
(Ako naman nagmamadaling punasan ang mga luha ko sabay bukas ng pinto)
"Opo naman pa. Di mo na nga po kailangan pang kumatok e parang di ka naman nasanay pa." (Sabay fake ng smile.)
"Ayun nga yung masakit anak e yung kinakailangan Ko ng masanay ng wala ka, ng walang magbubukas dito tuwing kakatok ako, walang mangungulit sakin at yung laging magtatawag sakin ng "papa" . (sabay patak ng luha niya)
"Ayan na naman si papa. Diba napagusapan na po natin ito?" Sabi ko habang pinipigil ko ang pagdaloy ng luha saking mga Mata.
"Halika nga dito prinsesa ko."
(Sabay yakap ng mahigpit sakin sabay na kaming naiyak)
"Pasensya ka na talaga anak, kung ikaw pa ang kailangan magsakripisyo para sa atin. Simula ng nawala ang mommy mo. I'm sorry anak." Patuloy ni papa.
"Sssshhhh. Wag ka ng magalala pa. Pipilitin ko magpakabait at makatapos para maging okay na lahat ng problema natin." Pag aalis ko ng lungkot niya.
"Hindi ka papabayaan ni klein montecarlo anak. Matagal ko na siyang kumpare at nakapagusap na kami na aalagaan ka niya at papaaralin. Osiya Dalian mo na nandyan na yata yung kotseng ipinadala niya ng makaalis ka na" Dagdag pa ni papa ng may mapansin siyang itim na kotseng huminto sa tapat ng bahay namin.
Nagmadali na kong kunin ang mga gamit ko.Inihatid na rin ako ni papa sa labas. Niyakap ko siya ng sobrang higpit,iniwan ng isang halik sa noo sabay pasok sa kotse at tuluyan ng nagpaalam.
