Synopsis

6 0 0
                                        

Nakaranas na ba kayo makapunta sa ABANDONED AMUSEMENT PARK lalo na sa ABANDONED FERRIS WHEEL.

Hindi ba nakakatakot na pumunta dun?!

Sabi kasi ng mga kapitbahay namin marami daw namatay sa Amusement park na yun!

Grabe! Nakakatakot naman kaya pag umuuwi ako ng bahay galing school ay iniiwasan ko yun.

Kaso di ko maiwasan na makarinig ng mga...

UMIIYAK NA BATA at MAY KUMAKANTA NA BABAE lalo NA MAY NAPAPANSIN AKONG KUMAWAY SA AKIN

PERO MAS NAKAKATAKOT YUNG MAY MGA YAPAK NG PAA NA SUMUSUNOD SA AKIN!

Kaya nung isang gabi ay di na ako dumadaan dun,di ko kinaya ang mga napapansin ko dun..

Pero nakakainis itong mga barkada ko bigla ba naman naisipan na mag ghost hunting kami sa ABANDONED AMUSEMENT PARK, eh kung sila na lang kaya kaso dare game namin ito at bawal kami umatras sa dare game na pinapagawa sa amin or sa akin.

Nga pala ako si Veanca dela Rhia taga Tondo ako pero lumipat kami ni mom sa probinsya nila dahil hiwalay na sila ni dad, mga 2 years na kami nakatira dito sa probinsya ni mom. Kaya alam na namin ang mga chismis tungkol sa Haunted Ferris Wheel.

At sabi ni Ms. A ikwento ko raw ang naging karanasan ng barkada namin sa Haunted Ferris Wheel na yun. Kaya simula ngayon ay mababasa nyo or mapapakinggan nyo ang aming kababalaghan na kwento sa Haunted Ferris Wheel.

Goodluck reading my story! And enjoy reading it! Wag masyado makampante na sabi-sabi lang ito dahil TRUE STORY ITO!

Warning! BAWAL KOPYAHIN ANG STORY NA ITO DAHIL TOTOONG STORY ITO! THANKS!

Haunted Ferris WheelStories to obsess over. Discover now