Tatak

11 0 0
                                        

'Tatak'


     May isang babaeng nag ngangalang Eliza.

Masagana ang kanilang buhay. O sa madaling salita mayaman.

Malaking tahanan, magagarang sasakyan, mamahaling alas, magagandang damit at masasarap na pagkain. Ang lahat ng iyan ay biyaya sakanila ng may kapal. Ayon sakanyang asawa na si Ramon.

Ngunit hindi sya sangayon sa paniniwalang iyon ng kanyang asawa. Naniniwala sya na ang lahat ng kanilang kayamanan ay nang dahil sa pag susumikap nila mag trabaho.

Ni minsan ay hindi sya nag dasal at nag pasalamat sa panginoon. Kung bakit? Kasi hindi sya naniniwala dito.

"Napaka swerte natin Elise. May malulusog at mababait tayong anak, at napaka yaman natin. Napaka buti saatin ng panginoon. Ang lahat ng ating karangyaan ay dapat nating ipagpasalamat sakanya. "

Sabi sakanya ng kanyang asawa habang sila ay nag papahinga.

Napa kunot nuo naman sya.

'Bakit ko naman kailangan mag pasalamat sa diyos na yan? Sya ba ang nag hirap mag trabaho para kumita ang kompanya? Tss. Kalokohan.'

Sambit nya sakanyang isip.
Hindi nya nalang ito pinansin at nag tulog nalang ng mahimbing.

Kinabukasan ay nag ganda sya para sa pupuntahan nyang party kasama ang amiga nyang si Magda.

Kasalukuyan naman nag hahanda ang kanyang mga anak at asawa para sa pupuntahan nilang bible study.

Ilang oras nalang ay aalis na sya ng mag salita ang kanyang asawa.

"Alam mo ba Elise, natutunan ko na araw ng pag huhumkom ay dadating ang mga masasamang loob at pipilitin ka nilang makisanib sakanila gamit ang pag tata-tak sayo ng numerong '666' ng sapilitan. Wag na wag kang mag papatatak nun kung hindi?Mapupunta ka sa porgatoryo. "

Nagulat at kinabahan si Elise sa sinambit ni Ramon. Pero agad nya din iyon inalis sakanyang isip at umalis.

Hating gabi na nang maka uwi si Elise saka nilang tahanan. Pagod at lasing ito kaya naman agad syang nahiga sa sofa at duon nakatulog ng isang oras.

12:54

Agad naman nagising ang kanyang diwa dahil sa pag kalam ng kanyang sikmura.

Binuksan nya ang T.V, nag babaka sakaling may mapanuod syang nakakalibang. Ngunit agad sya nainis dahil puro balita ang kanyang nakikita, kahit saang numero ay puro balita at maski isang balita ay walang pumukaw ng kanyang pansin kaya naman agad nya na din itong pinatay.

*ding* *dong*

Agad naman syang nagulat nang marining ang kanilang doorbell.

'Anong oras na ah?' Agad nyang naisip.

Pumunta sya sa bintana at duon sumilip.

Nakita nya ang limang lalaking mga naka itim. Halata sakanilang itsura na hindi sila mabubuting tao kaya naman napag desisyonan nyang wag itong pagbuksan at matulog nalang.

Ngunit kumatok ito ng kumatok. Ani mo'y gusto ng sirain ang pinto.

Agad sumilay sakanyang dibdib ang takot. Ang pangamba.

Umakyat sya sa taas nang kanilang bahay. Wala ang kanyang mga anak at asawa.

'Kailangan kong maka alis dito' Bulong nito sa sarili.

Agad syang lumabas sa likod ng kanilang bahay nilisan ang kanilang tahanan.

Wala syang dalang kahit na ano bukod sa kanyang sarili. Hindi nya alam kung saan pupunta.

Lumipas ang ilang araw, wala syang ginagawa kung hindi tumakbo at mag tago sa mga lalaking naka itim na humahabol sakanya.

Hinang hina na sya at gutom na gutom nang may nakita syang mga naka pila na tao.

Lahat sila ay binibigyan ng pagkain, inumin, at kung ano ano pa. Libre ito. Hindi na kailangan ng pera. Ngunit kailangan mong mag pa tatak ng tatlong sais.

Dahil sa gutom at pagod, wala sa sariling pumila sya dito.

Sya na ang susunod ng maalala nya ang sinabi sakanya ng kanyang asawa.

"Alam mo ba Elise, natutunan ko na araw ng pag huhumkom ay dadating ang mga masasamang loob at pipilitin ka nilang makisanib sakanila gamit ang pag tata-tak sayo ng numerong '666' ng sapilitan. Wag na wag kang mag papatatak nun kung hindi?Mapupunta ka sa porgatoryo."

Agad nyang naramdaman ang kaba at takot. Kasabay nun ang pag alis nya sa pila.

Agad syang tumakbo at nilisan ang lugar.

Hinang hina syang nag lalakad sa gitna nang kalsada ng may nakita syang pulang kotse. Agad syang tumakbo papalayo pero agad din natigilan nang tawagin sya ng pamilyar na boses.

"Elise!"

Agad syang lumingon at napa ngiti.

"Magda!"

Sumilay agad ang saya at pag asa sa kanyang muka ng makita ang kanyang kaibigan. Naka taas ng mga braso, animong hinihintay syang lumapit at yakapin ito.

Ngunit hindi pa sya nakaka gawa ng hakbang nang makita ang pulso ng kaibigan.

'666'

Agad syang tumalikod at tatakbo na sana ng makita ang mga lalaking matagal nya ng tinatakbuhan na papalit sakanya.

Napapa gitnaan sya ng mga masasamang loob.

Pinag papawisan sya. Natatakot, kinakabahan at nangangamba.

'Hindi. Ayokong matatakan ng numeron iyon! Ayokong mapunta sa porgatoryo. '

Sa gilid nya ay isang tulay. At sa baba naman ng tulay ay mga nag lalakihang bato.

'Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa matatakan!'

Sambit nya sa sakanyang isip. Agad syang tumakbo at walang pag da-dalawang isip na tumalon.

Bago pa sya mamatay ay nanalangin sya sa diyos. Sa ka una unahang pag kakataon.

END

TatakWhere stories live. Discover now