Part 1

37 3 2
                                        

Hello ako si Ann Rey, nag aaral ako sa isang eskwelahan na pag mamay ari ng grandparents ko, na si lolo Tony "Atorny" Rey at lola Athena Tiño - Rey. May nag iisa silang anak na lalake si Reven Tiño - Rey, siya ang aking papa halos pinamana na sakanya lahat ng ari arian nila lolo at lola. Ang aking mahal na ina naman ay si Anie Ocampo - Rey, principal sa school namin, at kuya ko naman si Kevin Rey, basketball player/star player ng team ng school + heartthrob pa siya sa school. 


Chapter 1 - Friendship

Isang araw, gumising ako ng maaga dahil sasama ako sa basketball training ng kuya ko. Gusto ko kasing makita siya kung pano mag laro at mag papalibre rin ako sakanya. Naligo at nag ayos na ako sa sarili ko, pag ka baba ko sa kusina ay nakita kong kumakain sila mama at papa. "Ma! asan si kuya?", tanong ko. "Ay anak na una na ang iyong kuya sa school kasi napaaga raw ang practice nila, kumain ka muna bago ka umalis.", sabi ni mama. Minadali ko na lang ang pag kain ko ng breakfast para makahabol ako sa basketball practice nila kuya. Nag toothbrush at nag pabango muna ako bago sumakay sa kotse at nag paalam na ako kila mama at papa na mag papahatid na ako ng kotse sa driver namin na si Mang Jun. Naka alis na ang sasakyan, habang nasa daan kami ay tumawag ang boy bestfriend ko na si Jacob Vallentes, ka teammate ni kuya sa basketball. "Baby Girl! nag uumpisa na ang training asan ka na ba?". "Ay oo andito na papasok na ng gate ng school, sige na bye!",sabi ko. Nang maka pasok na ng gate ang kotse, ay pumarada ito sa harap ng gym kung saan ay naririnig ko ang mga tilian at sigawan ng mga taga suporta nila kuya. Pumasok ako sa gym at nag lakad papunta malapit sa bench nila kuya at umupo na para manuod. Habang nanunuod ako ay nakita kong papalapit sakin ang dating girl friend ni kuya na si Abi Reyes. "Oh? sweetie, are you enjoying the game? hahaha I miss you so much.", sabi niya sabay yakap sakin. Napangiti nalang ako at umupo, nakita ko ring kinalabit ni kuya si ate Abi. "Abi ano bang sinabi ko sayo? stay away from my sister! baka mahawaan mo pa ng kasamaan yan eh!", sabi ni Kuya Kevin. Tiningnan ni ate Abi si kuya ng masama atsaka nag lakad papalayo. Nakita ko namang palapit sakin si Jacob, niyakap namin isa't isa dahil matagal tagal narin kaming hindi nag kita. "Kamusta kana? haha baby girl padin kita", sabi ni Jacob. "Ito okay lang, mukha ba akong naka wheelchair kung di ako okay?? haha", sabi ko. Habang break or time out nila ay nag kukwentuhan kami kung ano yung mga nangyari nung hindi kami nag kikita. "May tune up kayo? ay sige ichecheer kita Jacobiaaaaa!!! galingan mo", sabi ko. Tinawag na sila ng coach nila para simulan ang game. Simula sa umpisa hanggang matapos ang game ay pinanuod ko sila, at sa huli ang team ng school ang nanalo, nag congrats ako sa kapatid ko. "Men!!! congrats sa inyo." . "Tuloy ba tayo pre sa bahay niyo?", tanong ni Jacob. "Oo naman pre, tara na uwi na tayo." , sabi ni Kuya Kevin. Nang pa uwi na kami ay may babaeng lumapit kila kuya para mag pa picture, na si Keshna Villueva malanding babae na may boy friend na pero habol parin ng habol kay kuya Kevin. "Pwedeng pa picture?? oy Ann picturan mo kami dalian mo." , sabi ni Keshna. Kinuha ko ang phone at pinicturan ko sila, dinamihan ko narin ng shots para di na mag pa pic ulit sa susunod. Sumakay na kami sa kotse, ako sa unahan at sa likod naman sila kuya Kevin at Jacob. Habang nasa daan kami ay may nadaanan kaming coffee shop, naalala ko na mag papalibre ako kay kuya, inutusan ko muna si mang Jun na mag parking sa tabi. "Oh? bakit tayo huminto?" , tanong ni kuya. "Eh panalo naman kayo kuya? libre mo naman kami oh?" , sabi ko. "Ay pre ako nalang manlilibre, sabagay miss na miss ko narin tong baby girl ko, mang Jun idrive thru mo sa Coffee shop." , sabi ni Jacob. Dinrive ni mang Jun ang kotse sa coffee shop, at umorder na kami ng mga drinks and food. Pag katapos naming makuha ang orders ay dumeretso na kami sa bahay. Nang dumating na kami nila kuya sa bahay, ay nakita naming nag babasa ng magazine si papa sa garden, kaya bago pa man kami pumasok sa loob para mag pahinga ay nag mano muna kami kay papa. "Pa! si Jacob po pala, mag iisleep over po siya rito sa atin." , sabi ni kuya Kevin. "Ay oo sige, mag pahinga na kayo sa loob at alam kong pagod din kayo sa practice, lalo na ang bunso haha." , sabi ni Papa. Pumasok na kami sa loob, si kuya ay dumeretso na sakanyang room, habang ako naman ay hinatid ko muna si Jacob sa guest room para dun makapag pahinga. "Mauna na ako Jacob ha, pahinga ka na diyan." , sabi ko. Sinarado ko ang pintuan at dumeretso na ako sa kwarto ko. Nag bihis ako ng pambahay at humiga sa kama, chineck ko muna ang time, 10:30am atsaka ako natulog. 

1pm, kakagising ko lang di ko narinig yung alarm, pag ka baba ko ay kumakain sila lolo at lola sa dinning room. Pumunta ako sakanila para mag mano at sumabay kumain sakanila. "Ija? bakit di ka sumama sa kuya mo at kay Jacob?" , tanong ni Lolo Tony. "Natulog po kasi, at puro lalaki din." , sabi ko kahit medyo naiinis. Nag kwentuhan kami habang kumakain. Ilang sandali pa ay may dumating na kotse sa labas ng pintuan ng bahay. Pumasok ang guard namin na si kuya Karl. "Ma'am and sir andiyan na po pala si Sir Marcus Dy." . "Oh sige sige papasukin mo na siya", sabi ni Lolo Tony. Pumasok at nag mano kila lola at lolo ang bisita nila. Tumayo ako sa kinatatayuan ko. "La at Lo una na po pala ako may gagawin pa po kasi ako eh?" , paalam ko. "You can stay here for a while? we'll just talk about the business" , sabi ni Marcus. "Hehe sorry? I said I have things to do, may I excuse my self sir??" , sabi ko. Umakyat at pumasok na ako sa kwarto ko ng pa dabog. "Sorry ijo medyo masama kasi yung gising ng apo ko, di kasi siya sinama ng kuya niya" , dipensa ng mag asawa. "It's okay lang po, even she's suplada pa po, she's still cute for me, so let's talk about our business here" , sabi ni Marcus. Habang nag uusap sila sa baba, ako naman ay busy mag status sa sobrang pag ka badtrip ko, "ENGLISH PA, KALA MO CLOSE TAYO!"

Habang busy ako sa account ko ay kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Hello miss beautiful, your grand parents let me go here, can I come? I just want to say something." , sabi ni Marcus. Di ko na siya pinatapos mag salita, "I don't need you here, okay? Just go home now!", taray ko sakanya. Sinarado na niya ang pintuan at nag paalam na kila lola at lolo para umalis. At nung naka alis na siya ay bumaba na ako para mag meryenda. "Ija? mabait na bata si Marcus galing sa maayos na pamilya, alam kong magugustuhan mo rin siya", sabi ng lola ko. "Lola, ayaw ko muna po, kung mag kaibigan po okay lang po pero para maging kami? ayaw ko po", sabi ko. "Tama nga naman apo natin, sige ipag patuloy mo yan ija", sabi ng lolo ko. Niyakap ko sila bago sila umalis at mag paalam. Dumeretso naman ako sa kusina para mag paluto sa aming cook na si aling Brenda, tinawag ko ang aming cook para mag paluto ng meryenda. "Ma'am ano po yun?", sabi ni aling Brenda. "Paluto po ako ng Fries at Tomato soup" , paki dala nalang po sa garden, sabi ko. Pumunta ako sa garden para mag pahangin, ilang oras lang ay dumating na ang kotse at nag parking sa garahe. Lumapit at umupo sa harapan ko si Jacob. "Uy? bebee girl wag kana tampo, biglaan lang yung lakad namin ng kuya mo, ay alam ko na para di ka na malungkot", sabi ni Jacob. Nilabas niya yung box na nakalagay sa paper bag, at pagka bukas ko ay sobrang saya ko. "OMG! is this true? Make up set? Jacob?? thank you", sabi ko sabay yakap ko sakanya. "Hehe sabi kasi ng kuya mo, gusto mo niyan eh naka sale naman so binili ko nalang din, kahit medyo mahal" , sabi ni Jacob. Habang nag kukwentuhan kami ay dumating na ang meryendang pina luto ko at naki sabay naring kumain si Jacob sakin.




More than Friends, BUT... Less than Lovers Part 1Stories to obsess over. Discover now