Chapter 2

6.5K 119 0
                                    

Alyssa's POV

"Kief, wag kang magulo sabi eh. Tatapusin ko lang muna toh, promise" I argued again.

They just went back galing US nung isang araw. At O.A na kung O.A naiyak talaga ako nung kami nalang dalawa nun, eh sa namiss ko talaga ng sobra.

At ngayon nasa condo ko siya nangungulit lumabas. Gusto ko namang matapos muna tong ginagawa ko bago gumalagala para wala nakong iisipin.

"Eh kanina pa yan eh. Sige na babe please." Nagpout pa talaga habang nakayakap sakin.

"Konti nalang promise. 10 minutes nalang to." Sabi ko ulit.

"Fine. But only ten minutes. Pag ten minutes na dapat tumayo kana dito at magready na" sabi niya tapos sumiksik lang sakin lalo.

Ang clingy masyado, jusko. Pero syempre okay lang. He can cling all he want as long as sakin lang. Hahaha.

After 10 minutes natapos ko na yung ginagawa ko. I shut my laptop already pero itong isa hindi parin gumagalaw sa pagkakayakap niya sakin.

"Babe, akala ko ba gusto mong lumabas? Tabi ka na, magreready nako." Sabi ko sa kanya.

"I dont know na eh. Parang gusto nalang ata kita masolo." He chuckled tapos kiniss ako. Hay nako.

"Ewan ko sayo." Sabi ko tapos tumayo na.

Tinawan lang ako. Walanghiya.

Nagshower nako tapos nagbihis pagkatapos. Pagkabalik ko sa sala naabutan ko siyang nagscascan nung magazine sa ibabaw ng table, nakasimangot.

"What's with the long face?" Tanong ko at tinabihan siya, kinuha ko na rin yung shoes ko para makaalis na kami agad.

"Nakakainis din tong si Alfred nato ha" he said.

Nagtaka naman ako kung bakit nung una pero nagets ko na nung nakita ko yung magazine na tinitingnan niya.
Yun yung magazine na nakafeature kaming dalawa ni Alfred last month.

"Why babe?" Tinanong ko siya. Alam ko namang nagseselos to.

"Alam naman niyang may boyfriend ka na, tapos grabe makatabi sayo" he said habang nakasalubong yung dalawang kilay niya.

"Tapos eto pa, kung single ka daw he's gonna try to ask you out. Walanghiya upakan ko siya eh." he said again. And he still continue his rants about it.

I wanted to laugh because of him right now pero pinigilan ko nalang yung sarili ko kasi baka mapikon, ang sungit pa naman nito. Instead, napasmile nalang ako at hindi nagsalita.

"At ano namang nginingiti ngiti mo?" Sabi niya nung nakatingin na siya sakin.

"Tapos ka na pong magselos?" I asked still smiling.

"Mang-aasar ka lang, ganun?" He said sarcastically. Hindi pa talaga sinagot yung tanong ko.

Natawa nalang talaga ako which cause him to frown even more. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. Pumayat talaga siya galing US, grabe talaga siguro yung training niya doon, in a good way naman syempre. Mas naging masculine siya ngayon, yung arms niya tapos nakuhaan ng laman yung tiyan niya naging abs nga daw, yabang noh? He looks good overall.

"I love you po" sabi ko nalang. Hindi nato magsusungit pustahan tayo.

He sighed.
"I love you too. Pero iniiba mo na naman babe eh. Basta pagsabihan mo yung Alfred na yun na wag na wag siyang magkakamaling dumamoves sayo kundi lagot na talaga siya sakin." Sabi nito then kissed my forehead.

I look at him naman then pinanggigilan yung mukha niya.

"Opo, seloso mo masyado babe."sabi ko habang pisil pisil yung pisngi niya.

Unto The Next (What Comes Around Goes Around Sequel) [KiefLy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon