Chapter 59: Jealousy

1.3K 48 0
                                    

Kaye's POV

"Class I have an announcement!" sabi ng guro namin pagkapasok nya ng room.

May klase na ulit kami at napag-usapan na namin na pagkatapos na lang ng klase dadalawin si Hurry.

Alam na din ng mga teachers ang kalagayan ni Hurry ngayon kaya baka hindi na makapagpatuloy sa pag-aaral si Hurry dahil malala na nga ito.

Yung iba naman naming classmates tuwang tuwa. "Mawawalan kayo ng pasok simula bukas hanggang friday!"

"WUUUHHHHHOOOOO!" sigawan ng classmates ko

Yung iba naman kinakalampag yung desk nila. "Ma'am pano yung school fair natin sa valentines?" tanong ng classmate ko

Ilang days na nga lang pala valentines na ang bilis lang talaga ng araw.

"Imo-move natin ang school fair pero matutuloy yun!" sabi ni ma'am at umalis na ng room.

Pagkaalis ni ma'am may pumasok na babae. Teka pano nakapasok ang isang outsider dito?

"OH MY GOD!! BRICZ I MISS YOU!" agad na bungad nung babae pagkakita nya kay Micz at niyakap ito.

[N/A: Remember Michael Bricz ang real name ni Micz. Hahah siguro naguguluhan kayo kung bakit Micz, pagcombine nyo lang po yung Michael at Bricz XD]

Aba't! Teka sino ba tong mukang lintang toh? kung makayakap naman kay Micz -___- Err. YUNG SALIVA MONG LINTA KA!!

At eto namang malanding toh sarap na sarap sa yakap ng mukang lintang toh!

Hello! Eto po yung girlfriend mo Micz kung makipagladian ka sa harap ko wagas huh!

"Opps! May nagseselos!" bulong sakin ni Yasha

"TUMIGIL KA!!" sabi ko sabay walkout Lumabas ako ng room at dumaretso sa garden.

Bute pa hangin dito nakakaRELAX ehh yung nakikita ko dun nakakasakit ng MATA >___<

Umupo ako sa damuhan at pinagbubunot ko yung damo.

"Ang kapal ng muka mong makipagladian sa harap ko!!! Nakakainis ka!!" sabi ko habang pinagbubunot yung damo

"Nakakainis ka! Napakalandi mong lalaki ka urgh!!" mas lalo pa akong nanggigil sa damo

"Hindi ka ba naawa sa damo?" Napatigil ako sa pagbubunot dahil may nagsalita.

Huh? Tumingin ako sa harap ko, wala! Sa kaliwa, wala pa din! Sa kanan, wala pa din.

Anla! Nagsasalita yung damo?
"Haha! Uy! Andito ako sa likod mo!"

Ay! Weyengya nasa likod ko lang pala. Teka sino ba tong lalaking feeling close na toh?

"Tsk! Lumayo ka nga sakin baka masapak lang kita!" Imbis na umalis sya tumabi sya sakin.

"Nakakaintindi ka ba ng tagalog? Lumayas ka na hangga't hindi pa ako napupuno sayo!"

Ngumiti naman sya sakin at umiling lang. "Nang-aasar ka ba? Sarap mong upakan ahh!" Lalo syang tumitig sakin at ngumiti.

Hindi ko na lang sya pinansin at baka mabugbog ko tong lalaking toh -___-
Teka kilala ko na tong lalaking toh, sya yung lalaking pinakang pogi sa section B.

Tsk! Ano kayang kailangan ng isang toh?
"Alam mo maganda ka sana ehh!" bigla naman sya naagsalita

Maganda naman talaga ako ahh, may pasana sana pang nalalaman tong gagong toh! "Kaya lang nakasimangot ka!" ahh yun naman pala ihh may kadugtong pa haha XD

Bigla nyang nilapit yung muka nya sa muka ko.
T-teka anung gagawin ng isang toh? Bigla kong naramdaman yung kamay nya sa pisngi ko.
Gago toh ahh! Balak pa atang nakawan ako ng halik.
Gusto ko mang gumalaw pero ayaw gumalaw ng kawatan ko, bwiset na katawan toh!
Patay ka na ba? XD Bigla syang ngumiti.

"Ayan nakangiti ka na! Wag ka ng sisimangot ha!" sabi nya at lumayo na ulit sakin.

Alam nyo yung ginawa nya? Ini-form lang naman nya yung labi ko na nakangiti at inayos nya yung noo kong nakabusangot.
Haha ako lang pala tong si ASSUMING wahahahaha :D

"Ahehe t-thanks!"

"Teka bat ka ba badtrip? Nakakaawa na yung damo kanina alam mo yun?"

"Ahh wala, ano! ano! ano nga bang dahilan?" pagmamaang maangan ko

Ayokong sabihin na dahil nagseselos ako noh! Baka tawanan ako neto.

"Ahh malilimutin ka pala! Eto panyo punasan mo yung kamay mo andumi kasi gawa ng damo!" tapos inabot nya yung panyo nya.

Kinuha ko naman yun at pinunasan yung kamay ko. "Salamat!"

"Hoy bakla tara na sa next class, magcucutting ka na namang bakla ka!" may tumawag sa kanya mula sa malayo.

"Gago bakla bagang!" sigaw nya

"Ahh sige next time na lang ulit tawag na ako ng mga gago kong kaibigan ihh!" paalam nya Tumakbo na agad sya.

"Tek----------" hindi ko na nagawang tawagin pa sya dahil nawala na agad sya

Aish! Nakalimutan ko pang isauli yung panyo nya. Ano kayang name nya? Teka next class na pala.

Dali dali akong tumakbo at mabuti na lang wala pa yung teacher namin.

"Uy girl san ka galing ha? Kanina ka pa hinahanap ni Micz ahh!" sabi sakin ni Yasha

"NANLALAKE!" mabilis na sagot ko

Sakto namang dumating si Ma'am at nagklase na.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt