[14] GIRLFRIENDS CONSPIRACY

Magsimula sa umpisa
                                    

"But why would he offer a ride to a woman he only met once or twice? It might be nothing to you but it might be something for him." Umalis ito sa pagkakayakap niya at tumungo sa closet upang magpalit ng damit.

Sinundan niya ang boyfriend at sinabayan ito sa pagbibihis. "Blake, ano ba yang iniisip mo? Girlfriend niya ang isang napakagandang Sophia Vasquez. Sa tingin mo ba magkakainteres siya sa isang ordinaryong babaeng katulad ko?" ngingiti-ngiting wika niya habang kumukuha ng isusuot na pajama.

Natigilan si Blake at tumingin ng seryoso sa kanya. "Who said you're ordinary? And what makes you think that Sophia is prettier and better than you?"

Nawalan siya ng isasagot. "Ah-eh....sa palagay ko lang, y-yung ganda naman depende sa mga mata ng tumitingin di ba?" napapakamot sa ulong sabi niya.

"Stop underestimating yourself. Nakalimutan mo na bang Sophia was one of the women I gave up because of you. So what I see in you are not impossible to be seen by other guys too and that doesn't exempt Tyron," madiing wika nito.

Iningusan niya ang boyfriend nang hindi na ito nakatingin sa kanya. "Sigurado ka bang ipinagpalit mo si Sophia sa akin? Baka naman si Marianne ang tinutukoy mo at hindi ako," mahina ngunit dinig pa ring pagkakasabi niya.

Napatingin ulit sa kanya si Blake. Muli siya nitong binigyan ng matatapang na mga titig. "Don't bring back the past."

"Tinatama ko lang ang sinabi mo. Saka sino ba ang nag-umpisang kalkalin ang past na yan?" nakasimangot na sagot niya.

Hindi sumagot si Blake ngunit nakatingin pa rin ito ng masama sa kanya. Agad niyang itinikom ang bibig nang mapagtantong ginagatungan niya ang galit ng lalaki. "Nagpapaliwanag lang naman ako. Sino ba namang matinong lalaki ang magpapakita ng motibo sa babaeng kaibigan ng girlfriend niya? Hindi naman siguro ako mukhang uto-uto sa mga mata ni Tyron kaya huwag na nating bigyan ng malisya ang ginawa niya. Huwag na nating pag-awayan to pleaseee," malambing na amo niya sabay kapit sa braso nito at isinubsob ang mukha sa kili-kili.

Nadala ang lalaki sa lambing. Unti-unting umamo ang mukha nito. "I'm not fighting with you. I'm only expressing my disappointment. Alam mo namang umpisa pa lang ay ayoko nang nakikipagclose ka basta-basta na lang sa mga lalaki ."

Nag-angat siya ng mukha. "Huh? Parang may mali sa sinabi mo, baka nakakalimutan mong halos buong oras ko sa trabaho ay napapalibutan ako ng mga lalaki. Huwag mong sabihing hindi ka pa rin sanay diyan."

"I mean men outside your work, especially Tyron."

"B-Bakit naman specific talaga si Tyron?"

"Because I hate his father. Director Garcia has huge desire to replace grandpa in his position. He's one of those people who want to see me fail para ipamukha sa board na hindi pa ako handa para manahin ang posisyon ni Lolo. There's no way that he could steal the chairman's seat from my family!" madiing sagot ni Blake at sabay tingin diretso sa mga mata niya. "That's why don't get closer to his son because somehow I feel that his whole family want to steal anything that belongs to me."

Napakurap siya at saglit na napanganga. Noon niya lang narinig na may ganoong kinakaharap na problema ang nobyo. Kumunot ang noo niya. Pwede ba yun? Aangkinin ng iba ang hindi naman sa kanila? Bumitaw sa kanya ang lalaki at naglakad patungong banyo. Sinundan niya pa rin ito.

"Pero siguro naman okay lang kung maging malapit ulit ako kay Sophia. Wala namang kaming masamang pinagsamahan nun, di ba nga mas boto pa nga ako sa kanya kaysa kay Marianne noon," pilit na pagtuloy niya sa pinag-uusapan.

Tumigil sa paglalakad si Blake at binigyan ulit siya nang matatapang na mga tingin. "I told you not to dig the past."

Tinakpan niya ng kamay ang bibig. "S-Sorry nakalimutan ko... Gusto ko lang naman itanong kung pwede akong regular na makipagkita kay Sophia," mahinang sabi niya.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon