#ILoveyouGoodbye?

Bắt đầu từ đầu
                                    

"tumayo kana jan.. kaya mo yan.. wag kang susuko. pag subok nyo lang to... remember ??? diba sabi nyo.. walang susuko ??? nag promise kayo sa isa't isa diba ??" saad ni gretch.. yumuko ako... oo nag promise kami.. pero sapat na ba yun ?? "kung mahal nyo ang isa't isa.. dapat walang susuko sa inyo.. laban pa jov ! laban pa ! kaya nyo yan ! go lang.." dagdag pa ni gretchen..

"nasabi ko na lahat.. pero walang nagawa.. ano pang ipaglalaban ko ??? ang sakit sakit na.. :(( narinig nyo naman ang sabi ni tita diba ?? kahit anong gagawin ko.. ilalayo na niya si alyssa... bukas na bukas, wala na siya sa paningin ko.. :(( alam nyo namang siya lang ang nakikita ko.. :(( wala na... WALA na ! :((" saad ko pa.. natahimik naman silang lahat... tama naman ako eh.. :(( wala na.. :((

naramdaman kong tinulungan nila akong tumayo.. pinaupo nila ako sa sofa at pina inom ng tubig...

"pahinga ka muna jov.. magiging okay rin ang lahat.." saad ni fille.. dahil narin sa kakaiyak.. inantok ako.. kaya humiga nalang ako sa sofa.. para matulog.. baka sakaling panaginip lang ang lahat.

Fille's POV

"pahinga ka muna jov.. magiging okay rin ang lahat.." saad ko sa kanya.. tas humiga na siya sa may sofa para matulog.. siguro inantok na siya sa kakaiyak...

first time kong nakakita ng lalaking ganito umiyak.. kahit si tec di ko pa nakitang umiyak ng ganito... iba kasi si jovee.. umiyak siya ng sobra.. alam naman nating di lahat ng lalaki umiiyak.. pero si jovee.. sobra pa sa babae kung maka iyak.. ang iba nga.. nagpapakalasing.. iba siya.. 

sobrang nalulungkot talaga siya sa nangyayari ngayon.. masakit sa kanyang mawalay siya kay alyssa.. mahal na mahal niya eh.. 

nasa kusina ang iba.. kaya pinuntahan ko.. kumakain kasi sila eh..

"haayy.. nakaka awa si kuya jovee.. :((" saad ni marge..

"oo nga.. :(( parang malapit na siyang sumuko.." saad pa ni jhoana.. oo nga.. parang.. pero kailangan niyang lumaban.. pero pano ??

"guys.. kailangan gumawa tayo ng paraan para di matuloy ang plano ni tita.." saad ni robi...

"pano ??? lumuhod na si jovee kanina.. pero wala parin.. sobra na nga yung iyak ni jovee kanina.. pero wala parin.." saad naman ni ate chel..

"ate rad.. wala na bang pag asa ??" mangiyak ngiyak na tanong ni ana.. pati ang mga rookies umiiyak na... kahit di nila alam ang history ng dalawa.. ramdam nila yung pagmamahal ng dalawa.. kaya sila din ay naapektuhan.. :((

"i dont know.. they need our help right now.. pero di natin alam kung ano ang dapat nating gawin.." saad pa ni ate rachel.. tapos aalis na din kami this week.. tsk tsk.. bakit ba to nangyayari ???

haayy.. di ko na kaya.. alangan namang dito lang ako.. tas walang gagawin diba ???? kelangan kong makausap si tita.. alam kong ilang usapan na to.. pero kailangan kong makiusap pa.. di ako susuko..

tinulungan ako ni alyssa kay tec noon.. ngayon siya naman ang tutulungan ko.. mas mahirap man ngayon.. pero malaki ang utang na loob ko kay alyssa..

kinuha ko yung jacket ko...

"bhe.. san ka ??" tanong ni tec..

"alangan namang tatayo lang ako dito ??? maghihintay ng pasko ?? syempre gagawa ng paraan para sa kanila.. ang laki kaya ng utang na loob natin kay alyssa..." saad ko pa.. habang nag mamadali sa pag ayos ng sarili ko..

"sasama kami !" saad ni ate chel, gretchen, robi, and tec..

"ha ?? sige sige.." saad ko pa..

I'm yours (Alyssa Valdez and Jovee Avila)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ