one

71.7K 1.1K 87
                                    

One: The Virgin Ears

Not bad.

Yun ang unang pumasok sa isipan ko nang makita ang buong kwarto. It was a studio type fully-furnished room. Nasa bungad ang mini-kitchen na may refrigerator na rin tapos katapat nito ang en-suite. Nasa dulo naman ang kama at medyo malaki ito, kasya siguro ang dalawang tao. Sa gilid nito, nakaattach sa dingding ang bookshelves. Malapit lang dito ang study table na may salamin. Katapat naman nito ang cabinet na kasunod ang isang velvet na couch. May flat screen TV din.

Mas malaki pa rin ang kwarto ko sa probinsya compared dito, pero ito na ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa paglilibot namin ni Mama ngayong araw. At pinakamahal din.

At isa pa, there's something about this room that makes me want to stay.

Weird, I know pero ewan ko ba.

"What do you think of this place, CN?" narinig kong tanong ni Mama na ngayon ay pinagmamasdan din ang buong kwarto.

"Um... compared po sa mga nakita natin kanina, this is way better."

Tumango siya. "Right. At isa pa, isang sakay na lang from your school. So are we going to take this one?"

Without second thoughts, I nodded. "Yes Ma."

Tuwang-tuwa naman yung lease agent sa narinig. Sinamahan niya kami sa office sa lobby para maclose na ang arrangement.

"Ito na po yung susi ng room 713. Anytime po pwede na kayong lumipat," sabi nung agent sa akin habang inaabot yung susi. Kinuha ko naman ito mula sa kanya. Katatapos lang ng pirmahan, nakapagbayad na rin kami in advance for my five months rent.

"Mamayang gabi siguro kami babalik, aayusin pa namin ang mga gamit niya," si Mama ang sumagot.

"Okay po," sagot nung agent.

Matapos makapagpaalam sa agent, pumunta na kami ni Mama sa kotse at nagdrive pabalik sa bahay nina Tita Lanie kung saan kami pansamantalang tumutuloy. It was a good one-and-a-half hour drive from this place.

Habang nasa byahe, hindi ko mapigil ang saya. Finally, matatawag ko na ang sarili kong independent. Mararanasan ko na yung freedom na matagal ko ng gustong malasap. I was now far from my uber strict grandparents. Hindi ko na maririnig ang araw-araw nilang pangaral—what to do's and what not's—na kabisado ko na dahil paulit-ulit lang.

Since I was in elementary, sila na ang nag-alaga sa akin. My father died when I was five because of an accident. At dahil dun, kailangang mag-abroad ni Mama for my future. At yun, nagdecide siyang iwan ang nag-iisa niyang anak sa mga in-laws niya.

Bata pa lang ako, namuhay na ako sa rules. Bawal pumunta doon, bawal gawin yan. So it was safe to say, wala akong normal na childhood. Hindi ko nasubukang maglaro ng patintero o tagu-taguan sa labas. Hindi ko nasubukang masugatan dahil nadapa sa larong habulan o mahulog sa bike. Ako yung batang meron ngang magarang doll house at magandang barbie pero wala namang kalaro.

Bahay, school, church. Dyan lang umikot ang mundo ko. At dahil nga walang magawa, inubos ko na lang ang oras sa pagbabasa which made me get good grades. Sobrang good na ako ang pangalawa sa klase. At doon nag-ugat ang panibagong problema. My grandparents expected me to excel. They said I should be like my father who didn't settle of being the second best.

After that, mas lalo pa akong nagsikap sa pag-aaral which led me being the top one and really made them happy. At consistent yun till I graduated in high school. Actually, they already planned my college life for me. Doon ako sa university sa Baguio mag-aaral. At sa rest house namin doon ako titira, of course kasama sila. They even planned what course I am going to take. Medicine, just like my father.

Pero di nila alam, nakapagdecide na ako. Sa Manila ako mag-aaral at kukunin ko yung course na gusto ko. It was really hard telling them that, especially kay Lola. Pinamukha niya lahat nang nagawa nila para sa akin. Kung paano nila ako pinalaki at yung simpleng favor lang daw nila ay di ko mapagbigyan.

But my decision was final. For once, gusto ko namang gawin ang mga bagay na gusto ko at di dahil gusto kong maplease ang ibang tao. Gladly, my mother was on my back at nagpromise siyang di na babalik ng US at babawi sa thirteen years niyang pagkawalay sa'kin.

And now, that I'd be living on my own, away from my grandparents and all, I was really hoping I'd find that peace and quiet I've been searching for a long time.

-=-=-=-=-=-

Past nine na nang makabalik kami ni Mama sa Montereal Place dala ang mga damit ko, ilang appliances at mga gadgets.

"Ma, are you sure ayaw mo dito na lang matulog? Gabi na. Bukas ka na lang magbiyahe," sabi ko kay Mama na ngayon ay sinusuot na ang sapatos niya.

"I'm fine CN at isa pa, para masanay ka na ring matulog mag-isa. Kung alam ko lang, pinaghehele ka pa ng Lola mo para makatulog ka."

Inikutan ko siya ng mata. "Not funny, Ma."

Tumawa lang siya. "Sige na mauna na ako. Ineexpect ni Tita Lanie mo na uuwi ako ngayon. Call me if there's a problem okay? And be sure to lock your door always," bilin niya tapos lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. "Good night, CN."

"Night Ma. Ingat sa pagdrive."

Ngumiti lang siya tapos lumabas na ng pinto. Nang makita kong nakasakay na siya ng elevator, sinara ko na ang pintuan at nilock ito. Napatingin ulit ako sa kabuuan ng kwarto. A smile formed on my lips.

I was on my own now and it was for real!

Tumakbo ako papalapit ng kama at pabagsak na humiga dito. And this was freedom. Pinikit ko ang mga mata at inenjoy ang malambot na kama. Hanggang sa di ko namalayan, unti-unti na 'kong nakatulog.

-=-=-=-=-=-

"Ohhh..."

Bigla akong naalimpungatan sa narinig na tunog. Unti-unti kong binuksan ang mga mata. Ano ba yun?

"Ohhh..."

At yun na naman. Ano ba talaga yun? At anong oras na ba? Inextend ko ang kaliwang kamay at hinagilap sa kama ang phone ko.

"Ahhh..."

Fudgee barrr! Nagpalit ba ako ng ringtone? Wala akong matandaan. At isa pa, wala naman akong ringtone na ganun ah. Hinding-hindi ako maglalagay ng ganung tunog sa phone ko.

"Yesss..."

Fita naman. Ano ba yun? Sa'kin ba talaga yun? Umupo na ko sa kama at hinanap ng tuluyan ang phone ko. At nang may makapa ako sa bandang dulo ng kama, kinuha ko ito. Cellphone ko. Agad ko itong binuksan.

Wala. Wala akong tawag o new message man lang. At nang tingnan ko ang oras, 2.05am. Pasado alas dos pa lang. Eh ano yung narinig ko?

Inikot ko ang tingin sa buong kwarto. Madilim. At tahimik na rin. Hindi kaya guni-guni ko lang yun? Imposible. Pero kung hindi, ano yun? Di kaya...di kaya may...multo?

Nagmadali akong bumaba ng kama, hawak pa din ang phone ko at patakbo na dapat sa pinto nang...

"Oh yesss... Moreeee..."

Fudgee barr! Natigilan ako sa kinatatayuan. That was so not a ghost.

It was a girl's voice. At galing sa kabilang kwarto yung tunog. And from the sound of it, meron siyang kas...

Ni hindi ko nga masabi yung salitang yun. Kadiri. Agad akong tumakbo pabalik ng kama at tinakpan ng unan ang magkabilang tenga.

Hindi ako makapaniwala, ang inosente kong tenga nakarinig ng ganun. Ugh.

Di pala soundproof ang mga kwarto dito. At nakakainis! Bakit ba sila nagtutu*toot*? Ugh. Censored.

"Ohhh Slade...I'm...ahhh..."

At pati ang unan ko, di nakayanan ang lakas ng boses niya. S-Slade? Yun ba ang pangalan nung ka*toot* niya? Ugh. Fudgee barr! Samahan mo pa ng fita.

It was official, hindi na virgin ang inosente kong tenga.

~*~*~

Hey there! So it's the first chapter. Like it? Hate it? Some feedback please. Hahahaha :) Salamat. :) And no, this isn't a SPG story or anything. The first chapter only needs to be that way. Well, I hope no one is offended. :)

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now